Chapter 23
Mara's PoV
Nagsisimula na ang sports fest, ramdam na ramdam ko na pero hindi ako excited. Sino ba naman ang excited e pinagpapractice na kami ni Gabe para sa pageant? Isa pa yang laro na yan, paano ko pagsasabayin ang pageant at volleyball?
Pinatigil na rin pala ako ni Tita Alex sa pagtatrabaho, ang dami ko na raw kasing ginagawa. Pumayag na rin ako, para hindi ako mahirapan at para na rin hindi maiingit si Gabe.
Andito ako ngayon sa tambayan namin sa likod ng gym, kasama ko sila Jerome. Tumakas ako sa practice ng volleyball, bahala sila diyan, hindi naman ako nangakong magseseryoso ako sa laro. Tatayo lang akong captain pero sinabihan ko na silang wala silang maririnig sa akin.
"Ganon pa rin si Mama, masungit pa rin. Wala pa rin kaming kwenta sa paningin niya." Usal ni Jerome.
"Alam mo ba ate Mara sabi niya sa amin bakit daw namin ikaw kinakausap e bad influence ka raw. Dapat raw mamili kami ng sinasamahan. Bobo na nga raw kami, sasama pa raw kami sa isa pang bobo! Nako! Kung di lang teacher yun, malamang na-upakan na namin yun!" inis na sabi ng isa pa.
Ngumiti ako ng pilit. Hindi ko masasabing naiintindihan ko sila, dahil ako mismo hindi ko maintindihan ang guro na 'yon. She's not acting like a real teacher, nagmumukha kasi siyang kapitbahay namin noon, maliban sa tsismosa na, bungangera pa. Hindi ko siya maintindihan, bakit simpleng quiz e sobrang dami niya ng dada. Bakit sobrang galit na galit siya sa akin?
"Hayaan niyo na. Sumunod na lang kayo sa gusto ng teacher na iyon, alam niya pa rin naman kung ano ang makakabuti sa inyong lahat."
Pagkatapos ng usapan na iyon ay dumiretso na ako sa meeting place namin para sa pageant. Ako na lang pala ang hinihintay. Naabutan ko silang naglalaro ng di ko alam kung ano.
"Mara!" napangiti agad ako ng tawagin ako ni Andree.
Simula ng umamin siya, mas naging close na kami sa isa't isa. Nakalimutan kong may sakit siya dahil nakikita kong sobrang lakas niya, hindi ko siya nakikitang nanghihina, naging maalaga siya, sa mga kilos niyang yon, pakiramdam ko espesyal ako.
Ako rin, nagkaroon ako ng pakiramdam na dapat lagi kaming magkasama, dapat nakikita ko siya, dapat hindi siya masaktan, na kailangan bantayan ko rin siya. Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman kong ito, pero masaya ako. First time kasi ito.
"Nako tih? Ang tagal mo ah? Pabebe tayo? Tignan mo si Gabe, excited ang bakla!" usal ni Ian.
"Pakyu! Sinong excited?" inis naman na sabi ni Gabe. Napaismid ako. Kahit naman ako, hindi. Tss.
"You know Mara, hindi ka na nga active sa volleyball, pati ba naman sa pageant na 'to?" ani naman ni Amber.
"Yeah she's tama! You know? You're swerte kaya! If only I were the one.."anas naman ni Emerald.
Napairap ako. "Edi ikaw na lang, ikaw pala may gusto e."
"Tama na yan, ipanalo mo na lang yung pageant." Usal ni Sapphire.
"Ingay niyo, magsimula na kayo."- Miguel.
"Ako na lang kaya?"- Ken
"Manahimik ka kuya Ken"-Shine.
"Start na!"-Louis.
Napairap ako,umupo ako sa tabi ni Andree.
Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Pageant? Hindi ko naisip na sumali sa ganito, not even in my whole life, hindi ako nagbalak.
BINABASA MO ANG
I Am His Lady Guard
General FictionSa Good Side Siya si Mara ~Matulungin ~Mabait ~Mapagmahal na anak ~Masiyahin. ~Laging iniisip ang iba. Pero.. Sa Bad Side siya si Diamond ~Walang Awa ~Walang sinasanto ~Walang batas batas Basta Siya ang Boss. Siya si Diamond...