Muli kong tinapunan ng tingin ang aking obra maestrang kanina ko lamang natapos.
Magda-dalawang taon na rin ang nakalilipas magmula nang sinimulan kong tipunin muli lahat ng materyales sa paggawa nito mula sa malawak na dagat na siya ring pinaglagyan ko ng mga ito noon.
Tama naman na ang pagkakahulma ko rito, hindi na maipagkakailang kawangis na kawangis na ito ng babaeng kabisado ko ang bawat linya, kurba, at maging ang kinalalagyan ng mga nunal sa buong katawan. Sapat na naman ito sa dami ng buhangin at maliliit na bato para sa mas matibay nitong pundasyon. Ganoon din sa hangin, ngunit parang may kulang pa rin.
"Bakit hindi ka pa rin humihinga, Inay?" tanong ng aking anak at saka muling bumuga ng hangin sa ilong ng obra maestra kong gawa sa abo ng aking yumaong kabiyak.
BINABASA MO ANG
dedlayn
RandomCrammed Writing Contest Entries of amoysingetchronicles. Mga lahok na itinipa dalawang oras bago ang deadline. . . . AN: Ang mga akdang nasa koleksyong ito ay pawang walang kuwenta at hindi na dapat binabasa. Not Edited. Read at your own risk.