Mackintosh D.C. (Catharsis III: Unveiling of the Last Man Standing Round 1)

19 8 0
                                    


Nakatuon  ang  iyong mga  matang  walang  kahit  anong  nakikita  sa  kadilimang  lumamon sa  iyong kinalalagyan.  Walang  buhay,  walang  kahit  ano  sa  malawak  na  kawalan.
.
.
.

Ituon mo ang iyong mga matang nilagom ng kulay ng mga troso sa pagkalaki-laking buwan na nasa gitna ngayon ng langit, lupa at maging ng impiyernong kinasasadlakan mo ngayon.

Nakaupo ka ngayon sa pinakagilid na bahagi ng balkonahe ng iyong kuwarto.
Pinagmamasdan ang anino mong hatid ng pinagsamang kadiliman at liwanag ng buwan at saka dahan-dahan mong pinapasadahan ng daliri ang mga konektadong linya ng iyong mukhang kahugis ng mukha ng paboritong cartoon character ng iyong ina na si Spongebob, maging ang buhok mong tulad ng kay Goku, ay hindi pinalagpas ng iyong mga daliri at sinundan mo ulit ang linya nitong taas-baba.

.
.
.

Matayog  ang  mga  binuo mong pangarap  para  sa  sarili, sobrang taas na hindi man lang tanaw ang dulo.
Pangarap na mismong ikaw ay sumuko nang ito ay pangarapin.
Katulad ng mga nakasulat sa textbook na ipinakain mo na sa pagkabagal-bagal na nilalang sa loob ng isang shell na tanging kasama mo sa bahay, ang mga salitang 'map' 'dreams' at 'sweven'.

Kagabi, habang binibilang mo kung ilan na nga ba ang mga buhok mo sa baba na kung hindi ka nagkakamali ay nasa isang pulgada na ang haba ay binisita ka muli ng demonyong hindi mo tiyak kung saan galing. Nakikita mo siya gabi-gabi. Ngingitian mo ito, at ngingitian ka rin niya. Bumelat ka sa kaniya, gumanti rin ito ng belat sa iyo. Ipinakita mo sa kaniya ang mabuhok na tila garapatang patay sa iyong baba, at ginawa rin nito ang huli.
Napatitig ka rito, at gayundin ito sa iyo.
Sa palagay mo ay kilala mo itong lalaking nasa katauhan ng demonyo nakasuot lagi ng damit na parang sa Maynilad. Tila may kung anong mantsa ang pilipinong kompleksiyon nito sa may bandang hita.
Dinura mo ang kanina mo pa nginunguyang dahon. Maanghang iyon at malamig sa bibig.
Dumura rin ang demonyo ng katulad sa iyo.
Ngunit, wala ka pang nakikilala na ngumunguya rin nito maliban sa alaga mo.

Tumakbo ka sa loob ng iyong kusina, kumuha ng kutsilyong panghiwa. Napagtanto mo na kilala mo nga ang demonyong iyon, ang demonyong may bakas ng mainit na bagay ang kaliwang pulsuhan.
Pagkabalik mo sa harapan nito ay kapareho mo na itong nay hawak ng kutsilyo, itinutok mo ito sa kaniya at napatigil ka saglit.
Nawaglit sa iyong isipan na ikaw nga pala ang demonyong nasa harapan mo.

.
.
.

Pero sa mga oras na ito, nasaan ka?
Nakatitig ka ngayon sa kambas na pinintahan pinturang kulay dugo, hindi. Totoong dugo ang ginamit pang-pinta sa kambas na iyon.
Kanina ka pa hindi mapakali.

Sino na naman ang itinuro ng iyong mapa?
Nahanap mo na ba ang ibig sabihin ng mga salitang 'grade', 'books', 'history' , at 'memory' na nakasulat sa textbooks na ipinanlaman tiyan na ng alaga mo?
Nainom mo na ba ang pinapangarap mong 'coffee' na madalas pagkuwentuhan ng mga kaibigan mong batak?
Narating mo na ba iyong 'forest' na parati mong binabanggit sa tuwing humihithit-buga?

Sino na naman ang pinukulan mo ng kutsilyong iyan?

Ang daming tanong. Kasing dami ng moon sa Jupiter.
Napahawak ka sa iyong sentido, ano nga bang ginawa mo ngayong araw na ito?

Narinig mo ang pag-ugong ng saksakyan ng mga parak at wala ka na muling naalala.

****

Bawat  pag-ikot  mo  ng  iyong paningin  sa  lugar  ay  lalo  kang tinatakasan  ng  bait. 

Wala  nang  silbi  pa  ang  mga  mata, hindi mo na rin nanaising pagmasdan pa ang demonyong walang iba kun'di ikaw. Ipinikit  mo  ang  mga  talukap  ng  mga  matang  pagod  na  pagod  na  sa  nakikita.

Dahan-dahan.  Dinukot  ang  mga  mata.  Malakas  na  hiyaw  at  pagnguyngoy  habang  pinapahirapan  ang  sarili. 

Nakatuon  ang  mga  matang  walang  kahit  anong  nakikita  sa  kadilimang  lumamon  sa  iyong kinalalagyan.  Walang  buhay,  walang  kahit  ano  sa  malawak  na  kawalan.  Pilit  kinalimutan  kung  paano  huminga,  hinanda  ang  sarili  para  sa  huling  paraan  tungo  sa  kalayaan;  ang  humarap kay Kamatayan at sa nalalapit na katapusan ng pagpapakita ng pagkalaki-laking buwan.

At sa huling pagkakataon, ang iyong katapusan ay nagpaulan ng dugo, maging ang kahulugan ng kasaysayan ng pangalan mo ay hindi kinayang sanggain ang mga patak ng dugo.

-Mackintosh

sa panulat ni amoysingetchronicles

ika-14 ng Nobyembre, 2016
.
.
.
Note:

mack·in·tosh

\ˈma-kən-ˌtäsh\

noun

1 chiefly British : raincoat
2 : a lightweight waterproof fabricoriginally of rubberized cotton

dedlaynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon