1

72 3 0
                                    

Chapter 1

Pawis na pawis na akong nakatayo dito. Naghihintay ng taong bibili o titingin man lang ng mga obra ko. Pero ni isang tingin o lingon walang nagabala. Hayss mga tao nga naman maaarte at choosy pa. Nakakabenta naman ako e. Minsan sa mga estudyanteng may project ng ganto. Sa mga mayayaman na kailangan ng paintings ang mga mansyon nila, nakakalahati naman ako ng benta sa sampung artworks na nilalabas ko. Pero kadalasan talaga walang nabebenta.

"Babe, I like those paintings, lalo na yung pang lovers. It reminds me of my teddy bear that you gave me last time. Can I buy? saglit lang ako." Sabi ng babaeng nakadress na puti, na di naman kalayuan sakin. Tinutukoy niya siguro ang gawa ko, ako lang naman nagtitinda ng paintings dito e.

"Sure, ako na bibili," Sabi naman ng lalake.

"No ako na. Pag may nakita pa akong kaparehas niyan bibilin ko na rin para parehas tayo" sabay ngiti niya. Tumango naman ung lalake.

Lumapit sila sa pwesto ko at Kinuha yung obra na may Babaeng nakayakap sa teddy bear.

"Miss magkano po?" tanong ng babae.

"200 po" Sabi ko naman.

Napatingin ako sa boyfriend niya. Nagulat ako ng kinindatan ako. Sa ginawa niyang yun mga bukas makalawa break na agad sila. Halata naman sa lalake ang pagkababaero. Tinignan ko lang siya na parang walang pakealam.

"Ang mahal, pero maganda." pagkasabi niya nun ay nginitian niya naman ako na parang ako yung sinabihan ng maganda at hindi yung painting.

Kung noon, kapag ginaganyan ako ng mga lalake, lalo na kung di ko kilala diretso putok ang labi. Kaso ngayon hanggang titig na lang ako. Nasasayo na yun kung hahanapin mo pa ba yung pake ko.

"okay lang babe, worth to buy naman e, Ate may isa ka pang ganito?" tanong naman ng Babae

"Ahhmm wala na po e, pero meron pong ganito" pinakita ko sakanya yung obra na may lalake na may hawak na rosas.

"Omygosh! Ang cute! I will buy this two."

napangiti ako, sawakas may bumili na rin. *sigh*

"Akin na ako na magaabot" Sabi ng lalake ng di parin inaalis ang tingin sakin. Binigay naman Ito na Babae sa kanya, at Ito namang hinayupak na lalake binigay sakin ang bayad sabay haplos ng kamay ko -_-

"Keep the change ate, total magaling ka naman e" Sabi ng Babae

"oh, keep the change na daw," sabi ng lalake sabay kindat.

Sa dalawang taon na umiiwas ako sa gulo, humanga na naman ako sa sarili ko.

Ngayon ko lang narealize na kaya Ko palang magtimpi ng ganito.

VOTE.COMMENT.ENJOY

I Am His Lady GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon