25

52 1 0
                                    


CHAPTER 25

Mara's PoV

Hindi ako mapakali ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit. Pero naguguluhan ako sa kinikilos ni tatay. Ayaw akong paalisin sa kwarto namin, kahit sa kama ay ayaw akong paalisin.

"Prinsesa ko, kaw wag alis tabi ko ha? Kunin kaw sakin nila..baka galit Maine sakin.. ayaw ko away kami Maine.. sakit puso ko.. iyak ako e..wag kaw sama kuya ko..ha?" tila natatakot na sabi ni tatay. Napakunot ako ng noo.

Sinong kukuha sa akin? Sinong kuya niya? At Si Maine?

Paggising ko kanina, mahuhuli ko pa sana si tatay na tinatali ako sa kama. Ang dahilan niya? para daw ligtas ako. Buti na lang at nagising ako at napigilan ko pa.

Anong gagawin ko?

"A-a-aray! Sakit ulo ko! Prinsesa kooo!" naalarma ako bigla ng magsimulang humagulgol si Tatay "Huhuhu!! S-sakit u-ulo kooooo!"

"T-tay! Teka lang! ano gusto mong gawin ko?! Tay!" Napayakap na lang ako kay tatay at hinihimas ang ulo niya. Sobrang kinakabahan na ako at hindi na ako mapakali. Patuloy ko lang hinihimas ang ulo ni Tatay para mapakalma siya pero maski ako ay hindi kumakalma. Patuloy lang siya sa pag-iyak at hindi ko na alam ang gagawin.

"Anong nangyayare?!" napatingin ako sa pinto ng pumasok sa pinto si Gilbert.

"Si Tatay e! biglang sumakit daw ang ulo niya! Hindi na siya tumigil sa pagiyak!" paliwanag ko.

Pagkasabi ko ay tinulungan ako ni Gilbert na buhatin siya at lumabas sa kwarto. Nasa sala sila Gabe, pero di ko na pinansin dahil sobrang kabado na ako sa nangyayari sa Tatay ko. Dinala namin siya sa hospital. Ginamit ko ang motor ko pero sinakay nila si tatay sa kotse.

Pagkarating namin doon ay agad na siyang dinala sa Emergency Room. Sunod sunod ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba. Anong nangyayari kay tatay?

"Uminom ka muna." Napalingon ako sa nagabot ng tubig. Si Gabe.

"Salamat." usal ko saka tinungga ang bote.

"Yung luha mo."sabi ni Gabe kaya agad kong pinunasan ang mukha ko. "Magiging maayos din ang lahat."

*KRINGGG! KRINGG!

Cellphone yon ni Gabe. Umupo muna ako sa bench at isinandal ang ulo sa pader saka napapikit. Ramdam ko parin ang pagtaas baba ng dibdib ko.

"Hello...Nasa Hospital kami.. Oo kasama si Mara... Bakit?.. Ano?..Pero hindi pwedeng iwan si Tatay Ced..—"

Bumalik ang tingin ko kay Gabe. "Sino yan?" tanong ko.

"Si Ray." Napakunot ako ng noo. Ano naman ang kailangan niya?

"Bakit raw?" takang tanong ko.

"Kausapin mo." Inabot ko yung cellphone at ako na ang sumagot. "Bakit."

"Mara, hindi ka maniniwala pero si Aldrin...kasama ko siya ngayon." Anas niya. Si A-aldrin? B-bakit.. "Kailangan ka namin ngayon, nanganganib ang lahat ng estudyante sa paaralan natin. At Mara, ang tito mo---"

"Asan kayo?" putol ko sa sinasabi niya.

"Nandito kami sa likod ng paaralan. Nagtatago kaming dalawa. Bilisan mo!" anas niya sa kabilang linya.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Bakit bumalik si Aldrin? At ano na namang kagaguhan ang ginagawa ng hayop kung tito? At teka? Sa paaralan? Nandoon kaya sila? Kailangan kong pumunta para masagot ang mga katanungan ko.

Pero ang tatay? Napabuga ako sa inis. Ano ng gagawin ko?

"Mukang importante yan Xiamara. Ako na bahala kay Cedric," napalingon ako kay Gilbert. "Sige na, umalis ka na."

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon