26

56 2 1
                                    


CHAPTER 26

Gabe's PoV

"Kamusta na ang underground?" rinig kong tanong ni Mara.

Tatlong araw na ang nakakalipas. Nasa hospital pa rin si Tatay Ced at hindi pa rin nagigising. Tatlong araw ko na rin siyang sinusundan tuwing gabi at napagtanto ko rin na sa tatlong araw kong pagsunod sa kanya ay sa iisang lugar lang siya pumupunta. Sa bahay ni Andree.

At ngayon nandito ako sa basement ni Daddy sa ilalim ng bahay. Masama man ang ginagawa ko, pero nagtatago ako at palihim na nakikinig sa pinaguusapan nila.

"Underground is in danger. Hawak sila ng mga DeMonteverde at pinakikilos sila ng taliwas sa ating batas Xiamara. Pinapapatay nila kahit ang inosente." Sabi ni Daddy.

"Pinapahirapan nila ang mga kasamahan natin." Sabi ng hindi ko kilala dahil ngayon ko lang naman siya nakita. "Buti na lang nakatakas ako Diamond. Bakit mo kami pinabayaan Queen? Kailangan ka namin doon." Naluluhang sabi ng lalake.

"Vince, bakit ka umiiyak sa harapan ni Diamond? Alam mo namang ayaw niya 'yon" sabi naman ni Ray.

"P-pasensya niya.."

"Hindi, ako ang dapat humingi ng tawad" si Mara naman ang nagsalita. "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang nangyayari. Hindi ko gustong iwan kayo."

"Kailangan mo sigurong bumawi, Mara. Ibalik mo sa dati ang underground." Si Sir Adrian naman ang nagsalita.

Ng hindi na ako nakarinig ng paguusap ay pumasok na ako ng tuluyan at umaktong walang narinig. Pero dahil si Mara 'yon ay palagay ko'y nalaman niya nga.

"Alam mo Gabe, pagkasapi ka ng sindikato at nalaman nilang palihim kang nakikinig? Panigurado sabog yang bungo mo." Natatawang sabi ni Mara, kaya pati sila Dad ay nagtawanan na rin.

Paano nila nagagawang tumawa pa?

"Anak, huwag ka muna dito. May seryoso kaming paguusapan na hindi mo pwedeng malaman." Sabi ni Dad.

"Dad!?" ungot ko.

"Hayaan mo na siya." Singit ni Mara.

"Mara! Hindi pwedeng madamay ang anak ko rito!" anas ni Dad.

"Edi umalis ka dito, para wala siyang ginagaya diba?"ani Mara na nagpatikom sa lahat.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay, paanong nagagawa niyang patahimikin ang mga 'to. Paanong isang salita lang ay tiklop silang lahat? Ganyan ba siya talaga makapangyarihan? Alam kong anak siya ng isang sindikato. Pero sa edad niyang 'yan? Hayyyys! Ang hirap paniwalaan.

Nagpaplano na sila kung anong gagawin sa Tito ni Mara dahil delikado sa mga estudyante kung magpapatuloy sila sa pag rerepak ng drugs. Malamang sa malamang ay ibebenta nila 'yon sa loob ng paaralan.

"Kukunin ko sa mansion ang mga dokumento. Kapag nakuha na ay sa Golden High na ang sunod. Kailangan nating magmadali dahil habang wala pang estudyante ang pumapasok dahil sa sports fest." Sabi ni Mara.

"Sasama ako." Singit ko.

"Hindi pwede anak, paano kung mapahamak ka 'don?" Ayan na naman si Dad.

"Dy, marunong naman akong makipaglaban." Pagdadahilan ko.

"Gabe, ibang labanan na 'to. Hindi ito basta basta away kalye lang!" anas niya.

"Ako na ang bahala sa kanya, Gilbert." Ani Mara, pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na. Napangiti naman ako at sumunod na.

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon