Chapter 19
Nandito Kaming Lahat sa infirmary at nagpapahinga. Wala ng mga estudyante na nandito Maliban sa Black Rays, Kela Amber, Sapphire, Emerald at ng mga Dark Rangers. Andito din sa infirmary sina Sir Adrian at ang Daddy ko, si mommy on her way pa lang. Nandito din ang principal.
Tulog si Shine, samantalang si Mara kagigising lang.
"Walang naging tama ang mga Nandito. Lahat ay maayos na at ligtas. Si Ms. Montreal ay maayos na ang lagay. Si Ms. Santiago naman ay okay na rin ang lagay. Yun lamang po. Excuse me." Sabi ng doctor.
Mabuti naman at maayos na. Di parin mawawala ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko talaga inaasahan ang Ganito. Oo nakikipag basagulo Kami, pero never dumating sa punto na may barilan at kidnappings na ang nagaganap. Pero ang ipinagtataka ko lang ay Bakit Si Shine ang tinatarget nila. Ito na ba yung sinasabi ni Dad sa akin? That our family is no longer safe? May nagawa kaya si daddy?
"Thank you Sir Adrian, sa pagsagip sa mga batang ito. I would really appreciate your effort for saving those students. I promise you will get an achievement for your bravery. Thank you very much."Sabi ng principal namin.
Nagakatinginan Kaming lahat Dahil sa inasal ng principal namin. Napakunot ako ng noo. Bakit sa kanya siya nagpapasalamat? Dapat kay Mara kasi siya talaga ang sumagip sa buong GHU?
"Pero Po Ma'am -----" pagputol ni Amber sa sasabihin ni Miguel. Nagsalubong ang kilay ko. Sinenyasan Kami nila amber na Manahimik muna. Kaya sumunod Kami. Nagusap pa sila sir Adrian at principal ng Biglang bumukas ang kurtina kung saan nakapwesto si Mara.
"Sa susunod Ms. Principal Kailangan mo ng malalakas na security Para di na kayo napapasok ng mga ganoong klase ng tao. Kung wala si Sir Adrian Paano na ang paaralan mo?" sambit ni Mara. Napasinghap Kaming lahat sa inasal ni Mara. Really? Pati siya si Sir Adrian ang itinuturong nagligtas sa Lahat? What's wrong with them?
"So you mean na hindi maayos ang security system namin?"
"Obviously yes, hindi naman siguro kayo mapapasok Dito kung hindi?" pabalang niyang sagot
"Ohh its really coming from a girl like you? How do you say such words? Ano bang nagawa mo?" maanghang na tanong ng Principal. Napa-amang na lang ako. Kung alam mo lang Ms. Kung Alam mo lang.
Nakita ko ang pagngisi ni Mara, nakakakilabot.
"E Ikaw? Ano bang nagawa mo?" nakangisi niyang tanong.
Tumahimik ang Lahat. Wala Kahit isa ang nagtangkang magsalita, Lahat Kami nag pa pakiramdaman. Tumikhim si Daddy.
"What she's trying to say is sana maging mahigpit na seguridad ang paaralan natin, Para di na maulit to. And she's right, Bakit nga ba to napasok ma'am? Kasi walang guard na nagbabantay doon sa gate kanina. Kaya Sabihin mo sa akin maam, Bakit napasok tayo?" Nagulat ang Principal dahil Sa Sinabi ni Dad.
Lahat Kami nagulat sa Sinabi ni dad. Seryoso? Walang bantay sa gate? Kaya pala ganon lang kadali nilang pasukin ang school. Pero Bakit? Nasaan sila?
"H-hindi ko a-alam,hindi ko Alam ang sinasabi mo Mr. Santiago. I think we should talk to our security personnel." Sabi ng Ms. Principal.
"Yeah, better talk to them Ma'am." usal ni Sir Adrian.
Nagusap pa silang tatlo, Hanggang sa makaalis na ng tuluyan ang Principal. Tahimik pa rin Kaming lahat, tulog pa rin naman si Shine. Si Mara nakahiga sa kama niya habang nakasalpak sa tenga niya ang headset niya. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga nangyare kanina. May halong pagkamangha at takot ang nararamdaman ko para sa kanya. Andami Kong bagong Nakita sa kanya. Hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...