"Basura talaga iyang mga nakaupong iyan!" ani Aling Rosita matapos rumehistro sa iskrin ng telebisyon ang mga pinagkatiwalaan niya noong eleksyon.
"Inay, sabi po ninyo may pera sa basura? Ibig sabihin, mas maraming basura, mas maraming pera-" Napahinto ang ginang sa pagrereklamo saka lumingon sa anak.
"E, bakit mahirap pa rin po ang bansa natin?"
-Basura
sa panulat ni amoysingetchronicles
Mayo, 2018
BINABASA MO ANG
dedlayn
RandomCrammed Writing Contest Entries of amoysingetchronicles. Mga lahok na itinipa dalawang oras bago ang deadline. . . . AN: Ang mga akdang nasa koleksyong ito ay pawang walang kuwenta at hindi na dapat binabasa. Not Edited. Read at your own risk.