Chapter 25-Hurt

332 6 0
                                        



*****

KENLY'S POV

Nag-aayos ako ng mga gamit dito sa sala. Madami kasi akong napanalunan kanina kaya ang dami kong nakuhang Prices hahaha.

Matawagan nga sila Harry. Hehehe. Namimiss ko na yung kolokoy na 'yon.

Kinapa-kapa ko yung bulsa ko pero wala yung Cellphone ko.

Nasaan na ba 'yon?

Pumunta ako sa kotse pero wala. Ah! Ang tanga ko. Nasa kama pala.

Umakyat ako patungong Kwarto namin. Isa lang naman yung kwarto eh. Pati yung baby room pa. -_-

"Eliza? Pakik--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Narinig ko kasing sumusigaw si Eliza.

Mukhang may kausap siya sa telepono.

Papasok na sana ulit ako nung marinig ko yung pangalan ni Ford at pangalan ko.

Pinakinggan ko muna si Eliza. Bahagya ko lang sinara yung pinto.

Pinakinggan kong mabuti.

"Ford?! Pagkatapos mong patayin si Daddy Lo ng dahil lang na gusto mo akong pakasalan?! Bakit mahal mo ba ako?"

~~~

Ha? Pinatay ni Ford si Daddy Lo? Dahil saan? Dahil ano?

"Ford...Pinatay mo yung Lolo ni Kenly. Pinilit mong ipasok ang buhay mo sa puso ko. Papatayin mo lahat para makuha lang ako. Papatayin mo ang mahal ko sa buhay para lang pakasalan kita. I love you."

Unti onti ng bumuhos ang luha ko.

A-ano? P-pinatay ni Ford si Daddy Lo para lang...para lang mahalin siya ni Eliza.

Sinasabi ko ng Mahal niya si Ford.

Binuksan ko na ang pinto. Hindi na kinaya ng nararamdaman ko.

"Eliza?!"

Humarap siya. Lumuluha.

"Ke-Kenly..."

"Ano 'yon?! Totoo ba yung narinig ko?!"

Palapit siya sa akin. Hinawakan niya yung mga kamay ko pero agad kong inalis.

"Kenly...Patawarin mo ako."

"Hindi! Eliza, si Ford ba talaga ang dahilan kaya namatay si Daddy Lo?!"

Napayuko siya. Iyak lang siya ng iyak.

"Ano?!"

Tumango siya.

"TOUNGE INA ELIZA! BAKIT HA?! ANONG KASALANAN NI DADDY LO KAYA NAMATAY SIYA?!"

Umangat yung tingin niya sa akin. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

*****

GENERAL'S POV

"Patawarin mo ako Kenly. Patawarin mo ako."

"BAKIT KAILANGAN PANG MAMATAY SI DADDY LO PARA LANG MAPUNTA SI FORD SA'YO?!"

"Kenly...Hindi totoo 'yon. Kenly maniwala ka naman sa akin."

"ELIZA HINDI! SAWANG SAWA NA AKO SA KAKAINTINDI SA'YO! PINATAWAD KITA. MINAHAL KITA TAPOS ANO?! TAPOS MALALAMAN KONG SI FORD ANG PUMATAY KAY DADDY LO DAHIL LANG GUSTO NIYANG IKASAL KA SA KANIYA AT MAHALIN MO SIYA HAH?!"

"Hindi Ken--"

"TAPOS MALALAMAN KONG MAHAL MO PA RIN SIYA. SANA NA LANG ELIZA! SINABI MO NA MAHAL MO SIYA PARA HINDI PA NADAMAY ANG MAHAL KO SA BUHAY!"

"KASI KENLY, PAPATAYIN KA NIYA. AYON LANG ANG TANGI KONG ALAM PARA LANG MALIGTAS KA."

"Maligtas..."

Huminga ng malalim si Kenly.

"Maligtas? Maglitas mo ako?! Eliza, wala tayong alam no'n! Kahit ako,Ikaw. Hindi alam ang pangyayari. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na papatayin ni Ford ang mahal ko sa buhay para lang mahalin mo siya!"

"Kasi mahal kita. Ikaw ang mahal ko kaya hindi ko sinabi sa'yo. Matagal ko ng tinatago sa'yo na may connection kami ni Ford."

Nabigla si Kenly. Bigla siyang nabato sa kinatatayuan niya.

"Bakit?! Bakit kailangan madamay si Daddy Lo dahil sa kapalpakan mo. Bakit Ikaw lang ang nagdesisyon?!"

"Kenly..."

"Siguro, tapusin na natin ang me'ron tayo. Gumising ka na wala na ako sa'yo. Gumising ka na wala kang nakilalang Kenly. Kalimutan na natin ang me'ron tayo."

"Pero Kenly...Mahal kita."

"Hindi. Hindi totoo 'yan. Mas mahal mo ang sarili mo kaysa sa pamilya natin at sa akin."

"Hindi ko kayang iwan ka Kenly."

Umalis na lang si Kenly.

Iyak lang ng iyak si Eliza. Nakita niya sa bintana ang paalis na lalake dala-dala ang kotse.

Bigla naman siya tumungo ng banyo para sumuka. Suka lang siya ng suka.

Isa lang ang ibig sabihin no'n. BUNTIS SIYA.

Buntis ako...At ang ama ay si Kenly.

Nagring ang telepono. Kinakabahan siyang sinagot iyon.

"H-Hello?"

[Hi Eliza!]

Nakahinga siya ng maluwag na si Kirsten ang tumawag.

"Hello. B-bakit ka napatawag?"

[Eliza? Okay ka lang? Umiiyak ka ba?]

"Ha? H-hindi 'no!"

[Kilala kita Eliza. Nag-away na naman ba kayo ni Kuya?]

Tumulo ang luha niya. Hindi niya alam ang sasabihin. Tumahimik siya. Naalala niya ang away nila kanina ni Kenly.

[Silent means Yes. Pupunta ako diyan. Dadaan lang ako sa Drugstore. Amh...may papabili ka ba?]

Naalala niya. Baka kailangan niya nga ng Pregnancy Test.

"Amh...Bilan mo ako ng Gamot at...."

[At?]

"At..."

Sasabihin ko na ba?

"Pregnancy Test."

Napapikit siya. Hindi niya alam ang gagawin.

[H-ha? P-p-p-pregnancy Test?]

"Amh...Oo."

[Sige. Sige. Papunta na ako.]

Pinutol na nila ang kanilang pag-uusap.

Hays....Kinakabahan ako sa mga mangyayari.

Agad siyang tumungo sa kalendaryo. Tinignan niya ang date.

Sh*t! 2 weeks na akong delayed!

*****

To Be Continued...

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon