Chapter 4-Textmate

369 6 0
                                        



*****

"Twiny! Twiny!"

Binuksan ni Kirsten ang mga mata niya. Bumungad sa kaniya ang napakagwapo niyang kapatid.

"Oh Kuya? Bakit?"

Umayos ng upo si Kirsten habang si Kenly naman ay nakatayo lang sa gilid at may hawak-hawak na tray.

"Breakfast in Bed?"

Ngumiti ng nakakaloko si Kenly sa kaniya.

"Kuya? Anong paandar 'to?!"

"Ayaw mo bang kainin 'yung ginawa ko? Pinaghirapan kong lutuin 'yan at masarap 'yan."

Tumingin si Kirsten sa isang tray. Taas kilay naman siyang bumaling tingin kay Kenly.

"Masarap? Pinaghirapan? Eh sunog na 'yan eh! At Kuya! Please I know na may kailangan ka, So what it is?"

"Eliza Justine!"

"Hell no."

Tumayo si Kirsten sa higaan niya at nagsuklay ng buhok.

"Wala pa nga akong sinasabi eh."

"Alam mo Kuya? Huwag mo ng asarin si Eliza, and siya? Bakit siya?"

"Please Twiny! Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa kaniya."

"Hays! Kuya! Sasaktan mo lang ang feelings ni Eliza!"

"No! Huwag mo nga akong pangunahan!"

"So ano ha?! Mag-aaway na naman tayo?!"

"Please Twiny! Listen to me first!"

"Kuya! Huwag si Eliza! Sasaktan mo lang feelings ng Bestfriend ko at bakit siya pa? Bakit kailanga--"

He cut her off.

"I FELL INLOVE WITH HER!"

Natahimik si Kirsten. Ilang minuto muna silang tumahimik. Huminga muna ng malalim si Kenly bago siya magsalita.

"I fell inlove with Eliza. I fell inlove with Eliza Justine."

Natulala si Kirsten at speechless.

"Seriously? Baka nama--"

He cut her off again.

"No. Basta, parang may iba. Yung ngiti niya, tawa niya, basta lahat 'yon kaya please!"

Ngumiti si Kirsten at nag-isip pa.

"Mhh? Okay. Wala talaga ah?"

"Wala nga!"

"Okay, ano bang gagawin 'ko?"

"Amh? Number? Can I get her number please?"

Nag-puppy eyes pa si Kenly, Natawa na lang si Kirsten.

"Okay okay. But you promise na hindi mo sasabihin kay Eliza na ibinigay ko sa'yo number niya ah?"

"Promise!"

Nagtaas pa si Kenly ng kamay at nag-Cross heart.

"09*********."

"Okay wait wait!"

Matapos i-save ni Kenly ang number ni Eliza sa phonebook, Agad niyang niyakap si Kirsten.

"Thank you! Thank you talaga Twiny!"

Nagyakapan lang sila at hinalikan pa ni Kenly si Kirsten sa gilid ng Noo.

*****

Time Check-7:35 PM

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon