Chapter 12-Under The Roof

308 7 0
                                    



*****

Pagkatapos maligo ni Eliza, si Kenly ay nagbibihis sa kwarto.

Nagriring ang cellphone ni Eliza kaya pumasok siya sa loob.

Habang nagsusuklay si Eliza papasok sa kwarto, hindi niya alam na nagbibihis si Kenly.

Pahubad na sana si Kenly ng tuwalya nung biglang bumukas ang pinto.

"Kenly paabot nga ng--AAHHHHHHH!!"

"Uy!"

Pagkaharap ni Kenly, sakto nalaglag ang tuwalya niya.

"AHHHHHH! JUICE COLORED! MY VIRGIN EYES!"

Lumabas ng mabilis si Eliza at sinara ang pinto. Nakasandal lang siya sa pinto.

Nako? Ano 'yon? Wait, nakita ko ba? Hindi naman. Oo, nakita ko. Malaki? Ugh! Eliza Eliza! Grabe! Nahihiya ako!

Agad ng nagbihis si Kenly, sinuot niya na ang Boxer at V-neck niyang shirt.

Umupo muna siya sa kama.

Grabe, nakita niya kaya? Wala pa namang nakakakita kay Junjun. Siya lang ata. Nakita niya ba kasi? Ugh! Nakakairita! Ano ng gagawin ko dito? Patay!

Tumunog ulit ang cellphone ni Eliza tanda na may tumatawag.

"Ke-Kenly?"

Kumatok si Eliza sa pinto.

"Yes~?"

"Ah...Tapos ka na bang magbihis?"

"Ah...Oo~"

"Pwede na ba akong pumasok?"

"Sure~"

Dahan dahang pagbukas ng pinto si Eliza. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya si Kenly na nakaupo.

"Kukunin ko lang Cellphone ko."

Tumango lang si Kenly. Naglakad na papalapit si Eliza sa cabinet na nasa gilid lang ng kama.

Tumingin si Kenly kay Eliza, nakita niya yung Caller ID: Dee

Dee? Boyfriend niya kaya 'yon? Baka si Ford 'yon. Dee at Boo. Baka nagkataon lang. Hindi naman siya papayag sa deal namin kapag may boyfriend siya eh.

"Sagutin ko lang 'to ah?"

Tumango ulit siya. Umupo sa edge ng kama si Eliza. Dinig na dinig ni Kenly ang mga sinasabi ni Eliza pero hindi yung kausap ni Eliza.

"Hello Dee?"

[Kamusta na? Anak, sorry kung matatagalan pa ako ah?]

"Okay lang po."

[Kamusta na kayo ni Kenly? Sinabi sa akin ni Kirsten na kayo na raw ni Kenly. Tama ba?]

"Ah...Paano niyo siya nakilala?"

[Mhh...Dumating kasi siya sa bahay natin no'ng Birthday ni Hazel, ang sabi niya siya na raw ang maghahatid sa'yo papunta sa party. Pero anak ah! Mag-iingat ka, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.]

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon