Chapter 5-Ford

323 9 0
                                    



*****

Selos? Nagseselos si Joseph? Kanino?

Napailing na lang si Eliza.

Tumuloy ang kanta. Nagdrawing na lang ulit siya. Wala talaga siyang nakikitang text man lang niya.

*****

"BAKIT MO GINAWA 'YON?!"

Sigaw ni Kenly kay Harry. Nagtakip na lang ng unan si Harry.

"Bro! Sorry Bro! Patawad! Please sorry talaga! Nadulas lang."

Pagmamakaawa ni Harry sa kaniya.

"Hmp!"

Padabog siyang umupo si upuan. Kinuha niya ang Cellphone niya at tinawagan si Hannah.

"Bro! Anong binabalak mo? Bro! Mahal ko si Kirsten Bro!"

Napatingin naman si Kenly sa kaniya.

"Ah...Hehehe! Nadulas lang."

Bumaling ulit siya sa ibang direksyon.

"Hello Hannah?"

"Bro! Please maawa ka naman!"

Pagmamakaawa ni Harry sa kaniya.

[Hello? Kenly?]

"Hannah, Hindi pa nakakamove-on si Harry sa'yo."

"BROOOOOOO!"

*****

"Eliza! Eliza! Anak kakai---"

Pagbukas ng pinto ng Tatay ni Eliza, Nadatnan niya itong natutulog at nakapatong ang ulo sa Study Table.

"Hays!"

Pumasok ang tatay niya sa kwarto niya. Binuhat niya si Eliza at inihiga sa kama.

Lumuhod siya para tignan ang maamong mukha ng anak niya.

Inipit niya sa tainga ang buhok na nakakalaylay.

"Alam mo? Ang ganda ganda mo. Kahit anong mangyari, kamukha mo pa rin Mama mo. Mahal na mahal kita."

Hinalikan niya sa Noo si Eliza. Ngumiti naman si Eliza na kahit pa'y natutulog ito.

"Good nighty Sweetheart."

Pinatay niya na ang ilaw at sinara ang pinto.

*****

"Bro! Bakit mo ginawa 'yon?"

Tumawa lang ng malakas si Kenly sa itsura ni Harry.

"Bawi lang Bro. Pagmamahal sa Kapatid ko at 'yung pagsabi mo kay Justine na Nagseselos ako."

"Tsk! Totoo naman."

Bulong niya pa pero narinig naman ni Kenly. Agad niyang kinuha ang Cellphone niya.

"De joke lang! Niloloko lang kita."

Nagpeace sign pa si Harry.

"Matulog ka na lang! Oh eto! Unan!"

Hinagis ni Kenly ang dalawang unan kay Harry.

"Teka Bro? Saan ako matutulog?"

"Ha? Nagtatanong ka pa? Edi sa Sofa!"

"Bro naman!"

Sinarado ni Kenly ang pinto.

"Bro!"

Binuksan ulit ni Kenly 'yung pinto.

"Sabi sa'yo eh! Hindi mo talag---"

"Night!"

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon