21

62 1 0
                                    


Chapter 21

Alasdiyes na naman ng gabi, pinakiramdaman ko muna si Tatay, Baka kasi magising. Ngayong mga araw, napansin ko ang pagsakit ng ulo ni Tatay, di siya makatulog dahil sa pagsakit nito. Nung Isang araw nga e, nagising ako dahil umiiyak siya. Pag sumasakit ang ulo niya, niyayakap niya ako at isisiksik niya ang ulo niya sa braso ko. Ako naman inaalo ko pa, nasasaktan ako sa tuwing naghihirap siya.Di ko kayang makitang umiiyak ang Tatay kasi pakiramdam ko ako ang nakakaramdam ng sakit. Hindi muna ako matutulog hanggat di siya nakakatulog. Kakantahan ko pa siya, makatulog lang.

Ng masigurado ko na mahimbing na siyang natutulog, Kinuha ko na ang mga gamit ko. Sa ngayon ay hindi ako magpapaint. Gusto Kong magaral. Susubukan kong magaral ng magisa. Gusto Kong intindihin ang mga bagay na magisa.

Lumabas ako ng bahay, Pumunta ako sa park na Malapit lang Dito. Sa Totoo lang ngayon ko lang nagustuhan ang tema ng Parke. Noong bata pa ako, never Kong binalak na Pumunta ng Parke. Ngayon ko lang nagustuhan ang lugar na ito. Kumakalma ang sistema ko tuwing nakakakita ako ng mga bulaklak at mga puno tsaka pag nakakalanghap ako ng sariwang hangin. Kaya pag libre ang oras ko, pumupunta ako dito Kahit gabing Gabi na.

"Lumabas ka na naman magisa." Napalingon ako, it was Gabe again. Sinundan na naman niya ako. Naupo ako sa swing, umupo din siya sa katabi nito.

"Oo at sinundan mo na naman ako." nakangisi Kong sabi. Nilapag ko muna na ang gamit ko sa lupa. At Tumingin sa kanya.

"Hindi kaya, pupunta naman talaga ako Dito e, di ko naman Alam na Nandito ka. Di kita Nakita."

"Himalang di kita nakasalubong? May Iba pa bang daan bukod sa dinaanan ko?"takang tanong Ko. Napaiwas naman siya mg Tingin.

"Hindi ko Alam e... ano palang gagawin mo Dito?" tanong niya.

"Mag-aaral Sana."

"Dito? Ng Gabi? siraulo ka ba?"anas niya.

"Di pa naman, Hahaha wag ka na lang magulo. Lumabas nga ako ng bahay para walang manggulo e." sabi ko, dinampot ko na yung libro ko at

"Ahh, A-ano kung g-gusto mo ahh ano t-tulungan k-kita?" Natawa ako sa pagkautal niya.

"Bakit?"

"Wala! kinokonsensya ako e!" anas niya.

"Napipilitan ka lang naman pala, kung Ayaw mo okay lang naman." nakangiting anas ko.

"Wag ka na nga maarte, di ako napipilitan! Gusto ko talaga!" asar na Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

"Talaga?" manghang tanong ko.

"Oo nga! Akin na nga yang libro! Isang beses ko lang ituturo! Ayaw ko ng paulit-ulit!" singhal na naman niya.Hinablot niya sa akin

"Ay wag na lang, di ako madaling makacatch-up e." pagdadahilan ko.

"Ano ba yan? Ganyan ka ba talaga kahina?"

Natahimik ako.Inalis ko ang Tingin sa kanya at Tumingin sa malayo. Napangisi ako sa nasabi niya. Mahina? I was known as the most heartless gangster in the past. Mahina nga ba ako? They even call me the Queen of Underground. Mahina nga ba talaga ako? Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya.

"Mahina nga yata ako." Napabuga ako ng hangin.

"Hayaan mo na,Basta tuturuan kita! Ikaw na bahala kung makikinig ka!"singhal na naman niya. Bat ba siya nasigaw?

Di ko na siya sinagot. Hinayaan ko lang siyang galawin ang gamit ko. Nilipat lipat niya yung mga page Hanggang sa Tumigil na siya.

"May quiz ulit bukas, para sa kaalaman mo." Napatingin ako sa kanya. Tumango lang ako. "Simulan natin Dito."

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon