3

52 4 0
                                    

Chapter 3.

"Prinsesa ko prinsesa ko! Gising gising!"

Naalimpungatan ako sa sigaw ni tatay. Ang himbing himbing ng tulog ko e.

"Prinsesa ko, gising na! Huhuhu" narinig kong umiiyak ang tatay ko. Agad akong napabangon Dahil sa inaakto niya.

"tay anong nangyare sayo? Bakit po?" Sabi ko ng may pagaalala.

"S-si Aling C-cita *singot*"

TOK! TOK! TOK! TOK!

"HOY MARA! LUMABAS KAYO DIYAN! PAG DI KAYO LUMABAS GIGIBAIN KO TONG BAHAY NA ITO!!" sigaw ni aling cita.

Patay! Naalala ko di pa pala kami nagbabayad ng renta sa bahay! Kamukha pa naman ni Aling Cita yung dragon. Pano na ang gagawin ko? Baka palayasin kami.

"MARAAA!!!! BUKSAN NIYO TO! ANO BA?!"

*face palm*

"Eto na po saglit lang" Sabi ko.

Pumunta na ako sa pintuan at binuksan Ito. Tumambad sa akin ang mukha ng galit na galit na si Aling Cita.

"Asan ang bayad niyo?" huminahon na siya ng bahagya.

"Pwede pong 3,000 muna?"

"Hindi, 5,000 buo, walang labis walang kulang."

"Ubos na po kasi ang pera namin. Pinambili ko po ng gamot ni tatay, tsaka po ng kagamitan ko sa pagpipinta."

"Wala akong pakelam! basta mag bayad ka Ngayon din!"

"Sige na po Aling Cita, please. isang buwan na lang po talaga. Magbabayad na kami..."

"E ang kapal naman pala ng mukha mo, Pinatira na nga kayo ayaw niyo pa magbayad?!"

"3,000 nga po muna." pagmamakaawa ko. Timpi pa Mara.

"Hindi! Ayaw! 5buwang palugid na Ito. Wala pa rin kayong naibibigay ni isang kusing! Pa tingin nga ng kwarto Baka nagtatago lang kayo ng pera!"

Nagulat ako ng tinabig niya ako, muntikan na akong maoutbalance nun. Sinimulan niyang itapon lahat ng hinahawakan niya. Naginit anv ulo ko sa ginagawa niya.

"Asan, san nakatago ang mga pera niyo?!" habang ginagalugad niya ang buong bahay.

"Aling Cita parang awa muna! Tama na po!"

"Hindi! Ilabas niyo? Asan na? Nasa bulsa niyo ba?!"

Sinugod niya ako at kinapkapan. Sa sobrang Inis ko naitulak ko siya

"Ano ba?! Sinabi na nga pong wala pang pera e!" pasigaw Kong Sabi.

"Prinsesa ko..." bulong ni tatay. Nasa likod ko lang si tatay. Pag yan si tatay inatake lang, hindi na ako magdadalawang isip na saktan siya.

"Aba?! Lumalaban ka na? Sinisigawan mo pa ako? Bakit?! Matapang ka na Ngayon? HA?!"

Hinila niya ang buhok ko. Puta....

"A-aray, bitiwan niyo po ako!" pagmamakaawa ko.

"Kayo na nga pinapatira sa bahay nato, kayo pa may ganang magalit? Ito ang bagay sayong bata ka!" Sabi niya habang hila hila ang buhok ko. Itutulak ko na sana siya kaso naunahan ako ni .... Tatay...

BAGAG!

"a-ahh" Sabi ni Aling Cita na hawak hawak ang kanyang balakang Dahil tinulak siya ni tatay.

"Tay.."

"Huwag mo away Prinsesa ko, panget ka! salbahe!" Sabi ni tatay Habang umiiyak.

Agad na tumayo si Aling Cita at nabigla ako ng sampalin niya si Tatay.

"Isa ka pa?!"

Ngayon ay di na ako nakapagtimpi.

BOGSH!

"Prinsesa ko..."

Nagulat ako sa nagawa ko. Sa sobrang Inis ko ay naitulak ko ng malakas si Aling Cita at naumpog sa lamesa. Dali Dali akong pumunta sa kwarto at sinimulang magimpake.

"Prinsesa ko.. B-Bakit tulak mo Aling Cita?! Bad yunnn." sabi ni tatay habang humihikbi..

"Sorry po tay," sabi ko habang hinahaplos ang pisngi Kong Saan siya nasampal. Namumula iyon at makikita mong bumakat yung palad sa mukha niya.

Bumalik ulit ako sa ginagawa ko. Aalis na kami dito. Natatakot kasi akong makulong pagnagkataon. Alam ko ang ugali ni aling Cita, magdedemanda yun panigurado lalo Nat naitulak ko pa siya at nawalan pa ng Malay.

"Tay, Tara napo, aalis na po tayo dito"

*TOK TOK TOK..

Napatingin muna ako kay tatay bago pumunta sa pinto. Binuksan ko yun at nagulat sa taong yun.

"M-maam Alexandra?"

"Hi?"

"A-ano pong ginagawa niyo dito?"

"I want to ask a favor again. Okay lang ba?"

Hayys! Bat ngayon pa?!

"A-ahh Ano po kasi nagmamadali po kaming umalis ng tatay ko. Nag mamadali po kami. A-no po.. p-pasensya na po" sabi ko at napakamot sa ulo.

"Why? Is there any problem? Sabihin mo Mara, baka makatulong uako?" "
"Ay hindi na po, sobra sobra na po yung naitulong niyo kagabi" sabi ko at nagpilit ngumiti.

"No. Okay lang, let me help you. Bakit kayo may dalang maleta?"

Napabuga na lang ako ng wala sa oras. Pag si Aling Cita nagising pa, paktay na talaga.

"Aalis na po kami dito. Hindi ko lang po alam kung Saan kami pupunta ng tatay ko. Basta po Aalis kami."

"Ah ganon ba? Would you mind if tulungan ko kayo? I'll offer you a job. Sa amin na lang kayo tumira."

Napaangat ako ng tingin. Nakangiti siya ngunit seryoso.

"Ma'am?"

"Halika, sa kotse natin to pagusapan."

Di ko alam ang irereact ko. Dahil di ko alam ang gagawin ay nagpahila na lang kami ni tatay.

"Maam? Salamat po talaga ng Marami.."

"Your welcome." sabi niya at nginitian ako.

Di ko alam kung anong gagawin ko. Habang nagbibiyahe ay naikwento ko ang nangyare sa pagitan namin ni Aling Cita. Pagkatapos non ay wala na kaming imik. Di ko din alam kung bakit napakabait sa amin ni Ma'am Alexandra. Di ko din alam na ginawa niyang big deal ang pagtulong ko sa kanya. At mas lalong Di ko din alam kung bakit sumama ako .. kami gayong di ko naman siya lubos na kilala.

"Nakalimutan ko, Diba nasabi ko kanina na may iooffer akong job sayo? Gusto ko lang na isali ka namin sa team.. Grupo iyon ng mga pintor. Okay lang ba iyon sa iyo?" nagulat ako sa sinabi niya.

Masasabi kong isa siyang hulog ng langit. Kinuwento ko ang buhay ko sa kanya Habang nasa kotse ngunit hindi kasama sa kwento ko ang buhay ko noong mga panahong nagdedemonyohan kami ng Tito ko. I'll never accept the reality, that he is my Tito at kapamilya ko siya. Never.

So ayun, tinanggap ko ang offer ni Ma'am Alexandra. Sa bahay nila kami titira, magiging parte ng grupo nila. Magiging pintor na rin ako. Sa wakas.

VOTE. COMMENT. ENJOY!

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon