*****
Pumunta si Kenly kila Sab. Aalamin niya ang lahat. Bago pa man siya pumunta do'n. Nadatnan niya si Eliza sa tapat ng bahay nila. Pero hindi niya iyon pinansin.
"Ke-Kenly..."
Muli siyang lumingon. Hindi niya ito pinansin at pasakay na sana siya ng sasakyan pero naramdaman niyang may mainit na bagay na humawak sa kaniyang kamay.
"K-Kenly..."
Lumingon na siya dito. Hindi siya tumingin sa mga mata nito. Nakaangat lang ang tingin niya sa malayang direksyon.
"Kenly...Let me explain. Hindi ko hahayaang mawalay ka sa amin ng ana--"
"Ng? Ano?"
Shew! Muntik na 'yon ah!
"T-Tayo...aya'kong maalis ka sa piling ko Kenly."
"Ikaw lang ang may gusto niyan. Ikaw na mismo ang nagsabi diba? Wala na tayo! Umalis ka na."
"Kenly...."
"UMALIS KA NA!"
Bago pa mang umalis si Eliza. Kinantalaan niya ng masuyong halik si Kenly sa labi.
Pero mabilis lang. Tumulo na ang luha ni Eliza.
"Goodbye...And...I love you."
Hinalikan rin niya sa magkabilang pisngi si Kenly.
"Umalis ka na..."
Agad ng umalis si Eliza. Nakatunganga lang si Kenly sa kawalan. Ang daming tanong sa kaniyang isipan.
Pero nabigla na lang ng may bumisina.
*Beep! Beep!*
"Ser! Pasensiya na ho. Pero kailangan na ho nating umalis. Kanina pa raw ho nag-aantay si Ma'am Sabrina."
Ang sabi ni Jerome. Driver nilang dalawa ni Eliza. Pero...siya na lang ang pinagsisilbihan nito.
"Amh...pasensiya ka na rin. Kuya Je, nabigla lang talaga ako. Amh...sige na. Tara na."
*****
"Eliza?"
Lumingon si Eliza. Nakita niya ang lalaking ayaw niyang makita. Lalaking sumira sa kanilang dalawa ni Kenly.
"F-Ford?"
Nakaupo si Eliza sa isang bato sa tapat ng kanilang bahay at doon ibinuhos ang lahat ng lungkot.
Umaangat ang tingin niya kay Ford. Nakita niyang may hawak na panyo ito.
"Punasan mo na ang luha mo. Huwag mo na siyang iyakan."
Binigay ni Ford ang panyo at tinanggap naman ni Eliza. Naupo din si Ford sa tabi niya.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Tinitignan ko lang kung okay ka. I guess hindi pala."
"Bakit ba gustong gusto mong gumawa ng ikakahamak ni Kenly?"
"Sinabi ko naman sa'yo, ako ang mahalin mo. Walang mangyayaring masama."
Napatayo na si Eliza.
"Pero Ford...Mahal ko si Kenly. Mahal ko siya."
"I-try mong mahalin mo ako. Hinding hindi ka magsisise."
"H-hindi ko kaya."
"Kapag hindi ka pumayag sa desisyon ko. Papatayin ko si Kenly. Mamayang hapon, sumunod ka. Tawagan mo ako o magparamdam ka."
BINABASA MO ANG
Fake Lovers (PUBLISHED)
RomansaA Hope & Quen Fan Fiction! Enjoy The Story Hope & Quen Fan
