Chapter 18.
Gabe's PoV
"Kuya, kay ate Mara ako sasabay!" bungad sa akin ng kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang gustong gusto niya Don sa babaeng yon a?
"Kung umuwi ka na lang kay daddy?"
"Dejoke lang, Tara na."
Tsk. Kahapon pa ako Naiinis sa kanilang dalawa e. Parang Sila pa yung mas magkapatid e. Kahapon Nung pagkababa niya sa puno Agad silang naglaro ng volleyball. Di Kami pinasali ni Shine kasi daw nagaaral silang Lima. Sasali daw kasi si Shine sa volleyball team. E Syempre di makakpayag na di makalaro si Ken kaya ayun ginulo niya ang laro. Nakisali Sila Miguel At Ian sa mga Nang gulo. Di naman nakisali sa batuhan si Mara. Hindi din ako nakisali kaso binato ako ni Shine ng bola. Napikon ako kaya nakibato na lang din. Walang nagbalak na batuhin si Mara kaya ako na lang ang bumato. Why? Takot sila kay Mara? Pwes ako hindi. Ginantihan niya rin ako. Kaya Lahat na Kami nagbatuhan na ng bola. Kahit matigas pa yang bola.
Sumakay na Kami sa kotse at nagpunta na sa school. Its already August, ito na rin ang buwan ng Sports Fest. Magiging busy na naman ang Lahat Panigurado. As a captain ball ng basketball paniguradong uuwi na naman Kami ng gabi. Well, we need a serious practice for this upcoming sports fest, we need to win this game this time. 2years na samin wala ang kampyonato, syempre gusto ko ring grumaduate na kampyon. Ang champion last week ay yung school nila Jane. Kaasar diba? Parang dati lang, okay lang na di manalo para sa taong mahal mo, pero ngayon mas gusto mo ng manalo at kunin yung titulo para Kahit yun man lang pambawi.
Nakarating na kami sa school, ipinarada ko lang ang kotse ko sa parking lot.
As usual bulong bulongan na naman Pagkapasok namin.
"My gosh, is that Shine Alexandria Santiago?"
"Its Gabe's Girl Version!"
"O my gosh! Ang gandang bata!"
"Waaahhhh! Cute!"
"Magkapatid nga Sila, kay gandang lahi!"
"Waahhh Gabe, palahi naman Kahit bingot lang pleaseee!!!"
Napamaang ako sa mga Narinig ko. Palahi? Yuck?! I heard Shine chuckled. Binatukan ko nga ng palihim.
*TOK!
"Ouch!" Sinamaan ako ng tingin, kaya Tinignan ko rin siya ng masama. Patuloy lang kami sa paglalakad, pupunta ako sa usual spot naming magkakaibigan. Nagtext kasi sa akin si Louis. May urgent meeting again, kaya walang pasok sa first subject.
"Pare!"
"Hello mga Kuya ko!" bati ni Shine a kanila.
"Yow!"
Humiga muna ako sa damuhan at pumikit. Antok pa kasi ako. May sarisarili naman silang ginagawa e kaya Bahala na muna Sila s
"Kuya puntahan ko muna si Ate Mara ah?" Sabi ni ShinwDi pa man ako pumapayag nakaalis na siya. Ays! Bahala din siya. Maya Maya naging usap-usapan nila Miguel yung mga Alagad ni Darna.
"Pre, mas okay pa nga si Amber kesa kay Emerald na Conyo.Imbis na maasar siya,Ikaw pa naaasar!" rinig Kong sabi ni Miguel.
"Aysus, type mo lang kasi kaya mas okay sayo si Amber." ani Louis.
"Hahaha, ganun na nga."
"Tsk, di hamak na mas Maganda si Emerald sa kanilang tatlo." ani Louis.
"Mas Astig si Sapphire, ang cool lang pare." Sabi naman ni Ken.
"Mara parin ako." Singit naman ni Andree.
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...