Chapter 14.
Gabe POV.
Andito ako Ngayon sa kwarto ko nakahiga at nagiiisip isip, can't sleep. Alasdyis na kaya. Wala na nga pala akong natatanggap kay Jane na text. Pakiramdam ko tuloy mabilis niya lang akong nakalimutan. Hanggang ngayon di ko parin nakalimutan yung gabing yon. Weird right? Di mo ko masisisi. I maybe bad but I have a heart. Bastos ako, walang modo, pero I don't deserve to be hurt. Hindi ko matatanggap na Siya ang Karma ko, hindi.
Napatayo ako. Hindi ako mapakali. Napasilip ako sa bintana, and there I saw Mara. Palabas Siya ng gate may dala-dalang siyang paint materials. San siya pupunta? Hatinggabi na a? Hindi na ako nag dalawang isip na bumaba. Susundan ko Siya.
Sinundan ko lang Siya hanggang sa Makarating Siya sa park ng village. Ibinababa niya ang mga gamit niya at umupo sa swing. Dito lang ako sa may puno, Ewan ko parang Ayaw kong magpakita.
Kita ko ang mga kilos niya, hindi Siya yung typical na Babae na nagsusuot ng sando, maikling short, hindi Siya Mahilig sa kolorete. Simple lang Siya. Never mo makikita ang side niyang pang gangster. Hindi ko Alam Kung Bakit aminado Siya sa pagiging gangster. Maybe she's just honest? Kasi kung ibang tao yun mas pipiliing itago na lang ang nakaraan Dahil nakakatakot ding mahusgahan? Pero Siya hindi e.
"Titignan mo na lang ba ako sa malayo Gabe?" Nagulat ako sa pagsulpot niya sa likod ko. Isa din sa mga kinaiinisan ko sakanya yung hindi mo namamalayan yung presensya niya. Tulad na lang yung mga bagay na nakukuha niya yung mga gamit ko ng hindi ko man lang napapansin. Sobrang bilis niya gumalaw. I hate it kasi I have no choice kundi sundin Siya.
"Gusto mo ba akong samahan?"
"Hindi."
"Bakit ka nandito?"
"Kasi Lumabas ka. Gabi na, anong ginagawa mo Dito sa Parke?"
"Hahaha nagpapahangin lang. Samahan mo ko, okay lang ba?"
Hindi ko Siya sinagot. Nauna na lang akong Pumunta sa pwesto niya Kanina. Umupo ako sa katabi niyang swing.
"Magpapahangin ka Dito sa park, e ang lakas ng aircon sa bahay." Sabi ko.
"Mas gusto ko pa yung hangin ng kalikasan kesa hangin ng air con. Mas fresh."
"I see."
Napalingon ako sa ginagawa niya. Nagpapainting Siya. Tsk Malamang, isasali ba Siya ni mommy sa team kung di Siya marunong mag pinta?
"Bat pala sinundan mo ko?" biglang tanong niya. Nakatutok pa rin Siya sa pagdadrawing.
"Hindi ko Alam."
"Ahh, kamusta ka na pala?" tanong niya.
"I'm fine." simpleng sagot ko.
"Talaga?"
"Ahm yes?"
"Bakit parang di ka pa sigurado sa sagot mo? Hahaha"
"I dont know."
"Sabagay lalake ka. Hindi showy sa feelings. Baka gusto mong ilabas? Pwede akong maging listener Ngayong Gabi, isasantabi ko muna ang pagiging bantay mo." she said. I just stared at her. Nobody dares to ask about how I'm feeling right now. Maybe my friends and my mother? Pero pakiramdam ko kinakamusta lang nila ako kasi responsibilidad niya lang yun.
"Ikaw na lang, magtatanong ako." Sabi ko.
"Okay?" aba? di man lang nagreklamo?
"Ganyan ka na ba talaga noon?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...