Chapter 8-The Truth

272 7 0
                                    



*****

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Kuya ay may Girlfriend no'n, pero iniwan siya dahil ang hiling at gusto lang naman ng babaeng 'yon ay pera at hindi ang pagmamahalan ni Kuya."

Nakikinig lang si Eliza sa sinasabi nila Kirsten at Harry.

"Oo, nasaktan siya no'n at dahil do'n akala niya Ikaw na ang mamahalin niya at maipapakilala niya sa Lolo niya."

"Lolo?"

"Oo Bes, si Daddy Lo. Hindi pa kasi napapakilala ni Kuya yung Girlfriend niya kay Daddy Lo. Kahit man lang pangalan."

"Kaya si Kenly, nagplano siya dahil Birthday na ng Lolo niya sa Sabado eh ang kaso, wala siyang Girlfriend at gusto pa naman ng Lolo niya na sa Birthday ng Lolo niya ay makikilala ang Girlfriend ni Kenly. Hindi naman niyang pwedeng hindi hilingin dahil ayon na lang ang pangarap ng Lolo niya. Malaki din naman ang utang naloob nilang dalawa sa Lolo nila dahil yung Lolo nila ang nagpalaki sa kanila."

"Pero dahil ang habol nga ng Girlfriend ni Kuya ay pera lang, Ayon! Nagbreak sila."

"Wait...Sino ba 'yung babaeng girlfriend ni Kenly?"

Nagkatinginan sila Harry at Kirsten, Sabay pa silang nagsalita.

"Si Sab."

Sab...Sab...Sab...

[Hello Eliza! Mhh? Parang ang saya saya mo ata ngayon? Well, I'm happy for you. Sana maging masaya ka kay Kenly. Pero ito ang tatandaan mo, Mag-iingat ka Eliza. Good Luck and take care. (Sabrina! Sab! Tara na!)]

Sabrina?

"Kilala ko siya."

Nagtaka naman sila Harry at Kirsten.

"Hah?"

"Kilala ko si Sab, siya yung nagsend sa akin ng Voice message. Kilala ko ang name niya."

[Sabrina! Sab! Tara na!]

"At...Ford?"

"Hah? Si Ford? Paanong si Ford?"

"Si Ford 'yung nagsabing 'Sabrina' sa Voice message."

"Wait! Wait! Wait...Si Ford at Sabrina ay may plano?"

"Parang gano'n na nga."

"Si...Si Kuya? Paano na si Kuya? Kapag bumalik sa kaniya si Sab? Baka saktan niya ulit si Kuya."

"Shh! Kirsten, okay lang 'yan."

Niyakap naman ni Harry si Kirsten.

"Uy! Uy! Uy! Ano 'yan?!"

Nagbitaw sila sa yakap.

"Ah? Wala ah! Wala 'to!"

Natawa naman ng onti si Eliza.

"Bes...Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Kenly. Sorry."

"Hindi, may magagawa ka pa Eliza."

"H-ha?"

"Kailangan ni Kenly ng Girlfriend at mamahalin siya ng tunay. Ikakasal siya at si Kenly, bubuo ng pamilya at masayang alaala. Bago pa mamatay ang Lolo niya."

Proud pa na sabi ni Harry. Hinampas naman ni Kirsten si Harry.

"B-bakit?"

"Kailangan talagang mamatay yung Lolo ko?!"

"Sorry naman! Sorry na."

"Okay tama na 'yan! Bakit nga ba kailangan ng Girlfriend ni Kenly?"

"Kasi nagpromise si Kuya na mamahalin at aalagaan niya ay babaeng makakasama niya pang habang buhay, malaki ang utang na loob namin kay Lolo kasi siya ang nag-alaga at nagtiyaga na magpalaki sa amin dalawa ni Kuya. Kaya nga lubos-lubusan niyang minahal si Sab eh."

"Pero si Sab hindi niya mahal si Kenly."

"Kaya no'ng nagbreak sila ni Kuya, Nangako si Kuya na hindi niya bibiguin si Lolo pero wala na siyang Girlfriend. Ayaw naman naming ma-disappointed si Lolo."

"Kaya Eliza, Ikaw na lang ang tutulong kay Kenly. Sa Sabado, Birthday na ng Lolo nila. At dapat si Sab ang ipapakilala ni Kenly sa Lolo nila eh kaso diba nga break na sila, kaya pipilitin mong maging Boyfriend si Kenly."

"H-ha? Baka pagtabuyan niya lang ako."

"Eh Tanga ka na no'n Beshy!"

"Grabe ah!"

"Oh ano? Sakay ka ba sa trip namin?"

"Eh ano pa Choice ko? Mahal ko naman si Kenly at ayaw ko siyang masaktan. Edi G na ako!"

Tumawa lang sila.

Get ready Kenly Joseph Alfaro.

**********

To Be Continued...

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon