Chapter 3-Closer Together

442 9 0
                                    



*****

Naglakad na lang sila palabas ng McDo habang nagbubulungan pa sa dalawa.

"Hahaha! Oo nga!"

Rinig nilang sabi ni Harry.

"Ano kayang pinag-uusapan nila?"

Bulong ni Kenly kay Eliza.

"Ewan."

Nakapunta na sila sa parking lot.

Time Check-3:40 PM

"Sige na, Babe. Alis na kami."

Nagkatinginan ulit sila Kenly at Eliza.

'Babe daw?'

Sabi ni Eliza sa isipan niya.

'Oo eh. Babe?'

Sagot naman ni Kenly sa isipan niya.

"Oy! Kayong dalawa! Nagtititigan pa kayo. Tara na!"

Agaw atensiyon ni Harry sa kanila.

"Hindi ah!"

Lumapit na si Kenly kay Harry at binatukan.

"Aray! Sakit 'non!"

"Ah...Sige Justine, Una na kami."

Sabi ni Kenly kay Eliza.

"Sige Joseph."

Nagtataka naman sila Kirsten at Harry.

"Justine, Gusto mo bang sumabay?"

Tanong ni Kenly kay Eliza.

Napaisip si Eliza.

Sabay? Sa kotse? Eh oo nga pala! Sabi ni Kirsten PLAYBOY at CHICKBOY siya. Bakit ko siya pagkakatiwalaan? Papayag ba ako?

"Kuya! May pupuntahan pa kaming Concert! Mauna na kayo ni Bab-- ni...."

Natahimik ang lahat.

"Ni...Baboy!"

"Ouch! Grabe ka naman Bab-- Baboy!"

"Okay sige! Pero mag-iingat kayo ah?"

"Sige Kuya!"

"Kirsten! Drive safely!"

"Opo Kuya!"

Sumakay na si Kirsten sa kotse at susunod naman si Eliza.

Lumapit si Harry para patidin si Eliza. Napatid nga si Eliza

Agad agad ng tumakbo si Kenly papalapit kay Eliza. Sinalo ni Kenly si Eliza. Napapikit na lang si Eliza.

Idinilat niya ang mga mata niya.

"Okay ka lang?"

Ang bilis ng tibok ng aking puso? Bumabagal ang ikot ng mundo? Umaawit ang mga ibon? Lumiliwanag ang madalim na paligid. Ikaw na ba ang kasagutan? Sa lahat ng mga katanunangan?

"Uy! O~kay ka lang?"

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Bakit nagBlur lahat maliban kay Joseph?

"Ah...Justine~tine..."

Bakit nakureyente ang mga kamay ko kapag hinahawakan kita? Tagak-tak na ang pawis ko sa noo. Nanginginig ang mga siko at binti ko.

"Hello? Justine~tine? Eliza~liza..."

Ume'echo ang mga sinasabi ni Kenly kay Eliza. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya nakadama ng ganitong pakiramadam.

Fake Lovers (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon