Tanikala (TweetFic- PNY Battle Level Up Auditions)

32 8 0
                                    

Mistulang lupon ng mga langgam ang mga tao.
Pila-pilang naglalakad.
Parada para sa mga taong ikinulong sa isang hawla na yari sa pagkukunwari at kasinungalingang hatid ng mga palara at bato.
Isang tanikalang gawa ng mga pangarap at kabiguan ng mga nagnanais tumakas.

Bawat hithit ng kakarampot na inakalang pag-asa, ay ang pagbuga ng hindi pagkatanto sa buhay na tinatahak.
Pilitin mang tumakas, naisin mang abutin ang alapaap, sa isang putok lamang ng baril, matatapos ang lahat.
Ang mga ikinubling hiling ay hindi na matutupad.

"May mga parak! Matotodas tayo 'pag nagkataon! Takas na!"

Isang malakas na alingawngaw ang naulinigan ng buong bulwagan.
Kasing bilis ng kidlat na naupos ang kandilang ibinigay sa kanila ng Maykapal.
Walang nanlaban pero lahat ay kinandong na ng ulap.
Isa-isang ginawaran ng mga pagkilala; mga karitong naging mga aparatong nagdikta sa kanilang katapusan.

dedlaynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon