Chapter 31

72 7 2
                                    


"Ve—xena. I already know that. Sinabi mo na sakin yan noon. Have you forgot about it? A—nong nangyayari sayo?" Kunot-noong tanong nito sa kanya.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata sapagkat wala rin siyang ibang maisip na pwedeng idahilan dito. She can't tell it yet. This is not the right time.

"Forget it, Kiel. I need to get you a food. But don't expect me to leave you here, alone."

Pagkasabi niya ay dali-dali na siyang lumabas ng kwarto. Ayaw niyang usisain pa ni Kiel ang mga nasabi niya dahil alam niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya sinasabi ang totoo.

Dala dala niya ang kanyang mga pinamili nang mapadaan siya sa isang convenience store, nakita niya si Juaquine doon at mukhang may binibili. Napailing na lang siya, alam niyang bibisita ito kay Kiel at magkakaabutan nanaman sila doon ngunit wala siyang pakialam. Ang importante ay ang mabantayan niya ang dating asawa at malaman ang totoong nangyari dito. Wala siyang panahon sa kaibigan nito dahil naka focus siya ngayon sa pamimilit niya kay Kiel patungkol sa rason nito kung bakit siya nito sinaktan noon.

Nagpasya siyang umuwi na muna upang maligo at makakuha ng iba pang mga gamit na dadalhin sa ospital dahil wala sa kanyang plano ang iwan ito doon. Minadali niya ang kanyang sarili at direchong lumabas ng kanyang bahay upang bumyahe pabalik ng ospital.

Nahirapan siyang bitbitin ang lahat ng kanyang mga dala kaya inilapag niya muna ang mga ito upang buksan ang pintuan ng kwarto ni Kiel. Bubuksan sana niya ng maluwang ito ngunit narinig niyang nagtatalo sila Kiel at Juaquine kaya nagpasya siyang isara muli ito ngunit hindi niya ito naituloy dahil narinig niya ang sinabi ni Kiel dito kaya nagdesisyon siyang makinig sa pinag uusapan ng mga ito.

"Just fucking stay away from this, will you?! Sinabi ko nang hindi niya pupwedeng malaman ang totoo diba? Bakit ba pinipilit mo pa rin akong sabihin sa kanya ang totoo?!"

Dinig ni Vexena ang pagpipigil sa boses ni Kiel.

"Hindi mo sasabihin? Wala ka na ba talagang awa na natitira sa sarili mo kaya hindi mo masabi sa kanya ang totoo?! Tang*na Kiel, mamamatay ka nang maaga dahil dyan sa katarantaduhan mo! Ayaw mo sabihin sa kanya dahil natatakot ka na baka magalit siya sa ama niya?! Well then, fuck it! May karapatan siyang magalit dahil iyon ang tama! Dahil kagagawan talaga ng ama niya kung bakit naghihirap kayong dalawa hanggang ngayon! Karapatan niyang malaman ang totoo dahil pareho kayong naging laruan ni Don Jaque!"

Nabato sa kanyang kinatatayuan si Vexena matapos niyang marinig kay Juaquine ang tungkol sa ama niya.

"Bakit? Anong ginawa ng daddy ko? Siya ba talaga ang dahilan? Hindi ko maintindihan."

Nabalik siya mula sa pagiisip nang muling magsalita sa Kiel.

"Kahit anong pakiusap ang gawin mo, hinding hindi ko sasabihin kay Vexena ang totoo and don't you fucking dare to tell the truth to her Jauquine. Take that as a warning."

Buo at matigas ang pagkakasabi ni Kiel tanda na desidido na siya sa kanyang desisyon. Ngunit hindi pa rin ito sinang ayunan ng kanyang kaibigan.

Umiiling si Jauquine at umupo sa upuan kung saan katabi ng kama niya.

"Hindi naman masama ang sabihin ang totoo kay Vexena, Kiel. Hindi ba karapatan niya 'yon? Dahil nagdusa siya sa iyo, sa inyo ng ama niya. Diba dapat nga ay magpasalamat ka pa dahil kahit alam mong hiwalay na kayo ay nandito siya para alamin ang totoo? Buddy, don't keep it alone, she's here now."

Narinig niyang tumawa ng pagak ang kanyang dating asawa bago muli itong sumagot.

"Why? Kapag sinabi ko ba na inutusan ako ng ama niya na ligawan, paibigin at pakasalan siya ay babalik siya sakin? Kapag sinabi ko ba na inalagaan, binihisan at pinag aral ako ni Don Jaque para lang mapalapit sa kanya ay papatawarin niya ako? Kapag ba sinabi ko sa kanya na sa kabila ng iyon, kahit na sobra-sobrang pagmamahal ko sa kanya ay tinupad ko pa rin ang plano ng ama niya ay mawawala ang galit niya? Sa tingin mo ba kaya niya pa akong patawarin kapag sinabi ko sa kanya yan? Tell me, do I have a chance to get her forgiveness? If that's the case then I will tell her. Para lang bumalik siya sa akin, para lang patawarin at mahalin niya lang akong muli."

Pilit na pinipigil ni Vexena ang kanyang hikbi upang 'wag marinig ng dalawa na naroroon siya at malinaw na naririnig ang kanilang pina uusapan. Walang kasing sakit ang nararamdaman niya sa ngayon matapos niyang malaman ang totoo. Tuluyan na siyang napaupo sa gilid ng pinto at walang habas na nag unahan ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"Why?! Bakit kailangang gawin nila ito sakin?! Bakit kailangang danasin ko ang lahat ng ito?! Anong kasalanan ko kay Kiel at daddy para gawin nila sakin 'to? Dahil ba sa mana? Dahil ba sa hindi matanggap ni daddy na kaya hindi siya iniwanan ng kahit anong mana ni mommy? Dapat lang sa kanya 'yon dahil isa siyang masamang tao! Hayop! Mga hayop kayo!"

Nanginginig sa galit si Vexena at gusto niyang puntahan ngayon ang kanyang ama ngunit pinili pa rin niyang makinig sa dalawa upang kumalap ng mas malinaw na dahilan. Ito ang isa sa natutunan niya simula ng umalis at iniwan niya si Kiel. Ang huwag magpadala sa bugso ng galit.

"Pare, naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang hirap mo sa pagsasabi ng totoo kay Vexena. Pero isipin mo na lang na para na rin ito sayo para hindi na ka na mahirapan na itago ang lahat sa kanya. Tanggapin mo na lang kung ano ang sasabihin sayo ni Vexena dahil siya naman talaga ang mas agrabyado dito. Alam ko na nasasaktan ka rin kapag sinasaktan mo siya pero pare naman, ito na ang pagkakataon mong sabihin sa kanya ang totoo. Be a man enough to confess everything to her before it's too late."

——————

A/N: Hindi ko talaga alam kung tama ang ud ngayon. Pero pagpasensyahan nyo na ako kung sobrang tagal nyong naghintay. I will make it up to you soon. May mga bagay lang akong ginagawa sa ngayon with regards to my personal stuffs.

Soon, magkakaroon rin ng story si Juaquine, ang tanong ko lang eh kung gusto niyo ba? Survey lang kung may gusto ba na gawan ko siya ng story.

Salamat sa matiyaga at mahabang paghihintay. Enjoy reading!

MissGalletitaaa

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon