Chapter 4
Ng makarating kami sa bahay nila ma'am ay di ko maitatangging sobrang yaman nila. Malaki ang bahay nila at mukang mansiyon na ito kung tatawagin. Maganda ang laman ng bahay nila, may magagarang chandelier, may mga lumang antique na sabi niya ay galing pa sa kanilang mga ninuno. At halata ding galing sila sa mga pamilyang pintor. Maraming magagandang obra ang nakadisplay dito sa bahay nila, at halos lahat yon ay gawa nila mismo. Makikita mo naman yun e dahil may mga pirma nila.
Hiwalay pala siya sa Asawa, may dalawang anak. Isang Babae at isang lalake. Yung lalake ay nasa puder ng nanay at yung babae ay nasa tatay. Kinuwento sa akin ni Ma'am ang relasyon niya sa anak na halos kasing edad ko lang daw. Masasabi ko lang na parang wala kaming pinagkaiba ng anak niya. Mahilig sa gulo at laging umuuwi ng bugbog sarado. Minsan nauwi sa bahay Minsan sa hospital.
"Di ko alam kung ano pang pwede Kong gawin para magtino ang anak ko. 19 years old na pero di makaalis sa fourth year! At natatakot na lang ako sa tuwing uuwi siya ng may bangas sa mukha at mga pasa sa katawan." matabang niyang sabi.
"Baka naman po ay kasali sa mga fraternity? O kaya naman po gangster?" tanong ko.
"Nope, di siya nabibilang sa Kahit ano diyan. Dahil may sarili siyang mundo. At sa mundo niya siya ang naghahari."
"Ahh.." yan na lang ang nasabi ko.
Masiyado ng stress na stress si Ma'am Alexandra, Una sa trabaho pangalawa sa anak. Nakakaawa man pero ganyan ang trabaho niya. Hindi niya pwedeng takasan ang responsibilidad niya.
Maggagabi na, nandito kami sa isa sa mga guest room ni Maam. Malaki ang kwartong binigay niya sa amin. Tipong kasyang kasya ang 5 tao sa isang Kama. Dito muna kami pansamantala habang ako naman ay magtatrabaho sa kompanya nila ma'am. Pag nakapagipon ipon saka kami bubukod. Nakakahiya naman kasi kung dito kami habang buhay.
Maaga Kong pinatulog si tatay. Pinagpahinga ko na siya agad dahil pagod siya at hindi maganda ang nangyare sa kanya. Makakaapekto yun sa utak at kalusugan niya. Kanina pa siya walang imik e, nakakatakot kapag may mangyare.
Inayos ko ang mga gamit namin. Nilagay sa kabinet na nandon. Lumabas ako sa kwarto dahil pupunta ako ng kusina. Tutulong muna ako sa mga kasambahay, nakakahiya naman kung wala kang gawa.
"Amoy alak ka, Gabe.(Geyb)" narinig Kong sabi ni Ma'am Alexandra.
Nakita ko siya pagkababa ko, may kausap siyang lalake na sa pagkakarinig ko ay pangalan ay Gabe. Tinatanaw ko lang sila dito mula sa hagdanan. Sa tingin ko ay ito na nga ang anak niya.
"Malamang My, (me) Nag inuman kami" sarkastikong sabi ni Gabe.
"Di ba pinagbabawalan kita? Nagaaral ka pa Gabe!"
"I know My! But nasa legal age na ako! Tsaka wala akong tama ngayon, di ako lasing! hahah"
"Yeah , legal age pero di makaalis sa high school, Asan yung pangako mo? Dalawang taon na ang nakakalipas ah?" pambabara ni ma'am .
"Promise my, gagraduate ako!"
"I don't believe you."
"Di ko sinabing maniwala ka my."
Pagkatapos ng barahan ng magina ay tinalikuran na ni Gabe si Ma'am at sakto, nakita niya ako.
"Oh, who is she? bagong katulong?"- Gabe
"No, kaibigan ko. Dito na sila titira. Bagong member ng team."sabi ni maam .
"Oh really? Di nga ako makapasok sa team niyo, tapos itong parang wala man lang kataste taste sa katawan ... tsk. magaling ba to my? San mo naman to nadampot?" -Gabe
Pagkatapos niyang manginsulto ay nanatili akong tahimik. Pinagmasdan ang itsura niya. Matangkad siya, mukang magkasing height lang kami. 6'3 kasi ang height ko. May piercing siya sa tenga. Siya yung mayaman na adik o kaya malinis na adik. Ang dami niyang hikaw, may tattoo din Siya sa batok. Sa kabuuan? Binaboy niya ang sarili niya. Ganyan na ganyan din ang ugali ko noon. Sarkastiko at pilosopo. Hindi lang ako mapanginsulto tulad niya.
"Siya yung tinutukoy kong nagligtas sa akin Gabe -,-"
"Ahhhh.. Dapat pala My iligtas din kita para makapasok ako sa team. Hahaha sige my hintay lang akong mapahamak ka, darating ako."
Napataas ako ng kilay dahil sa inasal niya. Parang tropa lang kung magusap ang magina. Nagtitigan kami ni Gabe. Di ko Siya pinakikitaan ng kung ano mang emosyon. Habang Siya nakakunot ang noo. Halatang nainis dahil sa pag pasok ko sa team. Napangisi ako. Inggitero. Tinuloy ko na ang paglalakad at nilagpasan Siya. Pumunta ako sa harapan ni ma'am
"Maam--"
"Alex na lang." pagpuputol ni ma'am sa sasabihin ko.
"Tita Alex.."
"Good, just feel at home" nginitian niya ako.
"Salamat po, pinatulog ko na po si tatay. Tutulong lang po ako sa mga maid niyo." sabi ko.
"You don't have to. Bisita kita, Mara."
"Kailangan ko pong tumulong Tita, nakakahiya naman po kasi sa inyo" sabi ko at napatungo.
"Okay nga lang, magpahinga ka na lang."
"Pero gusto ko pong makatulong"
"Gusto mong makatulong? Ahh wait let me see...."
"Ang sweet niyo naman!"
napalingon ako, nandiyan pa pala Siya. Makikita ang inis sa mukha niya, Bumalik ang tingin ko kay Tita Alex, nagliwanag ang mukha niya na para bang nakaisip Siya ng isang magandang ideya.
"Ohh Gabe, Come here baby," Pumunta Siya sa pwesto ni Gabe at hinila Siya malapit sa akin. Abot tenga ang ngiti ni Tita ngayon at Parang may tumatakbo sa kaniyang isipan, pinakiramdaman ko iyon at Parang di ko gusto ang pakiramdam.
"By the way, Gabe this is Xiamara Alessandra, Mara for short and Mara this is Gabe Alexander, Gabe for short. At dahil gusto mong makatulong Mara, I want you to guard my son. Be his Lady Guard." she said and smile.
VOTE. COMMENT. ENJOY!
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...