28

60 3 1
                                    


CHAPTER 28


Gabe's PoV


Andito na kami sa bahay. Halos lahat kami nandito maliban kay Xiamara na natutulog sa kwarto niya. Andito rin si Prince Altair at ang mga bantay niya. Lahat kami ay hindi makapaniwala sa naririnig. Si Tatay Ced? May dugong bughaw? 


"Kapatid ko si Prince Cedric. Sumunod siya sa akin. Matagal na namin siyang hinahanap. Pero di ko inaasahan na matatagpuan ko na siyang patay. Hindi makakapayag ang aking ina. Paniguradong hahanapin niya ang pumatay sa kanya." Ani Prince Altair. 


Nagulat nga ako ng makapagsalita siya ng malalim na tagalog. Galing na pala siya dito at tumira ng mahabang panahon. 


"Excuse me Prince Altair ha, nakucurious lang ako? Kung kapatid mo si Tatay Ced, edi connected din pala kayo ni Ate mo Xiamara? Ganern?" tanong ni Ian, napatango ako, may punto siya.


"I'll be honest with you, umaasa akong siya ang nawawala kong anak." Napasinghap kaming lahat at nanlaki ang mata dahil sa sinabi.


"What?! It means po.. princess din siya?" anas ni Emerald.


"Hindi ko alam. Kamukha niya ang asawa ko, kamukha niya si Maine e." napakunot ako ng noo, parang may mali..


"Dy, diba si Maine? Asawa ni Tatay Ced?"takang tanong ko.


"Yun ba ang sinabi ng aking kapatid?" sa halip na si Dad ang sumagot ay si Prince Altair ang nagsalita. "Alam nating lahat na may karamdaman ang aking kapatid, sobrang hinahangaan niya si Xiarmaine, na kahit ang pag-akin sa aking asawa ay nagawa na niya. Pero dahil sa kanyang karamdaman ay hinayaan ko lang. Mahal ko ang aking kapatid, na kahit ang oras na para sa amin ng asawa ko ay ibinigay ko na."usal pa niya.


Hindi ako makapaniwala. Siya ang totoong asawa? Akala ko talaga! 


"Huwag kang magsalita na para bang napakabait mo, Altair." Napalingon naman kami kay Daddy ng magsalita siya. Napakunot ako ng noo. Anong ibig niyang sabihin? "Si Cedric lang ang nandiyan nung panahong kailangan siya ni Xiarmaine. Kung sino pa ang kulang kulang, siya pa ang nakatulong. Ikaw na halos perpekto na plus asawa pa e walang nagawa. Ngayon, ang tagal na niyang nawawala. Hinahanap mo ba? Kung anak mo nga si Mara, malamang hindi ka niya tatanggapin. Wala ka kasing kwenta." 


Napakagat ako sa labi. Kaya pala ang lakas makareact ni Dad nung malaman niyang nasa Pilipinas na si Prince Altair. Lahat kami ay natahimik, nilibot ko ang mga tingin ko sa mga kaibigan ko, lahat kami ay hindi makapaniwala talaga! Pinapakiramdaman ko ang paligid... shit! Ang sakit na ng ulo ko!


"I think I should go." Pinutol ni Prince Altair ang katahimikan ng tumayo siya. "See you guys soon." 


"Kahit wag ka ng bumalik." Rinig ko pang bulong ni Sir Adrian.
Ng umalis siya ay saka lang kami nakahinga ng maluwag. Napasandal na lang ako sa upuan. 


"Naaawa na ako kay ate Mara." Biglang sabi ni Shine. 


I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon