Final Chapter

486 10 1
                                    



*****

-6 Months Later-

KENLY'S POV

Nandito kami ngayon ni Eliza sa puntod ni Daddy Lo, Papa, Mama, At yung mama niya rin.

6 MONTHS nang nakakalipas nung ginanap yung kasal namin.

Kabuwanan niya na ngayon sa Baby.

12 Months na kasi Eh.

Parang malaking pakwan nga.

Nakapag-decide na kami ng pangalan nila.

Since, blessings sila sa amin...ang pangalan nila ay A---

"Huy! Kenly! Tulala ka na naman."

Nagulat ako sa hampas ni Eliza sa akin.

Nakaupo lang kasi ako at siya nakatayo at nakapatong yung kamay niya sa balikat ko.
Nasa side ko siya.

"Sorry..."

"Amh...Daddy Lo? Mom? Dad? Tita?"

"Anong Tita?! Call her Mom! Syempre kasal na tayo kaya dapat nanay mo na rin siya."

Hinampas na naman niya ako. Awts!

"Amh...MOMMY!"

"Galit ka?!"

Hinampas niya na naman ako ulit. Maawa ka naman sa akin Eliza! Magkakapasa ako eh!

"Hindi. Sorry na, Eto na kasi...Amh, Mom? Dad? Daddy Lo? Mommy? Si Eliza Ibarra Alfaro po. Ang babaeng pinakamamahal ko. Daddy Lo? Natupad na po yung pangarap natin. Eto na po siya oh! Si Eliza at ang mga anak namin."

Nilapag ko isa isa sa kanila yung mga bulaklak. Sinindihan ko na rin yung mga kandila.

"Ma! Pa! Magiging Lolo at Lola na po kayo! Me'ron na po kayong hindi lang isa, kun'di dalawang apo na anghel! Pangako po! Hindi ko po kayo bibiguin. Mamahalin ko po sila katulad ng pagmamahal niyo sa akin. And...Tita?"

"MOM!"

Awts! Pang-apat.

"M-Mom! Sabi ko nga Mom..."

Inirapan niya lang ako.

"Mommy? Alam ko pong masayang masaya kayo para kay Eliza. Masayang masaya kayo para sa amin. Promise din po! Hindi ko po sila sasaktan. Hindi ko po sila iiwan at hindi din po ako mauubusan ng oras para sa kanila. Mamahalin ko po sila at aalagaan."

Tumayo ako. Tinitigan ko lang siya at ngumiti.

"Bye po! Aalis na po kami."

"Bye Ma! Bye Pa! Bye Daddy Lo! Bye Mommy!"

Umalis na kami at sumakay na sa koste.
May driver kasi kami. Si Kuya Je. Hahaha!

*****

-Next Morning-

"BABY KENNNNNNNN!"

Rinig kong sigaw ni Eliza kaya agad akong bumangon sa higaan.

"Oh Bakit?!"

Naka-Boxer lang ako at nakaTopless.
Pero hindi ito ang importante!

"MANGANGANAK NA ATA AKO!"

"HAH?!"

Sh*t! Anong gagawin ko?!

Hindi pa ako nakakapagbihis.

Agad-agad ko siyang binuhat. Yung buhat na pang Bride.

"KENLY! B-BILISAN MO!"

"Kuya Je! Ihanda mo yung sasakyan!"

Nakita ko kasing nagkakape siya at mukhang Chill.

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon