0

137 6 0
                                    


Xiamara's PoV.

Nakatitig ako sa tatay kong sinasalansan ang mga paintings ko. Tuwang-tuwa ako sa ginagawa niya, Kahit yung mga paintings ko lang ang ikinabubuhay namin ay proud parin siya sakin. In a arrange niya ang mga naipinta ko dahil maglalako ako niyan malapit sa Luneta Park. Kahit Hirap na hirap siya ay siya na mismo ang nagpresinta na mag aayos.

"Galing galing prinsesa ko! Ako gusto matuto magcolor color at drawing para tayo parehas!" Sabi niya na parang bata.

Oo kung ano ang iniisip niyo tama kayo ng hinala. May sakit sa utak ang tatay ko. At nahihirapan siyang magbikas ng salita. Sa buong buhay ko ako at ang tatay ko ang mag kasama. Ang nanay ko ay patay na. Ayaw naman sabihin ni tatay kung Bakit.

"Salamat tay! OK na po ba?" pagtatanong ko.

"Tapos na prinsesa ko, sama ako?" Sabi niya.

"Wag na po tay, kaya ko na naman po e"

"E ako ligtas kita, pag Ikaw away tambay labas." Sabi ni tatay na alalang alala.

"E tay, okay na po ako. Hindi napo ako makikipag away, di ba nga po magbabago na ako." pangungumbisi ko sakanya.

"Asige prinsesa ko, basta wag ka aaway sa iba ah. Tatakot ako. Baka Ikaw mawala. Iiyak ako, sige ka!" napangiti ako,

Nagsisi ako sa mga Gawain ko noon. Imbis na magaral ako ay puro basag ulo ang ginagawa ko. Hindi ko naisip ang kalagayan ng tatay ko noon. Hanggang sa dumating sa punto na pati siya ay madadamay pa. Agad kaming nagpakalayo layo. Napagdesisyunan Kong magbago. Kaming dalawa na lang ang magkasama. Pano pag nawala ang isa sa amin? Pano ako? pano na siya?.

Ako si Xiamara Alessandra Montreal. 18 years old. 2 years akong nagstop ng pag aaral. Dahil sa kagaguhan ko noon ay naging mahirap ang buhay namin. Tinake advantage ko ang karangyaan na natatamasa ko noon. Oo galing kami ng tatay ko sa malaking pamilya. Obvious naman sa apelyido ko diba? Tinakwil kami ng Tito Kong gahaman sa yaman Dahil alam niyang paborito nila Lola si tatay ay gumawa ng kasinungalingan. Pinaiikot niya ang utak ng mga matatanda, kaya Ito ang nangyari. Pero babawi ako, maghihiganti ako para sa tatay ko. Sinabi ko mang magbabago ako, yung Gawain lang pero yung paghihiganti sa kanila hindi magbabago.

"Tay aalis na po ako!" pagpapaalam ko Dahil magtatrabaho na ako.

"Ingat ka prinsesa ko. Promise mo sakin hwag aaway a!" Sabi tatay

"Opo tay! dito ka lang sa bahay a! Bantayan mo po bahay natin baka po maglakad wala na tayong matitirahan!" pagbibiro ko.

"Opo prinsesa ko, dito lang ako. Ingat prinsesa ko, uwi ka maaga. Kakain tayo sabay a!"

Pagkatapos non, ay umalis na ako ng tuluyan. Magsisimula na naman ang pagsabak ko sa initan. Hayys Sana maubos yung mga paintings ngayong araw.

VOTE. COMMENT.ENJOY!

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon