*****
ELIZA'S POV
Ano 'yon? Wait...tunog ba 'yon ng baril?
Lahat ng tao tumingin sa direksyon sa labas or sa gate.
Hindi ko alam pero bakit....bakit ang bagal ng lahat? Bakit nagslowmotion?
"Da-Daddy Lo~Lo!"
Si...Sino?! Si Daddy Lo?!
Nag-e'echo lahat ng boses nila. Sobrang bagal talaga.
Si Kenly humiwalay na sa akin sa yakap.
"Kenly~ly!"
Ano ba kasing nangyayari?!
Sinusubukan kong sumilip pero ang dami naming bisita.
What the hell are going on?!
"Daddy Lo~Lo!"
Nakarinig ako ng iyak. Iyak mismo ng taong mahal ko. Iyak mismo ng lalakeng iniwan ko.
Lumusot ako sa mga tao. Malapit na ako sa labas.
And...What the pak?! Ano 'to? D-dugo? Galing saan?
Sinundan ko yung dugo. Nakita ko...Oh my ghad! Si Daddy Lo.
May mga ingay. May mga umiiyak. Nakita ko si Kirsten umiiyak kasama ni Harry.
Lahat ng mga ginagawa nila maiingay kasama pa ng ambulansiya.
Nakita ko na si Kenly. Umiiyak at gustong kumawala sa mga bisig ng guard namin.
Tumulo ang luha ko at napatakip sa bibig. Anong nangyayari?!
Eliza, babalaan lang kita. You have 12 hours and 43 minutes. Tandaan mo, maraming mamamatay dahil sa desisyon mo.
Oh my ghad. Lalong bumuhos yung iyak ko. Si...Si Ford lang ang dapat na may kagagawan nito.
Kasalanan ko 'to. Mas pinili kong maging masaya. Naawa tuloy ako para kay Kenly. Nawala na nga nanay at tatay niya pati Lolo niya nawala na rin.
Nakita kong halos pumutok na ang ugat ni Kenly sa leeg at pulang pula na siya. Gusto niyang habulin yung ambulansiya pero si Kirsten na ang pumunta.
Inakay ko si Kenly. Ako na ang nagpupumigil sa kaniya. Umiiyak na din ako dahil kasalanan ko 'to.
Inikot ko ang mga kamay ko sa waist ni Kenly.
"Daddy Lo~Lo!"
Mabagal pa rin ang lahat.
"Kenly~ly! Tama na~na!"
Napaupo si Kenly sa simento. Ako ngayon ay naka-backhug sa kaniya at nagmamakaawang huminahon muna.
Nakita ko ang lalaking nakaitim. Hindi ako nagkakamali. Si Ford 'yon.
Bumalik ang lahat sa dati.
Tignan ko sa mga mata ni Kenly ang lungkot at galit sa puso niya.
Hinawakan ko yung dalawang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko. Pinagdikit ko ang mga noo namin.
"Kenly...please tama na. Ayo'kong nakikita kitang ganiyan. Please..."
Naka gown parin ako hanggang ngayon kaya ang hirap itayo ng sarili kong katawan. Pati siya naka-suit pa rin siya.
"Kenly...Please..."
Nakadikit pa rin yung noo ko sa noo niya.
"Daddy Lo."
Patuloy sa pag-iyak at pagbulong ng pangalan ni Kenly si Daddy Lo.
"Kenly..."
Niyakap ko na lang siya. Inikot ko yung mga braso ko sa batok niya.
BINABASA MO ANG
Fake Lovers (PUBLISHED)
RomansaA Hope & Quen Fan Fiction! Enjoy The Story Hope & Quen Fan
