Chapter 26

75 6 0
                                    


Not Edited, Not Reviewed.
—————

"Kumusta na nga pala ang Kile's Co?" Tanong sakanya ni Ice.

"Okay naman. Everything's fine. Mas tumaasa ang sales ngayon kumpara sa mga nagdaang buwan." Masayang sabi niya sa lalaki.

Tumango-tango naman ito sa kanya habang mataman siya nitong tinitingnan.

Her brows  went up.

"What's wrong? Bakit ganyan ka kung makatingin sakin, Ice? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling naman ito sa kanya. "Nakapagtataka lang kasi, Vexena."

"Anong pinagtatakahan mo?" Mas lalo siyang nagtaka dito.

"Nakapagtataka lang. Ayaw mo noon na mahiwalay kay Kiel, right? What happened right now? Bakit kayo naghiwalay?"

"Out of all people." Natawa siya ng pagak. "Hindi ba dapat kayo ang mas nakakaalam niyan dahil kaibigan niyo siya? How come hindi mo alam? As far as I know alam ni Juaquine ang lahat."

Nakatitig ito sa kanya ng mariin. Parang may gusto itong sabihin sa kanya.

"May dapat ba akong malaman, Ice? Last time na nagkita kami ni Juaquine halos isumpa niya ako, and that condolence he mentioned.." She trailed off.

Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito kaya naman napaayos siya ng upo at tiningnan niya ito ng direcho.

"Tell me, Ice. What should I know? Alam mong hindi ko kayang tanungin si Juaquine or even Marco. Sa inyong tatlo, ikaw lang ang gusto at kaya kong paniwalaan and i doubt that you're going to break my trust."

Maingat ngunit mariin niyang sabi na para bang nililinaw niya ito sa kausap.

Mapait itong ngumiti sa kanya na ikinakaba niya. Kilala niya ito na palaging totoo ang ipinapakita. Not even once before na nagpakita ito sa kanya ng kasinungalingan. Kahit saang anggulo, masama man o mabuti. His expression never lie.

"Kung sasabihin ko ba sayo maniniwala ka? Do you deserve to know to truth kahit ayaw nila na malaman mo ang lahat? Kasi kung sakin lang, you have the right to know everything kahit na hiwalay na kayo."

Malungkot itong ngumiti sa kanya. Sa sinabi ng binata ay may rason nga siya para kabahan, hindi niya lang alam kung para saan.

Nanginginig na inabot niya ang kape upang sumimsim dito.

"Tell me, Ice. Ano ba talaga ang gusto niyong mangyari? Bakit pakiramdam ko ako lang ang mali sa lahat ng nangyari? Bakit parang sakin lahat ang kasalanan? Bakit?"

Nakagat niya ang sariling labi at nagsimula nang bumagsak ang kanyang mga luha.

"Do you have any idea kung bakit ko hinawalayan si Kiel? Kung bakit ako umabot sa puntong kailangan ko pang umalis sa sarili kong bansa at bumalik para makipag hiwalay? Do you know how it feels to be alone in a foreign country without no one beside you? Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, w—ala akong ibang iniisip kung bakit ako nasasaktan, kung bakit ako naghihirap sa kamay ng mga taong m—inahal ko.. I just loved them, I never thought that loving them is a poison. They broke me, Ice. They broke my whole life! They broke my dream to be loved! They did horrible things to me! They feed me lies, they sheltered me pain! Kaya anong karapatan niyong magalit sakin? W—ala akong ibang ginawa kundi ang mahalin sila! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang ako pa ang may kasalanan ng lahat.."

Napahikbi siya ng marahan. Pakiramdam niya ay bumalik muli siya sa nakaraan. Naramdaman niyang muli ang sakit na idinulot ng kaniyang ama at dating asawa. Tila isang lason na kumakalat sa buong katawan niya ang mga salitang binitawan niya. Hindi niya maramdaman ang sarili kundi galit at poot ang namutawi sa kanya.

"I.." He looks worried. "I k—now you were in pain before because of him, Vexena. We've seen it too. Hindi mo rin alam ang sakit na dinanas niya. Wala ka namang narinig sa kanya, hindi ba? Kasi hindi niya sinabi sayo ang totoo. Kasi hindi niya kayang makita kang nahihirapan at nasasaktan.. K—asi, mas gugustuhin niya pang sa kanyang balikat mismo ipatong ang lahat ng hirap maging maayos ka lang. Mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman mo.."

He stops for a while and look at her with sympathy. "I may not be the best person to tell you this. It should not be me. Hindi ako ang taong dapat ipaalam kung ano nga ang tunay na nangyari. A—yokong panguhan siya. I hope you understand."

Umiling siya. Hindi kasi pupwedeng ganun na lang, hindi pwedeng basta na lang siya nitong bibitinin sa sasabihin. Ramdam niyang gustong gusto na nitong sabihin sa kanya ang nalalaman at alam niya rin na may pumipigil lang dito para isiwalat ang nalalaman. And she will not going to let this go. Whatever it is, she needs to know, she have to.

Pinunasan niya ang natirang luha sa mukha.
"No." Iling niya. "Hindi ako papayag hindi mo sasabihin sa akin ang nalalaman mo, Ice. Stop this crap and go straight to fucking point!"

Napakagat naman ng labi si Ice at napayuko.
"Ve—xena.." Hirap niyang banggit sa pangalan nito. Napatingin ito sa taas at napapikit.

"C'mon Ice! Please? Ano ba talaga ang dapat kong malaman? All of the sudden they're mad at me. It's just I—." She choked "I couldn't understand.."

"Let's go. I'll take you to him then."
He said with finality on his voice.

She immediately followed him. They both ride the same car, his car. Habang nasa byahe ay naroon pa rin sa isip niya ang malaking tanong kung bakit ganun na lang ang galit ng mga ito sa kanya? Bakit pakiramdam niya dapat na may malaman siya bukod sa ayaw ni Kiel na pakipaghiwalay at ayusin ang kung anumang gusot sa kanilang relasyon? Hindi niya mabilang kung ilang ilang beses niyang hindi pinatahimik sa nangyaring pagkikita nila ni Juaquine, ganun rin sa mga sinabi nito.

Galit siya, oo. Simula't sapul ay alam ng mga ito ang nangyayari sa kanilang mag asawa at batid niyang hindi maglilihim si Kiel sa kanila. Sa lahat ng dinanas niya dito, alam niyang walang maililihim ito sa kanilang magkakaibigan. Masaya man o malungkot.

Nakaramdam siya ng pait sa naisip. Hindi naman dapat nangyayari ang lahat kung naging masaya at walang problemang namagitan sa kanilang dalawa. 'Di sana nanatiling maayos ang pagsasama nila dahil ganun rin ang pagkakaibigan nito sa barkada ng dating asawa. Handa naman siya. Sumugal siya sa relasyon nila, ipinaglaban niya ito hindi niya ito iniwan kahit nung naging mapanakit na ito ng pisikal. Hindi niya inintindi ang mga masasakit sa salita na naririnig niya dito. Ipinaglaban niya ito kahit na alam niyang may mali na. Kahit na marami siyang nakikitang litrato sa media na nakikipag relasyon ito sa iba't ibang sikat na babae. Kahit pa noong halos mag away na sila ni Veronica dahil gusto na nitong hiwalayan na ang kanyang asawa.

Lahat naman tiniis niya. Pero gaya nga ng sinasabi ng lahat. May kanya kanya tayong pananaw sa pagibig. Hindi lahat ng nagmamahal, minamahal. Hindi lahat ng nagsasakripisyo para sa pagibig, nabibiyayaan ng masaganang pagsasama. Hindi lahat ng gusto mo sa isang relasyon ay makukuha mo.

Masakit para sa kanya ang desisyong kalimutan ang lahat ng pagsasakripisyo, pag iintindi at pagmamahal niya para kay Kiel. Ubos na rin kasi siya, pagod na rin at lalong nawala na ang lahat ng pagasa niyang magiging maayos sila nang mawalan siya ng anak na hindi man lang nasilayan ang ganda ng mundong kanilang ginagalawan.

Hopes are gone three long years ago. Loves fade but never been erased. But she have to remove the poison she's hugging just to reciprocate the feelings that she had. Masyadong manapanakit ang pagibig na inasam niya na kahit anumang gamot ang inumin o gamitin niya ay hindi nito kayang ibsan ang sakit at pighati na idinulot nito sa kanya.

Pagod na rin kasi siya.

————
A/N:
Sorry to keep you waiting.
Hindi ko pa alam kung kelan ako makakapag update ulit. Siguro twice a week na lang muna ang update para sa inyo.

Enjoy reading! Salamat sa patuloy niyong pagbabasa. See you sa next chapter! Mwaaaaa!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon