Not Edited, Not Reviewed.----------
Nauwi sa pakikipag kwentuhan ang dapat na pahinga niya. Hindi na rin naman kasi siya makakabalik sa pagtulog matapos siyang istorbohin ng kaibigan.
Niyaya siya nitong mag shopping dahil daw sa kulang na ang kanyang damit na hindi niya pinaniwalaan dahil kung bumili ito noon ay umaabot sa maximum card limit. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang sumama dito.
"May nakita ako kanina sa isang boutique keps, bagay sayo yun! For sure lalabas at luluwa ang mata ng mga lalaki sayo kapag sinuot mo yun!" Napahalakhalk ito sa naisip.
Bruhang 'to. Namamanyak nanaman ang isip. Tsk.
"Oh? Swimsuit nanaman? Wala na bang iba? Marami pa ako sa bahay keps. I don't need one."
Umiling iling ito tanda ng di pagsang ayon at hinila siya papasok sa boutique.
"Welcome to Brazzier Tight Boutique, ma'am."
Nakangiting bati ng sales lady na ginantihan naman nila ng ngiti."Ito keps!" Turo nito sa isang red two-piece swimsuit. String lang ang kumakabit sa pantapal para sa dibdib at underwear. Sexy itong tingnan pero pakiramdam niya kapag sinuot niya 'yon at yuyuko ay lalabas na ang kanyang utong sa sobrang liit ng pantapal nito para sa malaki niyang hinaharap.
"Ayoko niyan. Masyadong malaswa."
"No! Ako na magbabayad nito at wala kang magagawa kundi isuot 'to." Sinamahan niya pa ng tawa at dumirecho na sa counter upang magbayad.
Pagkalabas nila sa pang anim na boutique ay hindi na sila magkandaugaga sa pagdadala ng paper bags. Umabot na kasi ito sa twenty paper bags, sa tingin niya.
"Let's eat first before we go home."
Tinanguan niya lang ito at hinayaang pumili ng kakainan. Nauwi sila sa isang Mediterranean restaurant called Aryaz. Napili nilang umupo sa pinakasulok malapit sa cashier counter.
Habang naghihintay ay panay ang kwento ni Veronica tungkol sa gaganaping reunion ng kanilang college batch. Nai-add kasi ito ng kanilang ka-batchmate sa isang group chat kaya naman no choice siya kundi ang pumunta dahil halos lahat ay gusto siyang makita. Hindi para kumustahin kundi ang kumalap ng tsismis.
Nahagip ng kanyang paningin ang dalawang taong papasok sa mismong restaurant kung nasaan sila. Siya kasi ang nakaharap sa entrance habang ang kaibigan naman niya ay nakaharap sa cashier counter. Tinitigan niya itong mabuti bago ibinalik ang tingin sa kaibigan.
"Keps, sorry to interrupt you. Pero may tanong ako." Sabi nito sa kaibigan.
Tumango ito at sumipsip sa inorder nitong pineapple shake. "Shoot!"
"Ahm.. Ilang taon na ba kayong mag asawa ni Joseph? Pasensya ka na kung ngayon lang kita natanong. Masyadong marami kasi akong dapat asikasuhin simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas." Pagdadahilan niya.
Pinunasan naman nito ang kanyang bibig bago nagsimulang magkwento sa kanya.
"Two years and six months. Why?" Takang tanong nito.
"Wala naman, gusto ko lang kasi malaman dahil pareho kayong mahalaga sakin."
Pagdadahilan niya bago sinipsip ang straw sa kanyang mango shake."Ano na ang status niyo as a married couple?" Tanong niya ulit.
"Hindi kami magkasama sa iisang bahay keps. Hiwalay kami ng tinitirahan because i want it. Kung yun ang itatanong mo." Sagot naman nito.
"Pero bakit?" Tanong niyang muli.
"Anong bakit? Simple lang, dahil ayoko ko kas—."
"Bakit kayo nagpakasal?" Pagpuputol niya sa sasabihin nito.
Veronica suddenly smile. She saw a pained smile and crossed her arms.
"Dahil akala ko mahal niya ako?" She bitterly said.
"Hauh? Ba't patanong?" Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo simula ng mawala ako? Hindi pa naman kayo noon nung nandito pa ako diba? Anong dahilan kung bakit kayo nagpakasal?" Puno ng pag aalala nitong tanong sa kaibigan.
Hindi niya rin kasi maintindihan ang mga ito dahil noon pa man palagi na itong nag aaway kahit na sa simpleng dahilan lang, though they are not couple. Magkakaibigan silang tatlo since highschool at nagdisesyong magsama hanggang college sa iisang eskwelahan.
Noon pa man ay masama na raw ang aura ng bestfriend niya kay Joseph. Masyado daw kasi itong mahangin at halos lahat ng babae ay natikman na raw nito during college days.
Ngunit hindi ganun si Joseph para sa kanya. Ito na nga ata ang pinakamagalang na lalaki pagdating sa babae. Hindi rin ito namamansin ng mga nagpapapansin na babae dito kapag magkakasama silang tatlo kaya nagtataka siya kung bakit ganun na lang ang galit nito sa kaibigang lalaki.
Natatandaan niya pa na may naging kasintahan ito noon na tumagal ng tatlong taon. At sa loob ng tatlong taon na 'yon ay siya ring paglayo nito sa kanilang dalawa ni Veronica na siya namang ikinasama lalo ng paningin nito kay Joseph. Ngunit nang malapit na ang graduation ay nabalitaan niyang naghiwalay na ang dalawa. May nagsasabing third party daw na tinutukan ng mga tsismosa nilang schoolmates. Ayaw naman niyang magtanong sa lalaki dahil hindi rin naging maganda ang huling taon nila sa kolehiyo matapos nilang maghiwalay. She can't remember the name of his ex because that girl was trying her best to avoid us or even get bump into somewhere which she can't understand. Ang alam niya lang ay ayaw daw nito sa kanila dahil sa selos nito na mahahati raw ang atensiyon ni Joseph sa dalawa.
"Care to tell me what happened, keps? I can lend an ear." Pag-aalo niya dito.
Ikinurap naman nito ang kanyang mata bago nagsimulang magkwento.
"Things happened when we were about to look for you somewhere in El Nido. We're on our way to the hotel when suddenly..." Pinutol nito ang sasabihin dahil sa paglunok nito.
"He saw her with someone. Hindi ko alam kung anong nangyari nung mga sumunod na araw namin doon. Para akong tanga kakasunod sa kanya at para naman siyang tanga kakasunod sa babae. Then on our fourth day of following her..."
Napakapit ito ng mahigpit sa kanyang kamay na nakahawak dito at mariing ipinikit ang kanyang mata.
"Go on, keps." Pangungumbinsi niya rito.
She give a heavy sigh before she continue.
"Napansin siguro niya na sinusundan siya nito. Mag-isa kasi itong naglalakad sa beach downtown when she saw him. Hindi ko alam kung anong naging sunod na pangyayari at natagpuan ko na lang ang sarili ko na umalis muna para magpahangin. I feel suffocated when she walks and approached him with a huge smile."
Pagak na tumawa ito. "And then the night comes, he knocks to my room and sneak in with pain. So then, I comforted him. Sabi niya kasi niloko lang pala siya nito, sabi niya nakausap niya rin yung lalaki, he told him that they were married since they were on a second year college after being a couple for two and a half years. Meaning, pinagsabay sila at niloko siya nito." Madiin ang pakakabigkas nito sa huling salita.
Saglit na tumigil ito upang uminom muli na siya namang ikinunot ng noo at ibinaling ang tingin sa dalawang taong nakita niya kanina na ngayon ay masayang nag-uusap. Nanlaki ang kanyang mata ng makitang hinalikan ng lalaki ang labi ng kasama nitong babae.
Holy Mother of God!
**Ano kayang nakita ni Vexena?Hmmm...
BINABASA MO ANG
Someday
General FictionWARNING: Some scenes is not be suitable for the very young age. Read at your own risk. Five years of unforgettable and unforgivable memories of marriage. Three years after she left her husband, she return as an emotionless and heartless woman . H...