Warning: Mature Content | Some scene contains physical abuse. Read at your own risk.
—————
Walang inaksayang panahon si Vexena at sinampal niya ito ng ubod ng lakas na siya namang ikinabuwal ng kanyang asawa.
"Ang kapal ng mukha mong sundan ako matapos ang lahat ng ginawa mo sakin! Bakit? Umaasa ka ba na babalik muli ako sayo at maniniwala sa lahat ng kasinungalingan mo? Ito ang tandaan mo Kiel! Tapos na tayo and I want an annulment!"
"Vexena.." Sapo-sapo nito ang kanyang kanang pisngi na simanpal niya.
"Huwag mong hintayin na ako mismo ang mag file ng annulment dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin kong grounds!"
Nagmamadali siyang umalis sa opisina nito. Ayaw na niya itong makasama at huminga sa iisang silid.
Pagkatapos niyang maupo sa sasakyan niya ay agad namang bumaha ang kanyang mga luha.
Walang mapagsidlan ang sakit at paghihinagpis niya ngayon. Bawat katagang binitawan ng asawa nito ay puro kasinungalingan lang. He doesn't deserve me anymore! He deserve to die while living in hell! Isinusumpa niya!Sa pagbabalik tanaw niya sa nakaraan ay para siyang baliw na umiiyak habang tumatawa dahil naalala niya ang nakaraan niya sa kamay nito.
Nagmamadali siyang umuwi dahil takot siyang masabihan nanaman ng kung anu-anong masasakit na salita mula sa asawa niya. Kiel Boue, her husband.
He's one of the most popular bachelor at his time. Kumbaga, isa siya sa pinaka sa lahat! Matikas ang katawan, matalino, gwapo, seryoso at buwis buhay sa negosyo nitong pinakasikat na hotels, bars, and restaurant. You have all that you need with his business! Kaya naman sobrang saya niya ng yayain siya nitong magpakasal kahit isang bwan pa lang sila naging magkarelasyon.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kanilang bahay. Pasado alas onse na rin ng gabi kaya natural lang na nakapatay ang ilaw ng buong first floor.
Sa saktong pag-ikot niya dahil paakyat na siya ay nahagip ng kanyang paningin ang asawa niya na papalit sa kinatatayuan nito at walang sabing sinampal siya nito. Bumuhos agad ang luha niya habang nakasubsob sa unang baitang ng hagdanan. Hawak-hawak niya ang kanyang pisngi at nalasahan niya rin ang dugo sa kanyang labi mula sa pagkakatama nito sa hamba ng hagdanan.
Hinila ni Kiel ang buhok niya at walang habas na pinatayo siya nito at iniharap ang mukha niya na para siyang kakainin ng buhay sa sobrang galit.
"You bitch! I told you to fucking go home before ten, right?! You really don't know how to follow my orders?!"
Galit na galit ito sa kanya at nanggigigil. Sa uri ng pagkakahigpit ng kapit nito sa kanyang buhok ay para siyang matatanggalan ng anit.
"T-tama n-a Kiel... nasasaktan ako." Hindi na niya mabanggit ng tama ang nais niyang sabihin dahil nakangiwi na siya habang patuloy na humihikbi dahil sa sakit na nararamdaman.
Pakiramdam niya at parang siyang mawawalan ng ulirat ng binigyan siya ng isa pang sampal sa kanan nitong pisngi habang hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang buhok.
"Arrrgh... Ki-kiel. Please...e! Let me go! P-parang a-awa mo n-na.. Hi-hindi ko na k-kaya!"
"Really, bitch? E di sana hindi ka na lumandi pa at umuwi ka sana ng tamang oras nang hindi ka nasasaktan ngayon!"
Isang sampal muli ang natanggap nito sa kanya at itinulak siya nito sa hagdanan. Tumama ang kanyang likod at pakiramdam niya ay lumagutok ang kanyang buto.
"Le-t me e-explain Kiel.." "Huwaaaag!" Sigaw niya ng bigla siya nitong hilain paakyat sa kanilang kwarto.
Walang awang hinila siya nito paakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Hila-hila siya nito sa kanyang buhok habang siya naman ay patuloy na sumisigaw sa sakit.
"K-kiel! P-parang a-awa mo n-na... hindi k-ko na k-khayaa.. Arrghh! Arghhh!" Wala na siyang ibang masabi kundi ito na lamang dahil halos mawalan na siya ng malay sa sakit na nararamdaman niya.
Pabalang na hinagis siya nito sa gilid ng kanilang kama at doon siya nagsumiksik sa takot na hindi niya alam kung anong klaseng pananakit pa ang ibibigay nito sakanya.
Napatingin siya dito nang maramdaman niyang papalapit na ito sakanya habang tinatanggal nito ang kanyang sinturon.
May ideya na siya kung anong mangyayari. Gustuhin niya man na tumayo at tumakbo papalabas ng silid ngunit hindi na niya magawa dahil ramdam na niya na malapit na siyang panawan ng malay.
"We're not yet fucking done, you bitch! Sinong kinita mo? Ha?! Sumagot kaaa!"
Sigaw nito bago siya latiguhin ng sinturon. Naramdaman niyang tumama ang buckle sa kanyang likod na tumama sa hamba ng hagdanan kanina.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing-isa...
Labing-isa ang natamo niya sa buong katawan. Tama ng buckle ng sinturon na sigurado niyang ikakasakit niya kinabukasan.
Wala na itong lakas na awatin o ipagtanggol ang saril. Mababakas sa kanyang mukha na hindi na niya kaya..
Unti-unti siyang nahiga sa carpeted na sahig habang patuloy pa rin siyang sinasaktan..
Dugo at luha, 'yan na lang ang nararamdaman niya ng mahiga na siya ng tuluyan sa sahig. Wala na siyang maramdam na kahit anong sakit sa katawan niya.
Marahil ay napagod na siyang indahin ang paghahampas sa kanya ng asawa niya. She love him so much that it cost her to feel this way.
She loves him to the point that she choose to stay and be with him, praying to almighty that one day, someday...
She will have it. All his love, for herself only.
"Kiel... my love.." tanging naiusal niya hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
A/N: Kinabahan ako habang ginagawa ko 'to. Ramdam ko kasi ang sakit!
Please Vote and Like! Thank you Babiiies! 💋
BINABASA MO ANG
Someday
General FictionWARNING: Some scenes is not be suitable for the very young age. Read at your own risk. Five years of unforgettable and unforgivable memories of marriage. Three years after she left her husband, she return as an emotionless and heartless woman . H...