Sili-sili, maanghang. Tubig-tubig, malamig.
Si Hudas ang taya, siyang kaawa-awa.
Naiwan siya sa gitna ng kaparangan nang umulan. Nilisan. Lilinisan.At bilang pangwakas na ritwal ng kaniyang laro, humukay siya ng puntod gamit ang kaniyang mga nagbabagang kamay. Nalunod na ng maragsang patak ang mga dahon, bulaklak, ugat, at mga natupok na laman. Naligo na ang buong mundo, at siya na lamang ang hindi naanggihan. Maghahandog na lamang siguro siya ulit ng kape at tinapay.
BINABASA MO ANG
dedlayn
RandomCrammed Writing Contest Entries of amoysingetchronicles. Mga lahok na itinipa dalawang oras bago ang deadline. . . . AN: Ang mga akdang nasa koleksyong ito ay pawang walang kuwenta at hindi na dapat binabasa. Not Edited. Read at your own risk.