Chapter 22-Cuddle Effect

395 5 0
                                        



*****

ELIZA'S POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas nung nasa ospital kami. Dalawang linggo na ring nakalipas nung nilibing si Daddy Lo.

Nasa kwarto ako ngayon ni Kenly. Dito kasi ako natulog kagabi. Pati ng mga nakaraaang araw.

Wala na kasi si Dee at pumunta na ulit sa kaibigan niya. Magte-take ulit siya ng 3 months para magtrabaho.

Nakita ko si Kenly nakaupo sa hagdan.
Siguro ang lalim ng iniisip niya.

Umupo ako sa tabi niya.

"Boo...Okay ka lang?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Amh...Okay lang ako. Mediyo masakit lang yung ulo ko kakaisip."

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. Kinurot ko ng gentle. Baka masaktan siya eh. Ang cute cute lang kasi ng asawa ko.

"Magpahinga ka muna. Kasi mamaya aalis na ako. Uuwi na ako sa bahay dahil wala na naman si Dee."

"Sige."

Tumayo siya at sinundan ko. Himaga siya sa kama niya.

Aalis na dapat ako nung hinawakan niya yung kamay ko at hinila. Bumagsak ako sa dibdib niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Wala akong magawa.

"Ke-Kenly?"

"Dito ka muna sa bahay."

Kinakabahan ako. Ang lapit ng labi niya sa labi ko. Naaamoy ko na yung mabango niyang hininga niya. My point is kapag hinalikan niya ako baka...baka...baka...baka isuko ko na ang bandila ng bataan.

"Ah...he....hihihi...Su-Sure. Hehe."

"Good."

Oh my ghad! Lumalapit siya papalapit sa labi ko.

Ayan na...Ha?! Biglang lumiko sa tainga ko. Watdahek!

"H-hah?"

May binulong siya sa akin.

"Gabi na kasi...Baka may masamang mangyari sa'yo."

Bigla naman akong nabato sa kinadadaganan ko.

Tumawa siya ng mahina. Ako naman nahihiya. Yumuko na lang ako at feeling ko ay namumula yung pisngi ko.

Hindi pa rin talaga ako umaalis sa pwesto namin hanggang sa...

"Anak ng tipaklong!"

Hala si Manang Fe!

"A-ano Manang Fe, Ah..."

Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko. Ang awkward naman kasi ng position namin ni Kenly eh."

"Pasensiya na kayo sa abala. Eh dapat kasi nagsasara kayo ng pinto."

Nagkatingin naman kami ni Kenly at tumawa lang siya. Ako naman hiyang hiya.

Agad akong tumayo sa kinakadaganan ko at tumayo na lang sa gilid ng kama.

"Manang Fe, Amh...Ano po kasi...Eh--"

Naputol ang sasabihin ko nung nagsalita si Kenly.

"Gagawa po kasi kami ng Baby. Alam niyo naman po yung mga ginagawa ng
mag-asawa."

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon