Chapter 8
Pumasok na ako ng school, at tulad kahapon nauna na si Gabe. Kahapon Bago maguwian nawala si Gabe. Yun pala nauna ng umuwi. Nagulat nga si Tita kasi Maaga daw siyang nakauwi first time daw yon. Dahil palaging alasdose ang uwi ni Gabe.
Pagpasok ko sa Main Gate ay may humarang na naman sa akin. Ngayon mga Babae naman Sila. Tingin ko Sila yung mga Typical na Mean Girls lang. Teka bat ang Sama ng tingin nila? Anong nagawa ko? kararating ko lang e. -,-
Nabigla ako ng buhusan ako ng juice.
"Para yan sa pananakit mo kay Ray."
Tinapunan ako ng cake.
"Para yan sa paglapit mo kay Gabe, ninakaw mo pa yung wallet niya!"
At nakatanggap ako ng isang Malupit na sampal.
"Para sa pagyakap sa boyfriend ko, malandi!"
Ouch.
"Sana binigay niyo na lang yan sa mga pulubi, mas kailangan nila ng pagkain" Sabi ko at umalis sa harap nila. Eto na pala ang mangyayari kapag lumapit sa kanila. Tsk. Muntanga. -,-
Diretso agad ako ng Cr. Buti na lang talaga mabait si Tita Alex at Limang uniform ang binili sakin. Sabi ni tita na lagi akong magdala ng extrang uniform, para sure na kung may mangyayari man at eto na nga yon. Great timing.
Napatingin ako sa relo ko I'm 15 minutes late. Tsk. Nagpunta na ako sa classroom. Nako, naguumpisa na ang lecturer.
"Your late." -Sir
"I know"
"And why?"
"Baka kasi sir lumandi muna Bago pumasok." Sabi ng pamilyar na Babae. Teka siya yung sumampal sakin a?
"Hahaha hindi Baka nagnakaw muna you know girls diba?" yung nagtapon sakin ng cake. Aba kaklase ko pala Sila?
"Guys, be careful pag nakikita niyo to, mamaya sindikato to." napalingon naman ako sa gawi nung babae tsk, Siya din yung binuhusan ako ng juice. Talaga naman oh! Bat ngayon ko lang Sila Nakita? Hahahah
"Talaga nga naman o, kaklase ko pala kayo?" Sabi ko.
"What? Ngayon mo lang nalaman?"
"Oo e," Sabi ko at napakamot sa ulo.
Narinig ko ang pagbungisngis ni Ian. Napalingon ako sa gawi nila ayun si Gabe, Kala ko di pumasok e.
"Shut up! Kayong tatlo umayos kayo ng pananalita niyo estudyante ba kayo?" panenermon ni Sir.
"Sir, honest lang kami. Duhh, buti nga winawarningan pa namin kayo e" pagpapaliwanag nila.
Napatawa ako ng bahagya. Manira hanggang sa nabubuhay, ganyan nga ipagpatuloy.
"Sir uupo na po ako." pagpapaalam ko
"Hindi ka man lang ba mag sosorry?" pahabol na Sabi ni Sir.
Sorry? Napangisi ako sabay nag seryoso. Hinarap ko si Sir, walang ekspresyon sa mukha.
"Sa pagkakaalam ko Sir, magsosorry ka lang pag may nagawa kang kasalanan."
"Your late, hindi ba kasalanan yon?" Halata ang pagkairirta sa boses ni Sir.
"Its not my fault. For your information." I said, bakas na rin sa akin ang pagkainis.
"Your rude."
"No I'm not." pagtatanggol ko sa sarili ko. Tsk.
"Hoy, maguusap ka na lang ba kayo o magtuturo ka pa?" Napalingon ako kay Gabe. Ay, bastusing bata.-,-
"Lumabas ka sa klase ko"
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...