7

47 2 0
                                    


Chapter 7

Mara's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom, kami na lang pala ang wala. Katabi ko si Ian na bakla. Mabilis lang kaming maging close. Hindi tulad noon na ilag ako sa mga tao pero ngayon pinipilit kong magkaroon ng kaibigan. Kanina yung mga humarang sa akin ay kilala ko. Sila Raymond o Ray. Di ko nga Alam kung bat di niya ako nakilala. Naturingang naging katropa ko. Pero Hinayaan ko lang ang kabalugstugan ng hayop na yon. Dilaan ba naman ako sa tenga? Pero seryoso, Minsan ko ng nakalaban ang lalakeng yun, at oo gangster ako..noon.

Pagkaupo ko agad Kong hinagis kay Gabe yung wallet niya para ibalik. Sabi na sa inyo e, susunod Siya sa Ayaw at sa gusto niya. Nakilala ko ang grupo nila Dahil kay Ian. Ang ingay kasi ng baklang ito.

"Hey, mga classmate! Boto niyo Si Gabe and Xiamara sa muse at Escort a! Para may dalawa tayong Tore! Okay?!" Sabi niya sa mga kalapit naming upuan. Napapikit na lang ako sa mga sinabi niya at hinayaan Siya. Nagbobotohan na kasi kami ngayon ng mga officers at dahil nangunguna tong si Ian Siya ang presidente.

"Hoy Iano! (eyano) anong escort?! Gusto mo upakan kita ngayon din?" pagbabanta ni Gabe.

"Ge Ano? Sapakan tayo?" paghahamon ni Ian.

"Namo!" -Gabe

"Namo rin"- Ian.

"Hoy di ka man lang ba tatanggi?!" kalabit sa akin ni Gabe. Nagkibit balikat lang ako. Halata namang naasar Siya.

'Palibhasa gusto niya rin'

'Ke-bago-bago lumalandi agad'

'Lakas ng loob saktan si Ray. Panigurado lagot to kay Gail'

Rinig Kong bulung bulungan nila. Napangisi na lang ako. Hindi ko na pinakinggan lahat ng sinasabi nila. Bahala sila magisip. Tsk.

Natapos ang nomination at tapos na rin ang dalawa Kong klase. Humiwalay ako kila Gabe dahil sikat pala sila dito. Ayaw Kong magkaissue. Ayaw ko na ng gulo. Panigurado namang lapitin ng gulo tong grupo nila e. Mas Magandang bantayan Siya sa malayo at lalapit na lang kung kinakailangan.

Papunta ako ng cafeteria Dahil lunch break na. Pagpasok na pagpasok ko sinalubong agad ako ng mga tingin at ng bagong grupo ni Ray.

"Di pa tayo tapos Binibini." Sabi ni Ray. Napairap na lang ako. Inilapit ko ang sarili ko kay Ray at bumulong.

"Touch me once and I'll kill you twice."

Ang famous line ko noon dahilan para maalala niya ako. Nanlaki ang mga Mata niya.

"D-diamond?" mahinang bulong niya.

"Mara." I said and smile. Niyakap ko Siya ng tuluyan niya na akong maalala. Napabitaw ako ng maalala Kong nasa gitna pala kami ng cafeteria and all eyes are on us. Tae.

"Your back" Sabi niya. Tinap ko ang ulo niya. At sinimulan ng maglakad papuntang counter. Hinanap ko sa menu yung paborito Kong ulam at umorder ng kanin.

"Giniling pa rin?" Sabi ni Ray,

"Still the same. Magbago na lahat wag lang ang pagkain."

"Di kita Nakilala, Hindi na blue ang buhok mo."

Nagpalinga linga ako para makahanap ng lamesa. Nahagip ng mga Mata ko Sila Gabe. Nilingon ko si Ian, nginitian ko na lang. Kanina kasi niyaya ako non, tumanggi ako. Gusto ko sanang mapagisa e, Kaso sumulpot si Ray. Di bale magpapaliwanag na lang ako mamaya. Nang makahanap ako ng bakante, umupo na agad kami.

"Dami ng nagbago sayo Dia--"

"Mara." pagbabago ko. Hindi niya na ako pwedeng tawaging Diamond Dahil hindi na ako si Diamond.

"Nakasanayan ko na e pasensya."

"Ehem!"

Naalala Kong kasama pala namin ang bagong tropa ni Ray. Napatawa na lang ako. Hahahah

"Would you mind kung sabihin niyo samin kung anong meron?" Sabi ng isa Sa kasamahan nila.

"Ah eto si Mark, Ed, Justine, and Leonard. Siya naman si..."

"Xiamara. Mara na lang" Sabi ko at nakipagkamay.

"Bat nandito Siya Ray, kanina lang sinikmuraan ka? Tapos Mukang bata pa to nila Gabe." Sabi ni Mark. Napangisi ako Habang kumakain.

"Bakit? bawal na ba ako dito?" -ako

"May sinabi ba ako?" -Mark.

"Malay ko sayo?" - ako.

"Oo nga Mara, bat sumasama ka kila Gabe?" tanong ni Ray.

"Trabaho." Sabi ko.

"Trabaho? Anong ibig mong sabihin?" -Ray

"Di mo na kailangang malaman, Ray." -ako.

"Bat mag kakilala kayo?" tanong naman ni Justine.

"Mag kaibigan kami noon pa." Sabi naman ni Ray.

"Akala ko syota mo," Sabi naman ni Ed.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Ramdam ko ang mga paninitig nilang Lima. Di tuloy ako makakain ng maayos. -,-

"Mara, kaaway namin ang grupo nila Gabe." biglang pag oopen ng topic nila Ray.

"Oh?"

"oo, Parang di maganda kung kakausapin mo kami Habang lumalapit ka kila Gabe." and finally Leonard talk.

"Ayaw niyo ba sakin?" pag didiretso ko.

"Hindi sa ganon"

"Ah hindi ba?"

"I hate your Aura." Sabi ni Leonard. Napataas ako ng kilay at Napangisi.

"Di ko naman kasi sinabing gustuhin mo." I said and smile.

"Leo" Tawag ni Ray sa kasamahan.

"Hahaha its okay. Kung magkaaway kayo, wala na ako dun. Kung kaibigan niyo si Ray, ibig sabihin kaibigan ko na rin kayo. Kung Ayaw niyo naman sakin. Buwagin mo na to Ray." Sabi ko.

Nagulat ako ng batuhin ako ng tinidor ni Ed. Tsk buti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko yung tinidor. Nagulat Sila sa nagawa ko.

"Who are you?"-Ed

"I'm Xiamara Alessandra Montreal. Mara nalang para di ka mahirapan." prenteng Sabi ko .

"I don't believe you." -Ed

"Di ko sinabing maniwala ka, Ed" Sabi ko at nginitian Siya.

Nakaramdam naman ako ng kutsarang palipad sa akin.Pero ngayon galing naman ito kay Mark.

"Sunod nito Kutsilyo na. Mauna na ako Ray. Salamat sa pagsama sa akin. Nice Meeting you all." Sabi ko sa kanilang lahat.

Magaling ang pamamalakad ni Ray sa bagong grupo niya. Hahahah. Medyo nakakakilabot. Naramdamam ko ang masasamang tingin ng ibang estudyante dito. Hayys, buti na lang... wala nakong pake.

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon