Chapter 17 (PART 2)
"Go, go, Prinsesa! go go! YEHEYYY!!" sigaw ni Tatay ng makashoot ako.
Nagbabasketball Kami ngayon, 5v5 ang labanan. Kaming Apat na babae Kasama na si Shine tas Sila Gabe Maliban kay Ian Dahil siya ang scorer. Ang epic ng laro, may namamatid e. Tawa lang Kami ng tawa habang naglalaro. Marunong naman kami nila Amber maglaro Dahil isa din to sa mga hilig namin. Lalo na si Sapphire, yes tahimik lang pero halimaw sa sports. Medyo Lugi Dahil kay Shine. Syempre Anak mayaman kaya mahinhin maglaro.
Nakay Emerald ang bola, binabantayan naman siya ni Louis. Kung di mo siya kilala, hindi mo maiisip na marunong siya sa paglalaro ng basketball. Alam niyo naman na Masyado siyang girly, tapos heto siya Ngayon nagdidribble.
"Ano ba naman yan! Why did you agaw that ball!? Kainis naman!" pagmamaktol ni Emerald. Tinawanan lang namin siya. Bwisit na bwisit siya e. Nagpapadyak pa siya ng paa at napakamot sa ulo.
"Malamang tih? Basketball to, aagawan ka talaga ng bola! Luka to? Sa larong to, walang sayo!" pangaasar ni Ian.
"Eiii!!" maarteng sabi ni Emerald. *SHOOT! nakahulog na si Louis ng bola so bale 15 points na Sila. Hanggang 25score lang ang pinagusapan namin. Kami nasa 10 palang.
Nakay Shine naman Ngayon ang bola. Di niya Alam ang gagawin niya kaya pinasa niya ito kay Amber. Si Amber naman mabilis gumalaw at Tumakbo. Isa siyang Athlete ng Track and Field. Kaya malabong mahabol siya. Binabantayan naman siya ni Miguel. Medyo nagkakaasaran naman silang dalawa kaya medyo nakakunot ang noo ni Amber. Nagdidribble si Amber ng ikutan niya si Miguel at nag jump shot. *Shoot! Pinakitaan niya si Miguel ng ngiting mapangasar. Ang Miguel nagflying kiss pa, kaya naasar na naman si Amber.
5-5 na ang score. Tie na Ngayon. Hawak ni Andree ang bola at ako ang bumabakod sa kanya. Medyo masakit na ang paa ko. Dahil nakapaa lang akong naglalaro. Naapakan pa ni Ken kanina, andaya lang kasi sila nakarubber shoes, kaming girls naka paa. Pero okay lang samin Mas madali kasing magpaa kesa magtsinelas, madulas kasi.
Nakahanap ako ng tyempo at nasteal ko ang bola kay Andree. Pero di pa nga ako nakakatakbo naagaw na ni Gabe yung bola. Napasimangot ako. Ambilis mawala ng bola sakin! Kaya Ayon pinanood ko siyang mag three points. -,- *Shoot!
7-5 na.
Di na ako nagsalita at tumakbo na ulit. Nakay Shine na naman ang bola. Binato niya lang sakin yun at ako na ang may hawak nito. Lumapit naman sakin si Sapphire kaya ipinasa ko rin. Habang nag lalakad Kami at nagdidribble naman siya may binulong siya sakin.
"Bawian mo si Gabe." kaya ayun Napangisi ako ng wala sa oras. Sinadya niyang ipaagaw kay Gabe ang bola kaya agad akong bumakod sa kanya. Wala akong makitang emosyon sa kanya. Grabe, seryosong seryoso. Nagulat ako sa pagngisi niya at walang anu-anong nilagpasan ako, kaya mas naging alerto ako at binakuran ko ulit. Nang mapansin Kong tatalon na siya kaya napatalon din ako pero PINEKE NIYA YUNG TALON! Pero nginitian ko lang siya. Alam niya bang luma na yung ganyang tactics? Kaya nung tatangkain niya ng magshoot ulit sinabayan ko na naman siya sa pagtalon at..... *PAK!
Natapal ko yun at napunta kay sapphire na agad Agad namang Pumunta sa court namin at nag 3 points.
0-2 na.
"Waahhhhh, the best ka talaga Mara!!" Sigaw ni Emerald.
"Kingina." rinig Kong pagmumura ni Gabe. Napangisi lang ako. At Iniwan siya para Lapitan Sila Sapphire at nakipag apir.
"Lupet talaga." bulong ni Sapphire.
"Ang galing mo Ate mara!" puri ni Shine.
"Salamat!"
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...