Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapak na pagkatapak ko sa siyudad na kinalakihan ko. Maraming nagbago, maraming naidagdag, lahat ng dating simple lang ngayon ay halos lahat ng gusaling naitayo ay masasabing napakagaling ng pagkakagawa ng mga ito.
Isa-isa kong binigyang pansin ang bawat building na nadadaanan ko.
"Same city, hmmm." Pumara na ng taxi si Xevena ng maramdaman niya ang pagod sa paglalakad. Ilang sandali pa ay narating na niya ang dapat niyang puntahan."Boue Residence, na miss kita." Nakangiti niyang sabi habang ibinababa ng taxi driver ang kanyang mga gamit. Isa ito sa pinaka una at pinakamatagal na bahay dito sa San Roque, Palawan. Katulad ng dati, wala kang maipipintas dito magmula sa labas ng mansion hanggang sa perpektong landscape papasok ng bahay. Isa ito sa naging suki o tambayan niya sa tuwing umiiyak siya at nasasaktan. Pisikal man o emosiyonal.
Hindi mapigilan ni Vexena ang bugso ng kanyang damdamin habang patuloy nitong tinatahak ang pinto ng mansion. Nararamdaman niya pa rin ang kirot at sakit na bumabalot sa buo niyang pagkatao.
Marahang niyang kinatok ang pinto at ilang saglit pa ay pinagbuksan na siya.
Bahagya siyang ngumiti sa isang babaeng naka uniporme ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mata ng mayordoma ng makita siya nito."Mahabaging Diyos!" Natutop nito ang bibig at naguunahan nang pumatak ang mga luha nito.
"Luna, Anak! Ikaw nga!" Bulalas ng mayordoma.
"Nanay Lorna! Na miss po kita!" Masaya niya itong niyakap na siyang nagpahagulhol sa matandang babae.
"Ang tagal kitang hinintay Luna! Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang bumalik na bata ka?! May tinuluyan ka bang mababait na tao? Pinapakain ka ba nila ng higit sa tatlong beses sa isang araw? Masaya ka ba roon? Hin-"
Natatawang tinakpan ni Vexena ang bibig ng mayordoma.
" 'Nay, maayos po ang lahat ng magdisisyon akong umalis sa bahay na ito. And yes, they love me through my worst. 'Yun lang ang dapat mong marinig mula sakin, 'nay. All is well and I'm happy to say that!"
Nakangiti niyang sabi sa huli.Matamang tinitigan siya ng mayordoma at tila malalim ang iniisip na parang may gustong sabihin ito sakanya.
"Mabuti naman kung ganun, anak. Masaya akong makita kang muli dito sa bahay niyo ng asawa mo. Ka'y tagal ka naming hinintay. Salamat sa Diyos at kusa kang bumalik samin."
Gumaan ang pakiramdam ni Vexena habang iniisa-isa niyang ilagay ang kanyang mga dalang gamit sa kanyang closet. Matapos makipag kwentuhan sa mayordoma ay nagpasya na itong pumanhik sa kwarto upang ayusin ang sarili at makababa dahil oras na rin ng hapunan.
Matapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit at makapag palit ng damit ay nagpasya na siyang bumaba. Naabutan niya ang Nanay Lorna na busy sa pag-aayos ng mga kubyertos at pinggan sa hapag kaininan. Naramdaman naman ng huli si Luna kaya tinawag na niya ito at pinaupo sa dati nitong pwesto.
"Kumain ka ng marami anak, sigurado akong na miss mo ang luto ko, tama ako hindi ba?" Masayang sabi ng matanda.
"Opo 'nay! Na miss ko po talaga ang luto niyo, especially itong ginataang puso ng saging na may piniritong galunggong!"
Masaya niyang sabi at itinuloy ang pagkain.
Natawa naman ang huli dahil muntik na siyang mabilaukan dahil sa sunod-sunod nitong pagsubo."Dahan-dahan anak, marami pa sa kusina." Pabiro nitong sabi at sinalinan ito ng tubig sa kanyang baso.
"Sorry po, sobrang takam na takam talaga ako sa luto mo 'nay eh, kaya di ko napigilan."
Paliwanag nito sa matanda."Osiya, kumain ka pa Luna." Todo ngiting turan nito.
" 'Nay salamat po sa hapunan, I'll go upstairs na because I feel like I wanna sleep long 'till tomorrow lunch! Thank you po sa napakasarap na dinner!" Yun lang at umaykat na ito na ito sa kanyang silid.
Natapos na ang ritwal ni Xevena at napag pasyahan na niyang mahiga sa kama dahil sa pagod sa byahe, akmang papatayin na niya ang ilaw sa kanyang bedside table nang may biglang pagpasok na di inaasahang bisita sa kanyang kwarto.
"Vexena.." Halos pabulong lamang ang bigkas nito sa kanyang pangalan. Hindi niya inaasahan na ganito kabilis ang kanilang pagkikita. Well, she was expecting to him tomorrow. Not tonight.
Inayos nito ang kanyang pag-upo sa kama at mataman niyang tiningnan ang kanyang kaharap na ngayon ay parang nakakita ng napakagandang tanawin dahil sa paraan ng pagtitig nito sakanya.
"Hello there, my husband.." She said while there's a little smirk on her lips.
BINABASA MO ANG
Someday
General FictionWARNING: Some scenes is not be suitable for the very young age. Read at your own risk. Five years of unforgettable and unforgivable memories of marriage. Three years after she left her husband, she return as an emotionless and heartless woman . H...