Chapter 21

76 6 3
                                    

Not edited, Not reviewed. Enjoy Reading.
—————

Masama ang pakiramdam niya ng magising dahil sa hang over. Sino ba kasi ang gigising sa kanya ng alas sais 'y medya? She want to kill whoever it is! Gigil niyang dinampot ang roba na nasa bedside table niya at dali daling lumapit sa pinto upang silipin ang peephole.

Naningkit ang mata niya ng mapagsino ito at padabog na binuksan ang pinto.

"What the fuck Veronica?! Ang aga-aga mong mambulabog!" Iritang sabi nito sa kaibigan.

Veronica just rolled her eyes. "Good morning rin sayo Keps! Padaanin mo kaya ako 'no?" Pang aasar nito.

Niluwangan niya ang pagkakaawang ng pinto at tuluyan nang nakapasok ito. Matapos isara ay sinundan niya ito patungong kusina. Lalong nangunot ang noo niya ng magsimulang mangalkal ito ng kung anu-ano.

"Sana pala hindi na lang kita pinapasok kung dito ka lang rin mag-aalmusal. May god! Wala ka bang hang over at nandito ka ng ganito kaaga?! Tsk!" Nanlilisik ang mga mata nito.

Inirapan lang siya nito. "Well, i'm bored kaya andito ako para maki-breakfast. Atsaka baka nakakalimutan mo na nagtext ako sayo kagabi para sabihin na pupunta ako ngayon?" Taas kilay nitong sabi.

"Whatever keps! May hang over ako eh!"

"Whatever rin keps! Gutom ako eh!" Panggagaya nito sa kanya at nagsimulang asikasuhin ang kanilang agahan.

"Actually kaya ako nandito bukod sa breakfast ay makikibalita na rin ako sa mga nangyayari sayo. Hello? Text text rin pag may time!"

Tinaasan niya lang ito ng kilay at dumirecho sa ref para kumuha ng malamig na tubig. She know Veronica so well, they started to become best of friends since their high school. Kaya naman hindi na siya nagtataka na nagtatampo ito ngayon bukod sa ginawa nitong pag alis ng walang paalam. And she's guilty as charged.

"Alam mo kasi hindi na ko sanay na tawagan ka at kausapin ka ng madalas dahil na rin kay Joseph. You know..." Pang aalaska niya dito.

Napapantastikuhang binalingan siya ng tingin ni Veronica. "At papano nadamay ang walanghiyang yun sa usapan natin, aber?"

Nginisihan niya ito. "Baka kasi asawa mo siya? At baka kasi may ginagawa kayo kaya hindi ako madalas tumawag sayo?"

"Bilat mo keps! 'Wag mo ngang ibahin ang usapan! Atsaka isa pa, hindi naman kasi kami magkasama ng hoodlum na yun sa iisang bubong 'no! As if naman na papayag ako! Manigas siya!" Gigil na binalingan nito ang itlog na kanyang piniprito at tinusok tusok.

Natawa naman siya sa inasal nito.
"Uy! 'Wag mo ngang durugin ang itlog! Hindi naman yan itlog ni Joseph para panggigilan mo eh!"

Veronica glared. "Tangina nito! Wala ka talagang kwentang kausap ngayon!"

Napansin niya ang bahagyang pamumula ng kaibigan kaya nilapitan niya ito at binulungan.

"You're blushing keps. Hahaha. So ibig sabihin niyan nilalapirot mo talaga ang itlog ng asawa mo?"

"Ulol! Maupo ka na lang dun at hintayin mong matapos ako dito para makapag usap tayo!"

"Hahaha. 'To naman. Osiya sige, aakyat na muna ako at maliligo. Istorbo ka talaga!"

Tapos nang magluto at naghahanda na ito sa lamesa nang bumaba siya. Agad na rin siyang naupo at sinabayan nang kumain ang kanyang kaibigan.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito. Ayaw niya na kasing dumagdag pa sa problema nito bukod sa batid niya na rin na hindi maganda ang takbo ng relasyon ng mag asawa. Nakakalungkot lang dahil number one fan siya ng dalawa kahit noon pa man. Sila talaga ang itinadhana sa simula pa lang, pero sadyang mapaglaro ang tadhana at hindi niya rin ito masisisi dahil maging sa dati niyang asawa ay naging malupit ito.

—————

Matapos ang kanilang almusal ay nauwi sila sa paliligo sa pool. Siya ang nagyaya dito dahil na rin nga sa kanyang hang over.

"So, ano ng balita sa inyo ni Kiel? I heard from Joseph na annulled na kayo pero alam kong hindi basta basta na papakawalan ka ni Kiel."
Tanong nito sa kanya.

She sips the straw of her mango shake and look straight from the pool.

"Yes, we're annulled. Mas mabuti na yung wala na kaming koneksiyon sa isa't-isa at isa pa kung may balak man siyang guluhin pa ako baka hindi ko mapigil ang sarili ko na kasuhan siya." Matigas nitong sabi.

"Alam mo keps, hindi naman sa pinakailaman ko ang desisyon mo. Pero sabi mo nga, wala na kayong koneksyon sa kasi annulled na kayo kaya bakit mo pa siya kakasuhan? Sinasaktan ka pa rin ba niya?"

Nagtatakang tingin ang ibinigay niya sa itinanong nito.
"At bakit naman niya ako sasaktan ngayon? Hindi na niya ako masasaktan keps. 'Yan ang una kong isinumpa bago ako bumalik dito sa Pilipinas."

"Hindi yan ang ibig kong sabihin."

"Eh ano? Emotional? Hah! No, he can't do that anymore. Ayoko lang na lumapit pa siya sakin at makiusap nanaman na pakinggan siya."
Napahawak siya ng mariin sa kanyang baso.

"Bakit naman daw?" Takang tanong ni Veronica.

"Para daw matahimik siya. Because I deserve it. Nunkang magpapauto pa ako sa kanya dahil kung tutuusin matagal na niya sana ako binigyan ng paliwanag bago naubos ang katiting na tiwala at pagmamahal ko sakanya."

Saglit na natahimik ito at tinitigan ang kaibigan. Kung dati siya ang pinakamabuti ang ugali or anghel sa kanilang dalawa pero ngayon, ibang-iba na ito. Siguro nga lahat ng tao kayang magbago kapag sobra nang nasaktan. At ito ang patunay.

"Pero hindi ba mas okay kung bibigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag? I mean, para tuluyan na siyang lumayo sayo? Don't you think?"

Tumayo na siya sa kanyang upuan at tinanggal ang kanyang roba at naglakad patungo sa pool.

"I will not give him satisfaction keps. Hinding hindi ko ibibigay ang hinihingi niya dahil gusto kong magdusa siya. Para malaman at maramdaman niya kung paano umasa sa wala. Kagaya ng ginawa niya sakin." Sabi nito at tuluyan ng lumusong sa pool.

—————

Nakatingin lang si Veronica sa kanya. Nanghihinayang ito sa kanilang relasyon, kung dati kasi halos hindi niya ito masaway at mapakialaman sa desisyon na pakasalan si Kiel dahil masyado pang maaga para pumayag ito.

Halos isumpa na siya ng kaibigan dahil walang araw na hindi niya ito pagsabihan. Pero wala eh, masyadong matigas at buo na talaga ang desisyon nitong magpakasal. Alam niya kung saan hahantong ang lahat kapag masyadong maaga at mabilis ang kasal ng dalawang magkasintahan. Dahil ganun siya, ganun sila.

Nakakatawa dahil halos pareho sila ng narasan. Early marriage with just a short term relationship, nakakalungkot.

Dahil mahal mo, pinakasalan mo agad. Dahil akala mo mahal ka rin niya kaya ka niyayang magpakasal agad. Dahil akala mo kayo talaga, dahil akala mo iyon ang tanging daan para magsama kayo ng matagal, dahil akala mo ang kasal ay panghabang buhay na kayong magmamahalan.

Nang dahil sa akala, naging miserable ang pagsasama niyo bilang mag asawa. 'Yan ang dahilan kung bakit may tinatawag na stage sa isang relasyon bago ang prosisyon. Stage of being a couple, to his proposal, to the stage of getting engaged before marriage. Kumbaga, from A to Z muna bago ang lecheng kasal na yan.

Please keep voting and recommending this story! Your comment is very much appreciated.

Thank you very much!

MissGalletitaaa

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon