Chapter 2: Badtrip
Eliashib's Point of View
Badtrip! Kainis naman kasi tong si Yanna eh. Gusto ko sanang samahan si Kiel sa clinic para makatulog rin ako. Badtrip talaga! Ba't kailangan niya pang umepal!?
"Chill ka lang Eli. Yung titig mo parang makakapatay na Haha"
Inakbayan ako ni Vash at sumabay siya saking maglakad. Nauna na si Yanna'ng maglakad."Tigilan mo nga ako Vash! Wala ako sa mood ngayon"
Sabi ko sa kanya at binilisan ko yung lakad ko para marating ko agad yung room namin.Nung nasa tapat na kami ng room napahinto si Yanna. Takot pumasok yan pag may guro na sa loob eh. Takot ma late. Scaredy cat! Nauna akong pumasok sa kanila.
"Where have you been Eliashib?"
Tanong ni Sir sakin."Emergency."
Tipid kong sagot saka naupo. I know its rude but I don't care anymore."Asan yung iba mong kasama?"
Tanongan ba ako ng mga wala? Psh! Tinuro ko nalang yung labas. Tinamad na akong magsalita eh. Puro discussions na naman to malamang.Nakayukong pumasok silang dalawa at naupo agad si Vash sa tabi ko. Sa harap ko naman nakaupo si Yanna. Ang laking tao nitong nagharang sa harapan ko. Nagulat ako nung biglang lumingon si Yanna sakin.
"You're acts are so childish Eli"
What the hell! Lumingon siya para lang ipamukha yun sakin? The hell with you Yanna!"Wag mo nalang pansinin"
Bulong ni Vash sakin at inabutan ako ng chocolates. To the rescue ka talaga Vash."Thanks for making me feel better always"
Nakangiting bulong ko sa kanya. Baka marinig pa kami ni Sir at mapalabas pa kami sa klase. Minsan na kaming napalabas ni Vash sa sobrang daldal namin.Napakaboring naman ng klase ni Sir. Aakmang matutulog sana ako sa table ko pero madaling pinalo ni Yanna ang noo ko.
"Aray!"
Nakadami ka na ah. Inirapan ko siya at sumandal sa upuan ko. Letche! Kanina ka pa Alyanna ah! Last nalang sasabog na talaga ako."Makinig ka kasi. Di porke't matalino ka na ay matutulog ka nalang"
Sabi niya pa. Wala naman akong sinasabing ganon eh."Eh sa ayaw kong makinig eh. Hinayaan mo nalang sana akong magpaiwan dun sa clinic"
Pigil ang inis na sigaw ko sa kanya."Hay naku Eli. You're still a baby"
Anong baby? Malaki na kaya ako. Ulol! Mas mataas pa nga ako ng height sayo eh!"I'm not anymore"
"Kahit na anong gawin mo. Its a fact that you're the youngest. Ako yung pinakapanganay kaya dapat ay respetuhin mo ako. 2 years ang gap natin."
Dalawang taon lang naman yun ah. Maliit na bagay. Anong gusto mo? Tawagin kitang ate? No way!"What do you want? Ang tawagin ko kayo ni Ali ng ate dahil mas matanda kayo sakin ng 2 years?"
Inis kong tanong sa kanya."Tigilan niyo na nga yan. Ano ba kayo? Sa oras ng klase pa talaga kayo magaaway?"
Sabat ni Vash pero di siya namin pinakinggan."Kung maaari. Yes. Pero I'm not demanding for it. Okay na sakin ang ganitong set up"
"Eh yun naman pala eh. Ano pang inaarte arte mo diyan?"
YOU ARE READING
Little by Little
Teen Fiction(On-going) Little by little they fall in love with each other