Mural (Pocky Rangers Auditions)

18 8 0
                                    


"Nakakita siya ng paru-parong lilipad-lipad. Tuwang tuwa siya habang pinagmamasdan ang paligid; sa malawak na papawirin, agaw atensyon ang nagsusumigaw na mga kulay ng isang bagay. May pula, kahel, dilaw, luntian, lila, at asul. Isang bahaghari," malakas na basa ni Lita sa tekstong nasa libro na kaniyang takdang aralin.

Paasa pa rin ang mga kuwento, patuloy na pinapaniwala ang mga bata na ang mundo ay katulad ng mga mural sa pre-school. Makulay, masaya, at maganda. May paru-paro, at may bahaghari.

Babalik siya ulit sa paniniwalang iyon; paniniwala sa kalinga at pag-asa sa paaralan.

**********

Makalat. Mausok. Maingay.
Ang mundong kinasasadlakan niya'y maraming langaw, at natatakpan na ng usok ang bahagharing ibig makita.

Isinukbit ang bag sa balikat at nagsimula nang bagtasin ang kalye gamit ang nagugutom na sa pandikit niyang sapatos at suot ang unipormeng naghahangad nang maplantsa.

Nakayuko siyang pumasok sa klase, at tahimik na naupo sa dulo ng silid.

"Alam n'yo naman ang kalakaran ng K-12, hindi ba? Wala pa tayong module kaya mangongolekta muna ng dos para sa photo copy," pahayag ng guro.

Hindi tauhan si Lita sa mga mural na nasa pader sa pre-school.

Tauhan siya ng kaniyang ipipintang sariling mundo, gamit ang edukasyon bilang kambas.

-Mural
sa panulat ni amoysingetchronicles

dedlaynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon