Chapter 32-Savior 2.0

344 10 0
                                    



*****

Dinilat ni Kenly yung mga mata niya. Nakita niyang madilim at nakatali sa upuan ang kaniya mga kamay at paa. Duguan siya at may tama sa ulo.

"Eliza?! Eliza nasaan ka?!"

Biglang may naglalakad papalapit sa kaniya. Hindi niya maaninag dahil sa dilim.

"Eliza?! Eliza ikaw na ba 'yan?!"

"Hihihihi! Kenly..."

"F-Ford?! Ilabas mo si Eliza g*go!"

Hindi pa rin nagpapakita sa kaniya si Ford. Nang maaninag ng ilaw, nakita niya na nakasakal sa mga bisig ni Ford ang leeg ni Eliza at may scotch tape sa bibig. May baril na nakatutok sa sentido.

"E-Eliza?"

"Mhh! Mhh! Mhh!"

"Bitawan mo siya Ford! Ako na lang patayin mo!"

"Ikaw na lang?"

Tinutok ni Ford yung baril sa kaniya.

"Mhh! Mhh! Mmhh!"

"Ako na lang...Ako na lang patayin mo 'wag na si Eliza."

"Alam mo Kenly? Eto na ang pinapangarap ko. Simula no'ng high school pa tayo."

Flashback

("Ikaw na ang sumira sa pagkakaibigan natin.")

"Hi!"

Ang sabi ni Cath kay Kenly.

"Hi!"

"I'm Kenly by the way."

Nilahad ni Kenly yung kamay niya kay Cath.

"Cath..."

"Nice to meet you Cath."

"Ikaw din."

("Ikaw na lang ang laging nananalo.")

"Cath...Gusto ko sanang..."

"Ano?"

"Gusto ko sanan--"

Biglang lumapit si Kenly sa kanila.

"Cath! Lunch tayo?"

"Sige ba. Amh...kita na lang tayo mamaya Ford ah?"

"Amh...Sige."

("Sa buong buhay ko, minsan lang ako umibig.")

"Mahal kita Cath."

"Ha?"

"Ang sabi ko Mahal kita."

"Sorry Ford, pero ang mas mahal ko si Kenly."

End Of Flashback

"Kaya ngayon, ako naman ang babawi sa'yo!"

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon