Chapter 32

84 3 0
                                    

A/N: Super short update muna ito. Konting patikhim ng nasa utak ni Kiel Besay.
Enjoy Reading, mga beb!

---------------


Walang naging sagot si Kiel sa sinabi ng kaibigan, mas gugustuhin niya pang manahimik at 'wag nang pahabain pa ang usapan nila dahil hindi naman si Juaquine ang dapat niyang kausapin at pagtapatan ng katotohanan. Mas pipiliin niya pang malagutan ng hininga sa pagpapaliwanag sa harap ni Vexena kesa sa kausap niya ngayon.

Buo na ang kanyang desisyon na magtapat kay Vexena. Batid niyang nasa likod ng pinto ang kanyang dating asawa at nakikinig ito sa kanilang pinaguusapan kaya wala na siyang lusot o dahilan pa para magkaroon ng mahabang panahon upang ilihim sa kanya ang lahat.

Marahil ito na nga ang talaga ang tamang panahon dahil ang tadhana na mismo ang siyang nagtikda sa mangyayari. At marahil dumating na rin ang takdang panahon upang makapag usap sila ng kanyang dating asawa patungkol sa kanilang nakaraan. He doesn't even want to continue his medication and be stuck here to this hospital while he knows that he doesn't have a lifetime.

If this is the only way para mawala ang sakit sa puso niya ay gagawin iyon ni Kiel. Alam niyang hindi na sila magkikita ng matagal ni Vexena..

"Leave me alone, Juaquine." Iyon lang ang naisatinig niya sa kaibigan.

Humugot naman ng malalim na paghinga sa Juaquine. Kilala niya ang kaibigan niya. Kapag sinabi nito ay iyon ang gagawin niya. Tanging si Vexena lang talaga ang may kayang baguhin ang desisyon nito. Gustuhin man niyang pilitin ito na ipagpatuloy ang paggagamot ay alam niyang wala na siyang magagawa. Hinding-hindi niya matatanggap na mawawalan na naman siya ng mahal sa buhay. Sa pangalawang pagkakataon...

Walang buhay na tiningnan ni Kiel ang kisama nang tuluyan na siyang iniwan ni Juaquine. Nagiisip siya kung saan at papaano niya sisimulan ang pagtatapat kay Vexena nang mapalingon siya sa pinto at iniluwa niyon is Vexena. Maga at may talim na titig ang nakita niya sa mata ng kanyang iniibig. Tila isang punyal ang bigla na lang isinaksak sa kang puso nang makita niya ang kalagayan ng kanyang dating asawa ngunit alam niyang hindi pa ito ang mas masakit. Dahil mas matindi pa ang kanyang makikita sa napaka gandang mukha nito kapag inilabas na niya ang lahat.

"Lord, help me get through this..." Piping dasal ni Kiel habang titig na titig pa rin siya sa babaeng papalapit sa kanya.

"Vexena... A-ano yang mga dala mo? B-akit ka may dalang traveling bag?" Tanong niya dito

Ngunit hindi siya kinibo nito bagkus ay inilapag nito ang kanyang mga dala sa sofa bago lumapit sa kanya at naupo sa tabing upuan nito.

"Talk Kiel. I want to hear the whole story. Gusto kong wala kang itira at gusto ko rin na simulan mo sa simula hanggang sa huli."

Isang malungkot na ngiti muna ang binigay niya bago iniangat ang sarili upang maupo sa kama. Kahit masama ang loob ni Vexena ay hindi niya pa rin ito pinabayaan, sa halip ay tinulungan niya pa ito na umayos ng upo at isinandal niya ito sa headboard ng kama.

"Alam kong nakikinig ka kanina sa amin ni Jauquine at sinadya ko talaga na iparinig sayo kung sino ang dahilan ng paghihirap nati-"

"Ko. Paghihirap ko lang Kiel." Matigas na pinutol nito ang sasabihin ng binata at tinitigan niya ito ng madiin na siya namang ikinayuko ng lalaki.

Isang tango ang ibinigay nito sa kanya at muling binuksan ang kanyang bibig upang magsalita.

"Yeah.. It's just you, Vexena."

"Ikaw lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko..." Bulong niya sa kanyang sarili.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon