Chapter 35-Never Give Up

346 9 0
                                    



*****

Nasa bahay ngayon si Eliza ng kaniyang Daddy. Sinabi muna kasi niya na kakausapin niya yung Daddy niya tungkol sa kasal.

Nalaman kasi ng Daddy niya na hindi muna sila magpaplano.

"Eh...Anak? Paano 'yon? Kahit naman magkaanak kayo eh kailangan niyo namang magpakasal. Importante sa buhay ang kasal."

"Dee...Alam ko, napag-usapan na namin ni Kenly na hindi muna kami ikasal. Kasi may mga nangyaring masama nung kinasal kami. Diba?"

"Alam ko 'yun anak. Pero...Walang bisa ang kasal niyo na 'yon. Hindi totoo 'yon diba?"

"Amh...Opo. Pero kapag nanganak na ako. Doon na kami magpapakasal."

"Naiintindihan kita Eliza, baka maagaw sa'yo si Kenly."

"Hinding Hindi na."

*****

Si Kenly naman ay nasa sala ng mansion ng Daddy Lo niya. Kausap niya sila Kirsten at Harry. Pinag-uusapan din nila yung sa kasal.

"Bro...Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal?"

"Eh...napag-usapan na namin ni Eliza 'yan. Tsaka saka na muna kapag nanganak na siya."

"Tsk! Kuya...Mas importante ang kasal wala namang mangyayaring masama diba?"

"Alam niyo ba nung kinasal kami ay may namatay, So...sino susunod? Si Harry?"

"Oh! Bro! Bakit ako? Kawawa naman ako kapag namatay."

"Tsk!"

"Tsaka Kuya, malay mo ikasal kayo ng walang nangyayari."

"Oo, Bro...Saka ang pagpapakasal ay importante din 'yan. Yung mga singsing? Simbolo ng pagmamahalan 'yon."

"Kaya nga Kuya."

*****

(Point Of View ni Eliza)

"Eh kung paano nga kapag hindi kayo kinasal? Saka kapag kinasal kayo, pwede na kayo ulit magsama sa iisang bahay."

"Dee....Pwede naman kami dumalaw sa isa't isa eh."

"Kailan ba kasi talaga yung kasal niyo?"

*****

(Point Of View ni Kenly)

"Ang dami mong alam 'no? Anong nakain mong g*go ka?"

"Seryoso ako Bro. Kailan nga kasi Kasal niyo?"

"Ilang beses ko..."

*****

(Point Of View ni Eliza)

"...Bang sasabihin po sa inyo na..."

*****

(Point Of View nila Kenly at Eliza)

"WALANG KASALANG MAGAGANAP!"

(Sabay nilang sabi)

*****
x

x

x

x

x

x

x

x

x

x

x

x

x

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon