6

51 2 0
                                    


Chapter 6

"Prinsesa ko, gising ka na, pasok ka na raw sabi ate ganda.." napamulat na lang ako ng inaalog alog ni tatay ang balikat ko. Napangiti ako ng bumungad ang mukha ng tatay ko. Ang gwapo talaga Neto.

"Ganda umaga! Ganda prinsesa!" sabi ni tatay ng makabangon ako. Tinotoo nga niya nauna talaga siyang nagising sa akin.

"Magandang Umaga tatay kong maganda!" pagbibiro ko.

"Hala! Ako pogi! Ikaw ang ganda!" natawa ako ng nakanguso siya.

"Biro lang.."

"Sabi ate ganda baba ka na raw, kasi papasok daw kaw skul!" napakunot ako ng noo.

"May mas maganda pa pala sakin?" kunyaring pagmamaktol ko..

"Hindiii! Ikaw ang ganda buong mundo! Gusto ko lang tawag Siya ate ganda kasi ganda muka tsaka puso niya!" pagpapaliwanag na talagang nangungumbinsi talaga Siya. Natawa naman ako sa naisip ko.

"Tay? Crush mo si Tita Alex no?" pagbibiro ko ulit.

"Uyyy Hindi!! Mahal ko Maine, bawal ako gusto iba, bawal yon! Magagalit si God!" pagtatanggi niya. Naalala ko na naman ang pangalan na yon. Pangalan daw yon ng mama ko. Napangiti ako. Malapit na kasing umiyak si Tatay, kaya tumigil na ako. Hayys tatay talaga, pagdating sa mga ganitong biruan napakasensitive niya.

"Hahhaha Joke lang tay, pogi tayo diba?" sabi ko. Napa oo na lang si tatay. Hahaha sana ganito na lang palagi.

Tuluyan na akong tumayo at nagsabi kay tatay na bababa na lang ako Pagkatapos Kong mag ayos ng sarili ko. Grabe tong uniform na to. Sobrang iksi ng palda. Parang hindi umabot sa tuhod ko. Akala ko kasi aabot e -,- Pano kasi ang tangkad ko. Hindi sa pagmamayabang pero sa ngayon ang pagkakaalam ko ay 6'3 ang height ko. Pero okay lang mahaba naman ng konti yung medyas na itim. Long sleeve yung blouse at may vest na itim na may halong gold na kulay. Maganda naman pero kung di mo lang alam na nagaaral ako, mapagkakamalan mo akong nagtatrabaho bilang hostess-,-

Pagkababa ko nakita ko agad si tatay nasa hapag kasama sila Tita at Gabe, pati na rin ang mga katulong kumakain na rin kasabay sila. Napakabait talaga ni Tita Alex.

"Good morning, Magalmusal ka na Mara, para sumabay kana kay Gabe. Nga pala, magkaklase kayo ha, para di na talaga to makawala." Sabi ni Tita tapos tumingin kay Gabe at nginitian ng nakakaasar. Kung di ko lang kilala to si Tita mapagkakamalan ko lang tong tambay. Tropa tropa lang kasi to e. Parang magkakasing edad lang kaming lahat pag Siya ang kausap. Hahah Napaka cool. Nakita ko ang pagirap ni Gabe, unti na lang mapagkakamalan ko na tong bakla. Una sa pagiging chismoso at pangalawa dahil nananaray.

Pagkaupo ko sa tabi ni tatay ay saka tumayo si Gabe.

"I'm going" sabi niya at kinuha yung bag niya.

"Sabi ko diba isabay mo si Mara?" pagtataray ni Tita.

"Ayaw ko nga." Sabi naman ni Gabe. At tuluyan ng umalis.

"Okay lang po Tita. Ituro niyo na lang po sa akin kung Paano ang pumunta doon. Malapit lang po ba?"

"Medyo Malayo-layo din. Kainis talaga yung batang yun. Pagpasensyahan mo muna Mara ha? Marunong ka bang magdrive?" Pagtatanong ni Tita.

"Hayaan na lang po natin Tita. Opo marunong ako."

"Alright, ipapahiram ko na muna sayo yung kotse dyan," Napangiti na lang ako. Ang tagal ko ng hindi nakakapagdrive.

Natapos akong kumain at paalis na ng bigyan ako ni tatay ng sandwich baon ko raw. Binigay ni Tita sa akin yung kotse. At tinuro ang papuntang school. Medyo malayo layo nga. Ng Malapit na ako ay tanaw na tanaw ko na agad ang school. Ang laki pala talaga, black and gold ang theme niya. Nays, good choice ng combination. Nagtanong pa ako sa guard kung saan ang parking lot, sinabi niyang nasa likod kaya umikot pa ako at pinuwesto na. Pagkapasok ko ay di talaga maipagkakaila ang ganda ng paaralan. Ang laki, Sobrang laki. Makikita mo sa mga estudyante kung gaano karangya ang mga ito.

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon