Chapter 33

89 2 0
                                    

Kiel's Part - ONE

"Kalbisal!" Napailing na lang ako sa narinig ko habang patuloy pa rin akong  naglalakad. Naramdaman ko siyang malapit na sa akin kaya naman sinadya kong huminto upang mabunggo siya sa likuran ko.

"Aray!" Napasapo siya sa kanyang noo at tiningnan ako ng masama.
"Bakit ko naman biglang huminto, Kalbisal?! Ayan tuloy, nabunggo mo ako! Ang sakit ng noo ko! Bakit kasi ang tiga-"

Tinakpan ko ang kanyang bibig at inilapit ang aking mukha sa kanya upang magtapat kami. Napangisi ako ng makita ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

Ganyan nga, keep on blushing when we're close like this. You are so pretty, my Vaccine. My Vexena...

Hinampas niya ang kamay ko nakatakip sa kanyang bibig at tinitigan ako ng masama na siya namang ikinangiti ko.

Damn lady, I want to kiss you right now.


"Let's go! Mali-late na tayo sa klase. Ga-graduate na tayo tapos ganyan ka pa rin! 'Di ka pa rin nagbabago! Sino ba kasi ang may sabi sayo na uminom ka kagabi?!"

Nanggigigil na sabi niya sakin habang ako naman ay tinakpan ko na lang ang aking mukha dahil tumatama sakin ang sinag ng araw. Hinayaan ko lang siya na pumutak at magbunganga.

Vexena, ang sarap sa pakiramdam na pinapagalitan mo ako ng ganyan. Ang sarap mo sigurong maging asawa.

Fuck! Hindi maaari! Stick to the plan, Kiel!
Kastigo ko sa sarili.

Tumayo na ako sa sama at lumapit pa sa kanya. Hindi niya napansin ang paglapit ko kaya naman niyakap ko siya sa kanyang likuran na siya namang ikinatigil niya.

"A-ano ba Kiel! 'Wag mo akong dinadaan sa pagyakap-yakap mo ah! Hindi na uubra sakin yan! Apat na taon na tayong magkasintahan kaya hindi mo na ako madadala sa ganyan!"
Galit na galit niyang sabi sakin.

"Eto naman, 'wag ka nang magalit. Hindi bagay sayo." Pang aasar ko sakanya.

"Shut up! Hala! Pumasok ka na sa banyo at maligo ka na! Kailangan na nating umalis bago tayo ma-late sa school! Ito ang tatandaan mo Kiel, kailangan nating maka-graduate ng walang mababang score. Nangako ka, diba?" Nangungusap na ang kanyang mga mata ng tiningnan ko siya.

Lumapit naman ako sa kanya upang yakapin. Hinalikan ko ang kanyang noo bago pinaharap.
"Love, baby, sweetheart, babe, wife... I love you so much to break the promise that I made to you so there's no way in hell na makakakuha ako ng mababang score."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala sa aking labi upang halikan.
"You give me purpose, Babe. Kaya don't expect na mangyayari 'yun. Do you understand? And I'm sorry sa nangyari ngayon, nagkayayaan lang naman kami ng barkada."

Another lie, dahil kasama ko ang ama mo upang planuin ang pagpapakasal sayo.
Patawarin mo ako Vexena, ngunit wala akong magawa. Hawak niya ako sa leeg at utang na loob ko sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako.

Mahal kita, ngunit mas matimbang sa ngayon ang pagtanaw ng utang na loob. Please bear with me for now, my love. I will find a way para hindi matuloy ng ama mo ang mga balak niya sayo. Hindi ko hahayaang mamuhay tayo ng ganito. Gagawa ako ng paraan para makulong na ang ama mo sa mga masama niyang ginawa.

"May tanong ako."  Sabi ko sa kanya
"Ano yun?"
"Gaano mo kamahal ang papa mo?

Tumawa naman siya sa tanong ko. "Anong klaseng tanong yan, love? Normal lang naman na mahal ko ang tatay ko dahil sa kanya ako nanggaling. Kung wala siya? Baka walang Vexena sa buhay mo ngayon."

I know, pero mahalin mo pa rin kaya siya ng ganyan kapag nalaman mo ang lahat? Kapag nalaman mong siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay mo? Kasama ng totoo mong ama? Ayaw kitang masaktan ngunit kaya hindi ko muna sasabihin sayo ang totoo. Kailangan ko pang kumalap ng mas maraming ebidensiya. Patawarin mo ako sa mga gagawin ko sayo, sa lahat ng pagsisinungaling ko. Gagawin ko 'to ng mag isa dahil mahal kita."

Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. "Ganyan nga, be a good and loving daughter, love. I love you." Sabay halik ko sa kanya at hindi naman niya ako binigo dahil gumanti rin naman siya sa halik ko.

"Maliligo na ako. Can you prepare me a breakfast? Please?" Paglalambing ko sa kanya.
"Handa na po, mister Boue. Maligo ka na at baka lumamig na ang paborito mong breakfast."

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Talagang alam niya kung papaano niya ako ihuhulog ng sobra sa kanya.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Don?" Matigas na bati ko sa kanya.

Isang demonyong tawa ang narinig ko sa kabilang linya.
"Good morning to you too Kiel! Kaya paborito kita eh, ang galing mong magpanggap!" Sabi niya na sinundan niya ng isang malademonyong tawa.

"What do you want me to do, Don? Ikaw ang nagturo nito sakin, remember?"
"I know that. And I'm proud to you because you're a fast learner!"

Napakuyom ako ng kamao at galit na tinitigan ang pinto. "What do you want, Don?

"Ready your proposal to my daughter, right after your graduation you are going to propose to her." Then the line went off.

"Fuck!" Pinagsisipa ko ang kama. "Putangina mo Don!"

"Babe?" Binalik ko sa normal ang aking hitsura.
"Coming babe!

"Thank you for the wonderful breakfast babe! I'm so full!" Masayang sabi ko sakanya habang hawak hawak ko ang tiyan ko.

"Sus! Palagi ka namang busog kahit di ako ang nagluto eh. Hahaha!"

Napakaganda mong pagmadan, yang mga ngiti mo sana ay hindi mawala kahit anong mangyari sa atin sa hinaharap. I love you so much, Vexena...

---------
Grammatical error and mispelled occured. Not reviewed, not edited.


A/N:
See you sa next chapter! Please vote and recommend this story.
Maraming Salamat!


SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon