Chapter 15
Mara's PoV
Sabado, Maaga akong nagising Dahil ngayon ang umpisa ko bilang miyembro ng team nila Tita Alex. Grupo iyon ng mga mahuhusay na artists, mga pintor, designer at iba pang Tungkol sa arts. Masaya kaming kumain nila tatay sa hapag.
"Prinsesa ko, galingan mo! Ako dasal lagi para Ikaw gumaling!" Sabi ni tatay na tuwang tuwa sa Trabaho ko.
"Opo tay! para po sa inyo!" masiglang Sabi ko.
"Ano Mara? Are you ready?" nakangiting Sabi ni Tita Alex.
"Siguro? hehehe" mahinang Sabi ko. Kinakabahan ako e.
"Tsk." rinig Kong usal ni Gabe. Hahaha naiiiggit to Panigurado.
Tinapos ko na ang pagkain at tumulong rin ako sa mga maid na maghugas. Mga 10 ang alis namin kaya tumulong muna akong mag Ayos. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katulong kaya ganon rin ako sa kanila.
Nang matapos ko na ang lahat, ay sumunod na ako kila Tita, Sumakay kami sa kotse niya at tumungo na sa kompanyang sinasabi niya. After 15minutes ay narrating na rin namin. Isang malaking building ang nasa harapan namin Ngayon. Pagpasok na Pagpasok namin ay agad siyang binati ng mga gwardiya at ng iba pa naming nakakasalubong. Astig! She's acting like a pro! Pero sa bahay nila ay tropa tropa lang. Hahahahahaa Nginingitian lang niya at muka talaga siyang kagalang galang.
Pumasok Kami sa elevator, pati mga tao ron ay binabati kami. Siya nga pala ang anak ng may Ari ng kompanya, ano pa bang inaasahang ko?
Nakasuot lang ako Ngayon ng itim na pantalon at vneck na white T-shirt tas nakacap na itim. Samantalang si Tita ay nakawhite dress. Muka tuloy akong outsiders talaga. -,- Di ko kasi trip ang dress, feeling ko kasi ay Sobrang ikli na lahat ng dress sa tangkad ko.
Nakalabas na Kami ng elevator at sinundan ko lang si Tita na pumasok sa pinto. Namangha ako sa laki ng loob. Maraming mga tao akong Nakita. May iba na nakahiga sa sahig at nagsosoundtrip, yung iba busy sa pagpipinta, yung iba nagdadrawing, may iba naman na wala pang ginagawa, nakikipagusap sa iba. Lahat Sila ay mga kasing edad ko lang yata. Ibang iba sa iniimagine ko ang meron Dito sa loob.
"Good Morning everyone!" masiglang bati ni Tita.
"Good Morning Ma'am Alex!" bati nila.
Tinanggal ko ang sumbrero ko. Nahihiya ako, Anong gagawin ko?
"Okay everyone, this is Xiamara new member natin! Please be nice to her!" nakatawang Sabi ni Tita.
"Hello!" masiglang bati nila.
"H-hi? Mara na lang" Sabi ko at nginitian ko sila.
"Nice, may kasama na akong maganda Dito!" Sabi ng babae na kulay pula ang buhok, she's cute. Para siyang costplayer.
"Ako nga pala si Anne, ganda for short!" Sabi niya at nginitian ako.
"Mara," Sabi ko at kinamayan ko Siya.
"Hi, Kurt nga pala." napalingon naman ako don sa lalaki. Nginitian ko na lang Siya at nakipagkamay din.
"Mara."
"Oh! Ma'am Alexandra! Siya na ba yon? BTW, goodmorning!" Sabi naman ng babaeng kadarating lang.
"Oh yes, Siya yon. Xiamara is her name. Mara na lang Maegan." pagpapakilala sakin ni Tita.
"Ahh, Sana naman magaling, para naman di ako nagiisa." nakangising Sabi niya. Napataas ako ng kilay. Mukang mayabang ang Isang to. Napaismid ako. Tsk, tsk.
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...