A/N: So sorry for super late update mga tita's! Sooobrang daming nangyari these past fee weeks kaya hindi kinaya ng powers ko ang ud.
Enjoy reading, babies! :*
—————
Agad binuksan ni Vexena ang pinto upang labasin si Ice dala niya ang kanyang bag at cellphone dahil wala na rin naman siyang dahilan pa para hindi sumama dito. Inis na binalingan niya ito ng tingin na siya namang ikinangiti ng tipid ng lalaki.
"Siguraduhin mo lang na worth it ang pagpapakita mo doon sa kaibigan mo, Ice. Baka masapak kita kung isa nanaman 'to sa mga walang kwenta mong gawain!" Iritadong sabi niya dito.
"This is the last, Vex. I promise." Sabay taas niya ng kanyang kanang kamay.
Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan at agad ring dumirecho sa driver's seat. Tahimik sila habang lulan ng sasakyan, the usual. Katulad ng nangyari kanina nang dalhin siya nito sa kung saang lugar man iyon. Siya naman ay tahimik rin na pinagmamasdan ang mga ilaw sa daanan at malalaking gusali. Iniisip niya kung ano ba talaga ang plano ng kasama niya ngayon at bakit nagpumilit pa siya nitong balikan para samahan sa ospital na inuukupahan ng kaibigan nito. She really doesn't want to go out dahil gabi na rin at kailangan niya pang i-check ang sandamakmak na emails niya from different clients and co-workers from the hotel.
Nauna siyang bumaba sa sasakyan ng marating nila ang Romberks Hospital. Hindi na rin naman siya hinintay ni Ice at nauna na ito sa paglalakad. Inirapan niya lang ito at sumunod na rin.
Lulan sila ng elevator ng saglit na sumagi sa kanyang isipan ang taong nagbigay sa kanya ng matinding kirot at hinagpis sa buhay. Hindi niya alam kung bakit, ngunit ramdam niya ang kaba dahilan upang mapahawak siya ng mahigpit sa kanyang bag.
Nanuot sa kanyang katawan ang lamig na nagdulot ng mas matinding kaba sa kanyang dibdib at tila halos gusto niyang umatras na lang ng huminto sila sa isang silid. Pigil ang kanyang paghinga ng itaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang nakasulat sa karatulang nakapaskil sa pinto.
Room 4001
Patient name: Mr. Kiel Besay G. BoueIlang ulit niyang ipinikit at iminulat ang kanyang mga mata upang siguraduhin na hindi siya dinadaya ng kanyang paningin sa nabasa.
Naramdaman niya ang marahang paghawak ni Ice sa kanyang likod upang igiya siya papasok sa kwarto. Hindi niya ito sinunod at ilang beses niyang nalunok ang kanyang sariling laway upang tanggalin ang nakabara na kung ano sa kanyang lalamunan.
"T—eka muna, Ice. W-what is the meaning of this? Why it's Kiel's name on it?" Gusto niyang makasiguro, gusto niya muna marinig ang sasabihin o ipapaliwanag nito bago siya takasan ng lakas ng loob.
"This is the answer you were looking for, Vex. I told you, I can help you but only until this far. I'm sorry if I took a long time to tell it to you. Kasi kahit ako, hindi ko rin alam kung papano siya haharapin kapag nalaman niya na sinabi o dinala kita rito which is he doesn't want to from the very beginning."
Napayuko si Ice. Ibinaling niyang muli ang kanyang tingin sa pangalan na nakakabit sa pinto.
"Tell me more, Ice. I want to hear more about him. Did he jsut met a trouble or car crashed? Is he injured? When did this happened to him?"
Car crashed. Iyon lang ang pinakamalapit na dahilan kung bakit nandito ang kanyang dating asawa. Alam niya kung papaano ito kung magmaneho, wala itong pinipiling lugar sa bilis ng pagpapatakbo.
"I can't tell it to you. You are now here standing in that door, who happens to be your ex-husband's room. Enter that room for your answer, Vex." Iyon lang at hindi niya namalayan na nabuksan na nito ang pinto at bahagya siya nitong itinulak papasok bago isinarang muli ito.
Hindi siya sumama. Sinadyang iwan siya nito mag-isa kasama ang kanyang dating asawa.
Tahimik. Mahigpit ang kapit niya sa kanyang bag at kuyom ang kanyang kamay, ramdam niya ang kanyang panghihina sa nakikita niya sa kanyang harapan.
Hindi niya ito hiniling. Gustuhin man niyang magdusa ito ngunit hindi sa paraan na nakikita niya ngayon sa kasalukuyan. Hindi sa ganitong sitwasyon niya gustong makitang nahihirapan ito.
"Oh my God..." Napatakip siya ng bibig at kusang bumagsak ang kanyang luha nang tuluyan na siyang nakalapit kay Kiel.
Samo't saring aparato at tubo ang nakakabit ngayon sa lalaki. Tanging tunog ng makina at tunog ng aircon ang naririnig siya sa apat na sulok ng silid kung saan siya naroroon. Walang lumalabas sa kanyang bibig, panay lamang ang punas niya sa kanyang mga luha ngunit tila ayaw nitong tumigil at tila ba gusto pa nitong lumabas nang mas matagal at mas marami.
Hindi niya mapigilan ang mumunting hikbi na namutawi sa kanyang bibig. Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang palad sa ibabaw ng kamay ng kanyang dating minamahal.
Nang tuluyang na niyang naramdaman ang pinaghalong init at lamig nito ay tuluyan na siyang bumigay. Napaupo siya sa sahig habang mahigpit na hinawakan ang kamay nito.Tanging iling na lang ang kanyang nagawa at malakas na pagtangis ang namutawi sa kanya. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong pagkakataon pa talaga niya mahahawakan at mararamdaman muli ang kamay ng kanyang dating asawa.
Aminado siya, mahal niya pa rin ito sa kabila ng hirap na dinanas niya sa kamay nito. Hindi ganun kadaling mawala ang nararamdaman mong pagmamahal sa isang tao lalo na't sa kanya mo ibinuhos ang lahat ng pagmamahal.
Napaangat siya ng tingin dito nang maramdaman niya ang bahagyang paggalaw ng kamay nito. Isang titig ang sumalubong sa kanya, titig na puno ng pagtataka, takot at pagmamahal ang sumalubong sa kanyang tingin. Isang iling ang kanyang nakita, tanda nang hindi ito sang ayon na dapat ay narito siya. Tama nga si Ice, ayaw siyang makita ni Kiel sa ganitong sitwasyon. Kilala niya naman ito, hindi ito ang tipo na bukas o mababasa ang sa gawa ang kanyang nais. Ngunit sa pagkakataong ito, alam niya kung anong nais nitong iparating sa kanya na hindi niya maaaring pagbigyan.
"N-no! I'm not gonna leave, Kiel!" Putol-putol na sabi niya dito.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit at papaano ka humantong sa ganitong sitwasyon, Kiel. Oo at wala na tayo pero may pinagsamahan pa rin naman tayo at alam nating pareho na hanggang ngayon, m—ahal pa rin k-kita.." Humihikbi niyang sabi at mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay nito.
Tanging patak ng luha lamang ang naging reaksyon nito sa kanyang sinabi. Alam niyang nahihirapan na ito sa kanyang kalagayan, gustuhin niya man na marinig ang boses nito ay hindi maaari dahil sa tubo na nakakabit dito.
Isang payat at mahinang Kiel Besay Boue ang nakikita niya ngayon sa kanyang harapan. Isang imahe na kahit kailan ay hindi niya hiniling o ni wala sa kanyang imahinasyon ang makitang siyang ganito.
Why? Why it have to be like this? Why does it hurt to bad that it could kill me? Why it has to be Kiel? Good Lord, if this is your way of punishment to me I'm begging you, stop this pain and let him heal for whatever he have right now. Please...
Piping dasal niya habang nakatingin sa mukha ng nag-iisa niyang mahal.
Ilang ulit na umiling siya at patuloy ang kanyang paghikbi sa tuwing nakikita niya ang walang tigil na pag agos ng luha sa mga mata nito. Napakagat siya sa kanyang labi upang pigilin ang pag iyak.
"H—indi ko kaya..."
BINABASA MO ANG
Someday
General FictionWARNING: Some scenes is not be suitable for the very young age. Read at your own risk. Five years of unforgettable and unforgivable memories of marriage. Three years after she left her husband, she return as an emotionless and heartless woman . H...