Chapter 21-Promises

282 5 0
                                    



**********

ELIZA'S POV

Hmmm? Nasaan ako? Hala! Nakatulog na pala ako sa kwarto ni Kenly.

Ano bang nangyari kagabi?

"Tara na, magpahinga na tayo. Bukas pupunta pa tayo kila Daddy Lo."

"Sige."
-----
"Maliligo lang ako ah?"

"Amh...Sige. Hantayin na lang kita dito."

"Amh...Sige. May damit ka na diyan pwede ka ng magbihis. Para hindi ka na nahihirapan sa gown mo."

"Okay..."

Ang tagal-tagal naman nung lalaking 'yon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama kakahintay.

Oo nga pala. Nakatulog ako kahapon sa tabi niya. Pero nasaan na siya ngayon?

Bumangon muna ako at naghilamos. May toothbrush naman ako kaya nagsepilyo ako.

Naligo muna kasi ang kati kati ng katawan ko.

Bumaba na ako, nakita ko si Kenly na nagluluto. Nasaan din ba si Manang?

Naawa na ako sa kaniya. Siguro hindi siya nakatulog ng maayos kagabi.

Kaya niyakap ko siya patalikod. Yung mga kamay ko ay nasa waist niya. Nakapatong yung pisngi ko sa likod niya.

Naramdaman ko namang parang nabato siya at nagulat.

"Oh? Gising ka na pala, Sleepy Head. Saglit lang 'to. Matatapos na rin maluto."

Buti pa siya marunong magluto. Samantalang ako, kahit itlog hirap na hirap pa rin. Si Dee lang kaya ang nagluluto sa kusina namin. Muntik na ngang magkasunog eh!

"Oh. Luto na."

Pilit niyang tinatanggal yung kamay ko sa beywang niya. Pero hinigpitan ko lalo.

"Eliza...Kakain muna tayo. Maghahanda na ako ng BRUNCH natin."

Pero hindi ako nakinig. Lalo ko pang diniin yung mukha ko sa likod niya.

"Boo..."

Hinarap ko sya. Nilagay ko yung mga kamay ko sa batok niya at siya sa beywang ko at....Ano? Anong gagawin ko? Hahalikan? Baka ma-wirdohan siya sa akin.

Halikan mo na. Nahihiya ka pa Eliza!

Shut up. 'Yun na nga. Hinalikan ko siya sa lips pero smack lang.

Tumawa lang ang loko.

"Mamaya na 'yan. Kakain tayo at pupunta tayo sa...."

"Saan?"

Bigla na lang siyang napayuko.

"Sa hospital para...ano. Para dalawin si Daddy Lo."

Tumango na lang ako. Alam ko pa rin na hindi niya pa kayang kalimutan. Mhh? Ano kayang magagawa ko para mapatawa siya or mapangiti man lang?

Hinalikan ko siya sa Lips.
Tumawa lang ang loko.

Alam ko na!

*****

Papunta na kami sa hospital. Tahimik lang habang nasa byahe kami. Katabi ko si Kenly na nakatingin lang sa bintana. Si Kuya Je kasi driver namin.

Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ko. Napatingin siya sa kamay namin at tumingin siya sa akin. Nginitian ko lang siya.

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon