Chapter 13: Clinic

9 5 0
                                    

Chapter 13: Clinic 

Eliashib's Point of View

Gezzzzz, kahit na wala ng ulan ay parang ginihinaw parin ako. Napalakas siguro ang aircon kaya nanlalamig ako. Tumayo ako para patayin ang aircon ng masapo ko ang kamay ni Kiel. Dito kasi nakitulog ang gaga.

Ang init niya. Hinawakan ko yung noo niya. Shit! Sobrang init niya talaga! Napatayo ako at agad na kumuha ng thermometer at inilagay ko sa kele kele niya. Aish! Pinatay ko yung aircon at kinumutan siya.

"39 °C"
Basa ko sa thermometer. Shit! Ang taas ng lagnat niya. Bwesit ka Kiel! Kagabi lang sobrang ingay mo pa at panay tanong ka sa nangyari sakin ngayon ikaw naman tong nagaapoy sa lagnat.

"Dumagdag ka pa sa problema ko gaga! Kung ipasama nalang kaya kita sa lakad namin ni lolo Manolo eh no!"
Kausap ko sa kanya kahit na natutulog siya. Tumayo ako para puntahan si Mom..

"Good morning my beautiful princess"
Bungad ni Daddy sakin. He's reading a newspaper.

"Dad, where's mom? I need her. Inaapoy ng lagnat si Kiel"
And with that ay biglang lumitaw si Mom at nagmadaling umakyat sa kwarto ko. Ganon din si Dad..

"I already put a thermometer on her mom!"
Sigaw ko pa sa kanya.

"Urrghhh! Tita, good morning"
Hinang hina si Kiel kaya pinahiga lang siya ni Mom. Kinuha niya yung phone niya at may tinawagan. It must be Tita Faith, Kiel's mom..

"Wag ka na munang pumasok ngayon iha. Magpahinga ka nalang muna. I already informed your Mom at dadalawin ka nalang nila dito. You should stay here until you'll get better okay?"
Ani Mom. Bakit di nalang iuwi si Kiel? Mas makakapahinga pa siya dun sa kanila kesa dito.

"Uuwi na lang po ako tita"

"No. Nag day off ang katulong niyo ngayon and may meeting na dadaluhan ang mom and dad mo. May pasok ang mga kuya ko kaya sa ayaw at sa gusto mo you'll stay here. Ako ang magbabantay sayo"
Nakakapanibago talaga ang mga ginagawa ni Mom. She's not like this before. Palagi kasi siyang busy. But I'm more than happy kasi nagagampanan niya na yung role niya sa amin.

"Thanks tita"

"Kumain na muna tayo para makainom ka na rin ng gamot"
Tinulungan kong makatayo si Kiel hanggang sa dining area. Kakagising lang din ni Kluxx.

"Good morning mom!"

"Good morning dad!"

"Good morning beautiful ladies"

Bati ni Kluxx samin. Binati rin namin siya at naupo na para manalangin.

"Matamlay ka ata ngayon Kiel? Are you sick?"
Tanong ni Kluxx kay Kiel na di naman nito pinansin. Kumain nalang kami hanggang sa matapos ay naligo na ako, si Kiel nakahiga sa kama ko at si Kluxx naman ay andun na sa baba naghihintay sakin. Ihahatid kasi kami ni Dad sa school kasi papunta rin siya sa company namin para kausapin si Lolo Manolo sa planong pagsama nila sakin. Ayokong sumama.

"Mauna na ako Kiel at sana naman ay magpagaling ka agad."
Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Tahimik lang ako sa buong byahe namin. Wala akong ganang mag ingay kay alam ko pagdating ko mamaya parang paparazzi'ng sasalubungin ako ng mga kaibigan ko.

"Uy Eli!!! Okay ka na ba? Ano na talaga ang nangyari? Tara kwentuhan mo mo"
I knew it! Di pa man ako nakatung tung sa elevator ng makita ako ni Ali..

"Hi Kluxx"
Bati niya pa kay Kluxx na kasabay ko pa rin.

"Pwede ba mamaya na Ali? Atat na ata ka eh!"

Little by LittleWhere stories live. Discover now