A/N:
Sorry for the long wait. Enjoy reading!"Vexena..." Agad siyang napalingon sa kama nang marinig niya ang boses ni Kiel.
Mabilis siyang lumapit dito habang hinahanda ang kanyang sarili na 'wag na munang bumigay sa harapan nito. That's the last thing she want to do, masyado na rin siyang nahihirapan sa sitwasyong meron sila ngayon. Pareho silang nahihirapan at alam niya iyon, kahit hindi sabihin ng mga kaibigan nito ay naiintindihan niya.
"H—ow are you feeling? May masakit ba sayo kaya ka nagising? T-teka, tatawagin ko ang doctor.." Natatarantang sabi niya dito.
Akmang aabutin niya na ang incomer nang bigla niyang naramdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay kaya naman napalingon siya dito. Napalunok siya nang makita nito ang kanyang mga mata, sadya ba talagang makislap ang mga mata nito o dahil sa luhang nagbabadyang lumabas?
"Vexena..." napalunok muna ito at lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay.
"Why? W—what are you doing here? Hmm?" Mahina ang pagkakabigkas nito sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Pinisil niya ang kamay nito at bahagyang nginitian bago niya ito sinagot. "Because i want to take care of you, Kiel. Why? Dapat ba ay wala ako dito? Do you really need to hide all of this to me?"
Hindi niya na napigilan ang kanyang bibig. Naninibago nanaman siya sa kanyang sarili. Gusto niya itong sumbatan at saktan dahil nagpatong-patong na ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Ngunit sa kabilang banda ay nasasaktan siya dahil sa kalagayan nito.
Ngumiti ng tipid si Kiel sa kanya. "C—an you come here?" Bakas sa kanyang mga mata ang pag aalinlangan.
Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na sinunod ang pakiusap nito. Umupo sa upuan sa gilid ng kama nito. Agad naman hinawakan ni Kiel ang kanyang kamay na nakapatong sa kama. His palm is cold. Yan agad ang unang nasabi niya sa kanyang sarili. Tinitigan niya ito ng mabuti, ganun rin si Kiel sa kanya matapos ay huminga siya ng malalim.
"It happened the day you finally left me." Panimula ni Kiel, mariin niyang kinagat ang kanyang ibabang labi.
He look into her eyes. "I discovered it when I passed out after two consecutive weeks of non stop drinking without food intake. Juacquine brought me to this hospital. He said he found me in the bathroom—." Napalunok siya. "With clothes on and drowning inside of the jacuzzi."
Bahagya siyang tumawa ngunit alam niyang peke iyon. Batid ang niyang nahihirapan na itong magsalita kaya nagpasya siyang pigilan na ito.
"Stop. You are having a hard time to breath, Kiel. You don't have to do this specially in your co—." He cut him off.
"No. I—. I need to tell it to you, Vexena. Gusto kong malaman mo ang lahat bag—o man lang ako tuluyan na—ng hindi makapag s—alit—a."
Umiiling siya ngunit hinayaan niya na ito dahil alam niya namang hindi na nito mapipigilan pa .
"When I found out that I was sick, I feel happy. Sabi ko kasi sa sarili ko, finally! Kukunin na ako ng Panginoon. Kasi yun lang naman ang hiling ko sa kanya, ang kunin niya ako kapalit ng kasamaang ginawa ko sayo." Mapait itong ngumiti ngunit kasabay nito ang pagbagsak ng kanyang luha.
Hindi na rin niya mapigilan ang sarili na lumuha. Bakit pakiramdam niya siya ang may kasalanan ng lahat? Marahil ay tama ang mga kaibigan nito, marahil siya nga talaga ang dahilan kung bakit ito humantong sa ganitong kalagayan. Heto nanaman siya, nagtatalo nanaman ang isip at puso niya.
"Right there and then, I decided to stop the medication. Alam ko na dapat gagaling pa ako dahil hindi pa 'yun malala ngunit ibinigay na ng Diyos sa akin ang matagal ko nang hinihiling kaya kahit anong pilit nila sakin na magpagamot ay hindi ko pinakinggan. Laking pasasalamat ko na rin dahil wala ka dito nung mga panahong iyon dahil baka hindi ko mapigilang makiusap sayo na balikan mo ako ulit. Dahil baka pati itong sakit ko ay magamit ko sayo, balikan mo lang ako. Mahalin mo lang ulit ako. Kasi alam kong kahit awa lang, masaya ako dahil alam kong nasa tabi kita."
Walang palya ang pagbuhos ng mga luha nila. Pareho silang nasasaktan at alam nila sa kanilang mga sarili na huli na ang lahat. Masyadong huli na.
"Nakakatawa ano? Sinaktan kita pero mahal kita. Alam ko rin kung bakit ka nandito ngayon, Vexena. Pero uunahan na kita. I'm so sorry kung hindi ko magagawang sabihin sayo ang dahilan dahil ayokong masaktan ka. A—ayokong maging dahilan iyon ng pagkakaroon mo ng sama ng loob sa iba. O—kay na sakin na ako na lang, a—ako na lang ang kamuhian mo."
Sa sinabi nito ay para siyang nagising sa katotohanan. "N—o!" Umiling siya nang ilang ulit. "No! Y—ou have to tell me, Kiel! Bakit ba ayaw mong sabihin sakin?! It is my right to know what the hell happened to us! Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon? Sa tingin mo ba masaya akong nakikita kang nahiga sa kamang 'yan at nahihirapan?! Sa tingin mo ba hindi malaking palaisipan sa akin ang biglang pagbabago mo sakin?! Walang kasing sakit ang ginawa mo, Kiel! Kaya anong mas matindi mong dahilan para ilihim sakin ang lahat?!"
Tumayo siya at lumayo sa lalaki. "I get it, Kiel. Baka siguro kaya ayaw mong sabihin dahil may pino-protektahan kang iba. Y—eah.. Bakit pa ba ako umaasa na sasabihin mo sa akin ang totoo na sa simula pa lang alam ko namang ginamit mo lang ako." Nanghihina niyang sabi dito.
Yumuko siya at panibagong luha nanaman ang lumabas sa kanyang mga mata.
"Masakit sa akin na kaya mong protektahan ang lihim mo kesa sa akin. We—ll, if that's what you want so be it. I know someday, malalaman ko rin ang totoo. Maybe you are not the only one who knows the reason at malalaman ko iyon. Hindi ako titigil hangga't wala akong nakukuhang sagot, Kiel! I lost my unborn child because of you! Hear me, Kiel? I lost my child!"Parang bombang sumabog si Kiel sa kanyang narinig. Hindi siya nakagalaw at tulala lang ito na nakatingin kay Vexena.
BINABASA MO ANG
Someday
General FictionWARNING: Some scenes is not be suitable for the very young age. Read at your own risk. Five years of unforgettable and unforgivable memories of marriage. Three years after she left her husband, she return as an emotionless and heartless woman . H...