"No. Don't you think it's too much, Kiel?"
Juaquine said to him. They were in the bar that night, he invited him to have some after drinks after he talked to Don Jacque. Naka plano na ang lahat para sa gagawin niyang wedding proposal para kay Vexena. Kating-kati siyang suntukin si Don Jacque habang tuwang-tuwa ito sa kanyang mga plano para sa kanyang pekeng anak.
Lumaki sa hirap si Don Jacque ngunit nagkaroon ng pagkakataon na makapag trabaho sa lungsod ng Maynila kung saan nagkakilala sila ng kanyang asawa na siya niyang naging amo sa isang sikat na Business Training Company.
Yes. Vexena is not his real daughter. Walang amang gustong mapahamak ang kanyang sariling anak. Hindi talaga sila nagkaroon ng anak ni Ma'am Lanie kaya nagpasya silang ampunin si Vexena noong sanggol pa lamang ito sa isang orphanage center sa Palawan. Ngunit nang bago pa man magkaroon ng malay ang kanyan nobya ay doon naman nagkaroon ng matinding problema ang mag asawa dahil nalaman ni Ma'am Lanie na nagkaroon ito ng kalaguyo at nagbunga ang kanilang pagtataksil dahilan upang mamuhi ang asawa ni Don Jacque at tinaggalan ng karapatan sa lahat ng kaniyang naipundar.
Dahil dito ay nagkaroon sila ng matinding away sanhi ng pagkamatay ni Lanie na siyang lalong ikinagalit ni Don Jacque dahil huli na nang malaman niyang gumawa na pala ito ng last will and testament na siyang nagsasabing walang kahit ano mang mamanahin maliban sa rights nito bilang asawa at ang lahat ng kanyang personal na kayamanan ay malilipat kay Vexena. Magmula noon ay dito na ibinuhos ni Don Jacque kay Vexena ang lahat ng pagkamuhi niya sa kanyang yumaong asawa.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko pare." Hirap na sagot ni Besay kay Juaquine.
"Hindi mo naman ituloy ang plano niyo ni Don Jacque, Besay. I'm telling you, mas doble ang sakit na mararamdaman ni Vexena kapag nalaman niyang kasabwat ka ng kanyang pekeng ama."
"Sa tuwing nakikita ko siyang masaya ay parang gusto kong patayin ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan nang kanyang mga ngiti ngunit alam ko rin na ako ang sisira niyon sa huli."
Bagsak ang balikat na sabi niya at inisang lagok ang kanyang whiskey sa kanyang baso.
"Ano ba talaga ang plano mo? Bakit hindi mo na lang sabihin kay Vexena ang lahat nang 'to para matapos na ang paghihirap mo at nang hindi ka na mauto pa ni Don Jacque."
Natawa siya sa tanong ng kanyang kaibigan dahil maging siya ay hindi niya na alam kung ano ang magiging sunod na hakbang niya para sa kanyang nobya at sa walang kasing sama na ama-amahan nito.
"Plano kong 'wag sundin si Don pero hindi ko maaaring gawin iyon dahil pinagbantaan niya akong ipapapatay niya si Vexena sa oras na hindi ako tumupad sa aming usapan dahil alam niyang mahal ko si Vexena at yun ang ginagamit niya laban sa akin dahil alam niyang hindi ko kayang may mangyaring masama kay Vexena..."
"Bullshit Besay! Maraming paraan para hindi matuloy ang mga binabalak niya! Bakit hindi mo sabihin sa kanya at ayain mo siyang umalis na kayo dito at pumunta sa ibang lugar? Napakaraming paraan para hindi niya na kayo mahanap pa at magawan ng masama! Grow up man! Hindi na ikaw ang batang napulot niya sa lansangan noon na walang alam kundi ang sumunod sa mga utos niya! Ilang kumpanya na ba ang napatayo mo ng walang tulong galing sa kanya? A fucking eight branch of business improvement company! Kung tutuusin ay kayan mo nang ilayo si Vexena dito at mamuhay sa ibang bansa! 'Wag kang tanga, Besay!"
Galit na sabi nito sa kanya habang siya ay nanatiling nakayuko sa bar counter.
Napakadaling sabihin 'yan, ngunit hindi pa rin sapat ang lahat nang yun upang magawa nilang makatakas sa kamay ni Don Jacque ngunit alam niyang sa loob at labas ng bansa ay marami itong connection sa underground group. Miyembro ng sindikato, miyembero ng isang sikat na drug dealer sa iba't ibang lugar sa buong mundo at hindi niya kayang ipahamak si Vexena.
Mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa sa itakas ito nang walang kasuguraduhan kung ligtas ba talaga sila dahil alam niyang kahit saan siya magpunta ay may nakasunod itong mga tauhan.
"Will you marry me?" Saya, takot, lungkot at galit ang nararamdaman ngaun ni Besay habang nakaluhod siya sa harap ng babaeng pinakamamahal niya. Dumating na ang araw na kanyang pinakatatakutan. Nakaluhod siya ngayon sa harap nito upang dalhin siya sa isang mas mahirap na sitwasyon.
Umiiyak sa tuwa na sumagot si Vexena. "Yes! I'll marry you, babe!" Ilang ulit pa itong tumango sa kanya habang walang patid ang kanyang pagluha.
Agad naman niyang inilagay ang singsing sa daliri nito bago niya ito niyakap ng mahigpit.
Lahat ng taong imbitado sa kanyang surpresang ginawa at masaya dahil sa wakas ay ikakasal na sila ngunit ay dalawa dito ay iba ang nararamdama.
Si Juaquine na galit sa kanya dahil itinuloy pa rin niya ang kanyang plano at si Don Jacque na umaapaw ang kaligayahan dahil sa alam niyang malapit na nitong makamit ang kanyang masamang plano laban sa kanyang anak.
Nagbalik ang kanyang atensyon nang marinig niya ang sinabi ni Vexena sa kanya habang magkayakap pa rin sila. "I love you so much, babe! God knows how much I have wished for this moment to come. Thanks to Him because finally! I am going to marry the man I love the most and I am so lucky to have you as my soon to be husband, love. Thank you so much for this wonderful proposal! I love you!"
Nanginginig na sabi nito habang patuloy pa rin ito sa pagiyak. Mas lalo niyang hingpitan ang yakap dito na para bang gusto niyang iparating dito sa sana, sa oras na dumating ang araw na masaktan niya ito ay 'wag sanang mawala ang pagmamahal nito sa kanya at sana ay magkaroon siya ngayon nang himala upang hindi siya nito agad sukuan sa kung anuman ang kanyang magawa sa oras na magkasama na sila sa iisang bubong.
"Thank you so much, my love. You made me the luckiest man alive because you accepted me as your fiance and your soon to be husband. I love you so much, Vexena. I hope that you are going to forgive my sin in the future and I hope that you to have faith in me for some worst moment we may have and I want you to always remember that I love you so much and it will never change until my last breath..." Then he sealed it with a kiss.
This chapter is not edited, not reviewed.A/N: Sorry for being MIA for so long. Hope you enjoy this chapter. Please don't forget to vote and recommend this story.
Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
Someday
General FictionWARNING: Some scenes is not be suitable for the very young age. Read at your own risk. Five years of unforgettable and unforgivable memories of marriage. Three years after she left her husband, she return as an emotionless and heartless woman . H...