Chapter 15-Get Ready

273 5 0
                                        



*****

-Friday-

Time Check- 10:35 AM

"Bro...Engagement party niyo na mamayang hapon. Ready ka na ba?"

"Ungas! Ano bang sinasabi niyo kay Daddy Lo na buntis si Eliza?!"

"Bakit? Hindi ba?"

"Baliw ka talaga!"

Pinaghahampas ni Kenly si Harry.

"Fake wedding lang naman 'yon diba?"

"Oo."

"Paano na feelings mo kay Eliza? I'm sure mahal mo pa rin siya, Diba?"

"Tsk! Sinaktan niya ako. Alam mo 'yon?!"

"Oo na Bro! Oo na. Pero si....Sab?"

"Wala na akong nararamdaman sa kaniya."

"Bro...Pumunta si Sab sa amin at hinahanap ka, pinipilit kaming sabihin kung nasaan ka. Pero syempre hindi namin sinabi."

Tinapik tapik ni Harry ang balikat ni Kenly.

"Pumunta? Bakit kaya ako no'n hinahanap?"

"Ewan ko din."

*****

"Deeeeeee!"

Umuwi na sa wakas ang tatay ni Eliza.

"Eliza!"

Niyakap ng mahigpit ni Eliza yung tatay niya.

"Oh Anak? Ano 'to? Bakit may mga damit pang mayaman dito?"

Sabi ng tatay ni Eliza na tinitignan ang Tuxedo at Gown na puti.

"Ah...Dee? May gusto po sana akong sabihin sa inyo eh."

"Ano 'yon?"

"Dee...Ayan po yung susuotin natin."

"Hah? Para sa'n ba?"

"Eh...Amh...I-ano...Ika-kas..sal na po ako."

Napapikit si Eliza at kinagat ang lower lip niya. Hinahantay ang sermon ng tatay niya.

Nako! Siguradong lagot ako nito kay Dee.

Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin nagsasalita yung Tatay ni Eliza.

Dumilat si Eliza. Nagtataka siya kung bakit nakatulala lang ang tatay niya.

"D-Dee?"

"Seryoso ka ba Anak?!"

Hindi galit at hindi rin disappointed ang pagsasalita ng tatay ni Eliza.

"Ah...Opo?"

Nagtataka pa rin si Eliza.

Biglang...

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon